TRIGGER WARNING: SELF-HARM
This chapter contains content that some readers may find disturbing and/or may not be suitable for young audiences relating to self-harm.***
"That night was so traumatic for them."
"Naging miserable ang buhay namin noong iniwan kami ng mommy nila."
Hindi ako mapakali. Hindi ko na dapat idinadawit ang sarili ko sa isyu ng ibang pamilya pero hindi ko pa rin talaga maiwasan mag-taka. Hindi ko tuloy matapos-tapos yung binabasa ko.
Ano ang ibig sabihin ni andrius na tungkol sa gabing 'yon? At anong, naging miserable ang buhay nila noong iniwan sila ng asawa niya?
Iniwan?
Natigil ako sa pag-iisip dahil may kumatok sa pinto ng library at sumungaw mula roon ang ulo ni mildred.
"Madam, may bisita po," aniya.
"Sino?"
"Sila sir andrius po. Nandyan po ulit sila."
Pagbaba ko naabutan ko silang nakaupo sa couch sa sala pero tumayo kaagad sila nung nakita ako.
"Sab," ani Andrius.
"Mommy," napalingon ako kay arc na tumawag sa akin. Nag-init na naman bigla ang ulo ko dahil naalala ko na naman na umiyak dahil sa kanya ang anak ko.
"Don't call me mommy," mariing wika ko. Napayuko siya.
"I'm sorry p—" pinutol ko ang sasabihin niya at bumaling kay andrius.
"Bakit nandito na naman kayo?"
"Sab, we just want to apologize for what happened."
I nodded, "Apology accepted. You may leave."
"Mommy," hinawakan ni arc ang kamay ko pero marahas ko 'yong hinawi kaya napaatras siya.
"Paiiyakin mo ba ulit ang anak ko?!"
"Mommy, anak mo din po ako. Baby mo din po ako," sagot niya sa nanginginig na boses.
"I said stop calling me mommy! Hindi kita anak, naiintindihan mo?! At hinding-hindi kita matatanggap bilang anak ko dahil ayoko sa batang matigas ang ulo!"
Napabalikwas ako ng upo at habol-habol ang hininga kaya napahawak ako sa dibdib ko. Basang-basa rin ako ng pawis kahit naka-on naman 'yong aircon dito sa library. Tinignan ko ang namamanhid kong braso ko dahil ginamit ko 'yon pang-unan sa mesa.
Nakatulog pala ako habang nagbabasa.
Nakahawak pa rin ako sa dibdib ko dahil kasabay ng pag hahabol ko sa hininga ko may nararamdaman din akong kirot sa dibdib kaya pumunta kaagad ako sa kwarto namin ni zak para inumin 'yong gamot ko. Hindi ko alam kung anong pangalan ng mga gamot na iniinom ko dahil sa transparent na boteng maliit nakalagay 'yon. Nalalaman ko lang kung ano 'yong dapat kong inumin sa tamang oras depende sa kulay ng mga capsule.
Pagka-inom ko ng gamot pinakalma ko muna ang sarili ko sa kama bago lumabas ng kwarto para silipin si riu sa kwarto niya. Alas dos pa lang ng hapon kaya tulog pa siya. Natutulog kasi siya pagkatapos ng pananghalian at madalas alas singko siya nagigising. Nang masiguro ko na maayos ang lagay niya dumiretso ako sa isa pang kwarto kung saan naroon ang mga gamit ko sa pagpipinta.
BINABASA MO ANG
Photograph Of Yesterday
RomanceAs Cassandra struggles to piece together her shattered memories, what will a photograph unfold about her forgotten yesterday?