15

4.6K 141 29
                                    

"Madam, si sir Andrius po nasa labas! Awatin niyo po siya madam dahil baka po magkagulo. Nandoon na po yung mga bodyguards ni sir Zak pero may mga kasama din pong bodyguards si sir Andrius!"


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mildred kaya't walang pagdadalawang isip akong lumabas kaagad. At ganun na lang ang bilis ng pintig ng puso sa nadatnan ko sa labas.


Nasa labas si Andrius na pinalilibutan ng mga tauhan niya at nasa labas na din ang mga tauhan ni Zak para pigilan sina Andrius na makalapit sa gate. Even Berto was there leading his team. His right hand are on his side where his gun is placed like he is prepared to fire anytime if something happened or someone uses force to enter our premises.


Tiningnan ko si Andrius na nakatingin na rin sa akin, ramdam ko 'yong kagustuhan niyang tumakbo palapit sa akin pero hindi niya magawa dahil marami ang nakabantay. Alam ko ang utos ni Zak sa mga tauhan niya kaya alam ko na din kung ano ang mangyayari kung nagpupumilit si Andrius na lumapit. Ayokong umabot sa punto na 'yon kaya kahit nanghihina ang tuhod ko sa takot ay humakbang ako para lapitan siya. Lalapitan din sana niya ako pero bago pa ako tuluyang makalapit sa kaniya hinawakan na ni Berto ang braso ko at hinila ako pabalik para itinago sa likuran niya. Tsaka niya inilabas ang baril niya at itinutok sa banda nila Andrius. Napasinghap ako dahil ganun din ang ginawa ng mga tauhan ni Andrius. Lahat sila naglabas na ng baril at itinutok din sa banda namin.


"Berto, ano ba!" Saway ko sa kanya na ngayon ay matalim ang mga matang nakatingin sa grupo nila Andrius habang mahigpit ang hawak sa baril niya. Nilingon ko si Andrius. Pinagigitnaan na siya ngayon ng mga tauhan niya. Siguro nabahala sila dahil naglabas ng baril ang mga tauhan ni Zak at pinoprotektahan nila si Andrius. Wala siyang hawak na baril. Pero kumpara sa mga may hawak ng baril, mas natatakot ako sa dilim ng tingin niya kay Berto tsaka sa paulit-ulit na pag igting ng panga niya.


Kahit wala siyang baril alam kong kaya niyang lumaban na kamay lang ang gamit. Pero kahit na ganun hindi ko na hahayaang humantong pa sa punto na 'yon. Kailangan niyang umalis dito. Lalo lang lalala ang sitwasyon pag dumating si Zak. Siguradong sa mga oras na 'to may isa na sa tauhan niya ang tumawag sa kaniya para ipaalam ang nangyayari.


"Pasensya na po trabaho lang," ani Berto.


"Sabrina," Andrius called me.


"What do you want?"


"Sab, please let's talk. We mean no harm."


"No harm? But you have your men with you," I scanned them. "And they are armed."


"Sab—"


"Leave, Andrius."


His expression loosened up. "Gusto ko lang makausap ka—"


"Andrius, wala na tayong pag-uusapan, naiintindihan mo? So please, leave. Huwag mo na hayaang magkagulo," he stared at me before looking down.


"Is this how you felt that night?"


My brows furrowed, "what?" I asked. He looked at me.


"Iyong hindi pakinggan. Pagtabuyan. Iyong paalisin ng walang laban. Iyong paalisin na hindi alam kung saan pupunta. Iyong paalisin na maraming bagay na hindi nasasabi," he looked away. But when he looked back at me again, there were already tears in his eyes. "Ang sakit pala," his voice broke. "Paano mo nakaya 'yon, Sab?"


I know he is in pain. I can see it... and I can feel it. Like we are connected. Just by looking at him, I can tell if he is happy or hurt. I had the urge to run to him and hug him hoping that I could take that pain away. But I can't do that. My son needs me. My family needs me. And running to him means I am choosing him over my family. I know... because those moments I spent with them I have almost forgotten my responsibility as a mother to my child. I was distracted.


Photograph Of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon