10

10K 319 138
                                    

"Madam, ayos na po 'yong mga gamit sa baba."


Kasalukuyan kaming nag eempake dahil ba-biyahe kami papuntang manila. Pabalik na kasi si zak sa Pilipinas at doon na namin siya sasalubungin. Dadalo din kasi kaagad siya sa isang business event doon sa manila na kasama kami kaya doon na kami mananatili ni riu sa hotel niya.


Nilingon ko si mildred na nasa pintuan ng kwarto namin ni zak habang pinapanood akong mag lagay ng mga damit ko sa maleta. "Ako na ang mag aayos kay riu, mag ayos ka na rin mildred," utos ko sa kanya.


"Sige po, madam," sagot niya.


Hindi naman mahirap paliguan si riu kaya mabilis kaming natapos. Wala lang naman siya sa mood maligo pag nakikita niyang hindi bulang-bula 'yong bathtub na pagliliguan niya. Kaya mula noong napansin ko 'yon sa kaniya sinisiguro ko muna na mabula 'yong bathtub bago siya dalhin sa banyo habang palutang-luta naman 'yong paborito niyang rubber duck.


Habang bumabyahe kami pa-manila hindi ko maiwasang hindi kumuha ng litrato sa mga nadadaanan naming magagandang view. Sabi ni zak mahilig din daw ako sa photography bukod sa pagsusulat at pagpipinta. Nung una nag-aalangan ako dahil hindi ko talaga kilala ang sarili ko. Pero nung binilihan niya ako ng film camera, hindi ko na mapigilan i-document halos lahat ng nangyayari sa paligid ko.


I shrugged off my thoughts and went on with taking pictures of the beautiful view in front. We are in a skyway so I can see the clear blue sky from the front seat. I will print this once we are home.


"Madam, gusto niyo po kumain muna? May madadaanan po tayong fast food," ani berto habang nagmamaneho.


Tumango ako. "Sige kain muna tayo, baka din matraffic tayo pag nasa manila na papunta sa hotel ni zak."


Huminto kami sa nadaanan naming burger king. Cheese whopper ang inorder ni mildred at berto. Kami naman ni riu 'yong flame grilled. Sandali lang kaming kumain doon. Nagmamadali kasi kami dahil baka abutan kami ng rush hour. Nag take-out na lang kami ng extra burgers para sa aming apat tsaka fries at float para may pagkain kami habang nasa biyahe.


Ilang oras pa ang itinagal ng biyahe namin bago kami nakarating sa quezon city, sa centris, kung saan naroon ang eton hotel na tutuluyan namin. May condo si zak sa makati, pero dito muna kami sa ngayon dahil dito gaganapin 'yong business event na dadaluhan namin. Habang tinatahak ng sasakyan namin ang daan papunta sa hotel naagaw ang atensyon ko nung may nakasulat na centris walk. Mayroon din akong nakitang bookstore. At sa hindi kalayuan, napangiti ako dahil mayroong parang malaking mushroom na bubong dahil sa laki. Nakikita ko rin ang mga tao na nagpipicture doon.


"Berto, safe ba mag lakad lakad dito? Gusto ko sana umikot dito bukas ng umaga," tanong ko kay berto. Binagalan naman niya ang pagmamaneho dahil siguro napansin niya na binubusisi ko ang buong lugar.


"Opo madam, safe naman po. Pero ang maipapayo ko po sayo madam, gabi ka maglakad-lakad dito. Mas maganda po dito pag gabi kasi buhay na buhay ang lugar. Kung gusto mo madam pwede mo na rin po subukan sumakay ng train kung hindi mo pa po nasusubukan 'yon," suhestiyon niya.


"Hala! Ako! Hindi ko pa naranasan sumakay ng train. Nasaan 'yong train?!" Ani mildred.


"Nandoon 'yon sa taas," tinuro ni berto 'yong entrance ng mall. "Pwede tayo dumaan doon sa loob ng mall," aniya.


"Anong klaseng train ba 'yon?" Tanong ni mildred.


"MRT," sagot ni berto.


Pag lagpas namin sa may nakasulat na centris walk, dumiretso na ang sasakyan namin sa may mataas na kulay itim na building. Sa ibaba nung building mayroong house of chicken kaya sinabihan ko si berto na huminto muna doon para makakakain muna kami bago dumiretso sa hotel. Buhay na buhay ang paligid. Gusto ko sana lumibot kaso pagod na ako. Alam ko pagod na rin ang mga kasama ko. Lalo na si riu.


Photograph Of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon