"Yes, you had an accident after you gave birth to riu."
Nilingon ko si riu na kumakain mag-isa at hinaplos siya sa pisngi. Hinuli naman nya yung kamay ko tapos niyakap 'yon. Napangiti ako.
"I am sorry anak. I was not even there to celebrate your birthdays with you," nilingon ko si zak. "Palagi mo ba siyang pinaghahandaan pag birthday niya?"
"N—no," he stuttered. My forehead creased.
"Why?"
"His birthd— Cassandra, how can we throw a party and celebrate while his mother is lying on the hospital bed and fighting for her life?"
"Oh. I am sorry," I looked at Zak who was staring at me.
"You just lost your memories but you did not change. Still, the same old you who always say sorry to things that were not even your fault," he said.
"Am I like that?"
"Always," he replied before looking down at his plate and mumbling. "That is why he is so crazy about you."
"What?" I asked.
"Nothing. Tapusin na natin 'tong pagkain natin para makapag pahinga na tayo. Kailangan mo mag pahinga cassandra. Ang sabi ni doc hangga't maaari huwag ka hahayaan mapuyat."
"Baby do you want to sing until we fell asleep?" Tanong ko kay riu habang nakahiga na kami. Pare-pareho pa kami ng kulay ng suot na pajamas.
Kusa na lang 'yon lumabas sa bibig ko na para bang kahit hindi ko maalala ay noon ko pa talaga ginagawa. Ngayon ko lang din napagtanto na 'yong mga kinikilos ko at kung paano ko alagaan si riu ay parang sanay na sanay na ako sa pag-aalaga ng bata. Samantalang ang sabi ni zak ilang araw pagkapanganak ko kay riu naaksidente ako kaya hindi ko na siya na alagaan masyado. Oh baka ganun talaga? Siguro natural sa isang ina na maging gamay kung paano alagaan ang kanyang anak matagal man niya kasama o hindi.
"Shing," sagot ni riu. Natawa kami ni zak.
"Sing not shing riu," sabi sa kanya ni zak.
"What should we sing? Twinkle twinkle?" I asked.
"Wingkle wingkle," sagot ni riu kaya natawa ulit kami ni zak.
"Okay. Twinkle, twinkle, little star. How I wonder what you are. Up above the world so high—" naluluha ako habang kumakanta kaya tumigil ako pero mabuti na lang dahil tinuloy 'yon ni zak.
I don't understand why I get too emotional just by singing.
"Like a diamond in the sky. Twinkle, twinkle, little star. How I wonder what you are. Goodnight baby," hinalikan niya sa noo si riu. "Goodnight Cassandra," he ruffled my hair and pinched my nose.
I glanced up to the ceiling for a little while and when my eyes were half open and half closed I heard a voice.
"Goodnight mommy."
"Goodnight anak," I absentmindedly said and fell asleep.
"Riu, don't wake your mom," mahinang saway ni zak kay riu.
Unti-unti akong nag mulat ng mga mata at nakita si riu na nakaupo sa gilid ko habang hawak ang kamay ko. Si zak naman nasa kabilang side ng kama, magulo pa ang buhok na nakasandal sa headboard at may nakapatong na laptop sa tiyan.
"Mami, wake," ani riu at gumapang sa ibabaw ko.
"Did you wake her up?" Nanliliit ang mga matang tanong sa kaniya ni zak na para bang walang tiwala sa sariling anak. Hindi sumagot si riu. Nag tago lang sa leeg ko.
BINABASA MO ANG
Photograph Of Yesterday
RomanceAs Cassandra struggles to piece together her shattered memories, what will a photograph unfold about her forgotten yesterday?