"What's that?"
Madalas maubos ang oras ko sa pagpipinta o di kaya'y sa pagsulat. Inilaan sa akin zak ang bakanteng kwarto sa tabi ng kwarto ni riu para maging entertainment space ko. Tuwing may napapanaginipan akong imahe ng tao o kaya lugar pini-pinta ko kaagad para hindi ko 'yon makalimutan. Kaya ngayon na may napanaginipan akong lugar ipininta ko kaagad.
Bumaling ako sa taong nag salita sa likuran ko, "I don't know zak. This appeared in my dream last night."
"A tree appeared in your dream?" He asked. Frowning.
Mabuti nga puno lang e. Minsan kasi nananaginip din ako na may humahabol sa akin tapos hindi naman ako makatakbo. Minsan naman 'yong para akong nahuhulog sa mataas na building. Isasagot ko sana sa kanya pero hindi ko na lang isinatinig.
"Obviously not! Hindi pa naman kasi ako tapos inuna ko lang 'yong puno. Pero dahil bida-bida ka at bigla-bigla ka na lang pumapasok eto ang naabutan mo."
Zak chuckled.
"I am just checking on you."
"Wala ba tayong cctv?" I asked. He shrugged.
"I also need to talk to you."
"About what?"
"I have a business trip tomorrow. 1 week akong wala dito sa bahay," aniya.
Kinabukasan maagang umalis si zak para sa business trip niya. Dahil matagal-tagal siyang mawawala nagdagdag siya ng security guards at nag assign na rin siya ng mga tauhan na mag momonitor sa cctv na siya ang gumagawa pag nasa bahay lang siya. Binigyan niya rin ako ng card. Sabi niya wala daw limit 'yon kaya pwede akong bumili ng mga kailangan ko o kakailanganin namin dito sa bahay.
"Madam, si Riu po ayaw bitawan yung remote!"
Abala ako sa pagluluto ng tanghalian namin nang marinig ko si mildred na namomroblema na naman kay riu. Hindi talaga sila magkasundo. Lagi kasing iniinis ni riu si mildred.
Ilang araw na ang nakalipas mula nung event pero hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong naging tagpo namin ng kaibigan— dating kaibigan kaibigan ni zak. Kamusta na kaya ang mga bata?
"Kakain na tayo!" Sigaw ko para marinig nila. Madalas pinipigilan ako ng mga kasambahay sa mga gawaing bahay pero ayokong iasa lahat sa kanila lalo na ang pag-aalaga sa mag-ama ko.
"Madam ano po ulam?" Tanong mildred na karga si riu pag pasok sa dining area.
"Adobong sitaw. Nga pala mildred, paubos na 'yong condiments natin. Pasuyo naman akong ilista ang mga 'yon para hindi ko makalimutan. Mag go-grocery ako mamaya."
"Sige po madam. Samahan po kita baka kasi hindi mo pa po alam papunta doon. Tsaka para may mag buhat po ng mga pinamili mo."
"Thank you. Pero ako na lang mildred. Dito na lang kayo ni riu. Hindi naman malayo 'yong grocery mula rito sa atin tsaka hindi rin naman masyadong marami ang bibilhin ko."
Tumango si mildred at nag simula nang kumain. Si riu naman sinusubuan ko. Hindi ko mapigilan mapa-titig sa kanya. At habang tumatagal 'yon lalo akong nag-tataka. Hindi ko siya kamukha. Wala man lang siyang nakuha kahit ano sa akin. Ganun din kay zak. Kulay gray ang mga mata ni riu samantalang kulay green naman kay zak. Ang akin naman kulay brown. Napansin ko na ito noon pa pero ngayon lang ulit sumagi sa isip ko dahil natitigan ko siya. Wala siyang kamukha sa amin ni zak pero sobrang pamilyar ng itsura niya.
BINABASA MO ANG
Photograph Of Yesterday
RomanceAs Cassandra struggles to piece together her shattered memories, what will a photograph unfold about her forgotten yesterday?