"Doc! Gising na po siya!"Pag mulat ko ng mga mata ko ay nasa hindi pamilyar na lugar ako. Umiikot ang paningin ko kaya kahit abala ang mga nasa paligid ko hindi ko maintindihan ang sinasabi o ginagawa nila. Wala akong lakas para igalaw kahit yung mga daliri ko. Dalawang doktor ang lumapit sa akin para tignan ako.
"Call her husband," sabi ng isang doktor na may kung anong tinitignan sa mga aparato na nakakabit sa akin.
Nagtataka ako sa nangyayari sa paligid pero hindi ko na namalayan ang sumunod na nangyari dahil binalot ulit ng dilim ang paningin ko.
"Mimi. Mimi. Mimi."
Nagising ako dahil sa ingay ng bata na parang ako yung tinatawag. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at bumungad ulit sa akin ang hindi pamilyar na lugar.
"Madam! Hala madam!" Natataranta na kinuha ng babae ang cellphone niya at may tinatawagan. "Sir! Si madam gising na ho! Opo kagigising lang!"
"Hello doc! Opo doc gising na si madam!"
"Mami. Mami. Mami," napatingin ako sa bata na buhat ng babae. Nakatingin sya sa akin at pinipilit niya akong abutin. Paiyak na sya kasi hindi ko pinapansin. May pumasok na doktor pero nakatingin pa rin ako sa bata.
"Beh ang likot mo naman. Nahihirapan na nga ako kasi ang bigat mo tapos ang likot mo pa," itinuro ako ng bata gamit ang kanyang maliit na daliri. "Hindi ka pa pwede buhatin ng mommy mo. Naku basa na naman ng laway yang daliri mo! Hindi ka talaga bubuhatin ng mommy mo kasi puro ka laway."
Mommy?
Maya-maya may pumasok na lalaking kulay berde ang mga mata at nakasuot ng formal suit. Kung titignan masasabi mo agad na may mataas na antas siya sa lipunan. Pati yung doktor na tumitingin sa akin yumuko pa pag dating nya. Malaki ang kanyang pangangatawan at madilim ang ekspresyon ng mukha.
"Dada," kinuha ng lalaki na bagong dating yung bata.
"How is she Doc?"
"There is nothing to worry about. Can I talk to you outside about the other concern or is it okay to talk to you about that here?" Tinignan muna ako ng lalaki bago sumagot sa doktor. Pati yung bata na karga niya nakatingin sa akin.
"Let us talk about it outside," lumabas sila kaya kaming dalawa na lang nung babae ang naiwan. Kahit may edad na siya at pagod ang mga mata maganda pa rin siya.
"Madam, mabuti naman po gising ka na. May mag aalaga na po kila sir at riu."
"Hindi ko kayo kilala," kahit ang sarili ko hindi ko kilala.
"Madam, wala ho ako sa posisyon para mag sabi sayo. Hintayin mo na lang po si sir," hindi ako sumagot. Tinititigan ko lang sya sa mukha at inaalala kung sino sya pero biglang sumakit ang ulo ko.
"Madam! Naku! Pasensya na po!"
"What's going on?" Tanong nung lalaki.
"Pasensya na po. May nasabi po yata ako na nakakapagpa-sakit sa ulo ni madam," tinignan ako nung lalaki.
"Don't force yourself," aniya sa seryoso at malalim na boses.
"Mami. Mami," napatingin kaming pareho sa bata na pilit akong inaabot mula sa pagkaka-karga sa kanya ng lalaki.
"Who— who are you?" Sa wakas ay nasabi ko rin. Tinitigan nya lang ako. "I said, who are you? Why am I here? What happened to me?"
"I know you have a lot of questions. I will answer everything but not now," he replied.
BINABASA MO ANG
Photograph Of Yesterday
RomanceAs Cassandra struggles to piece together her shattered memories, what will a photograph unfold about her forgotten yesterday?