06

14.6K 371 190
                                    

"Mommy...."


My hands began trembling and tears began to cloud my sight. I can barely see the face of the girl in front of me.


"What are you doing here, mommy?"


"But we're okay now, mommy. Right, Daddy? Kuya?"


I closed my eyes. I am hearing those voices again. Stop! Somebody, please make it stop.


"Hira!" A voice behind the little girl shouted. It is a boy. I think it was her brother. He stopped when he saw me.


"Hira! Arc!" A voice then shouted behind me. I think he was referring to the kids.


"Daddy!" Sigaw ng dalawang bata.


Daddy? Anak niya ang mga batang 'to?


"Sab," hinarap ko siya nang hawakan niya ako sa braso. Malamlam ang kaniyang mga mata habang ang sa akin naman ay puno ng luha.


"Mommy," tumakbo ang dalawang bata para yumakap sa akin. Lahat sila yumakap na sa akin. Sa harap ang mga bata sa likod naman ang lalaki. Sa lapad ng katawan niya nasasakop kaming tatlo ng yakap niya.


"Bitawan nyo 'ko," pinipilit kong kalasin ang yakap nila sa akin pero masyado 'yong mahigpit. Nagsimula nang umiyak ang mga bata.


"Mommy," tawag sa akin ng batang lalaki habang umiiyak.


"Mommy ko. I miss you po. Uwi na po tayo," pagmamakaawa ng batang babae.


"Wife."


"Bitaw sabi eh! Ano ba!" Sigaw ko at buong lakas na kinalas ang pagkakayakap nila sa akin. Lalapit sana ulit yung batang babae sa akin pero lumayo ako.


"Wag niyo 'kong lapitan. Hindi ko nga kayo kilala sabi eh!"


"Wife, please. Hayaan mo namang makausap ka ng mga anak natin," pagmamakaawa ng daddy nila. Hahawakan sana niya ulit ako sa braso pero umilag ako.


"Wife? Mga anak? How many times do I have to tell you that I don't know you?!" Pinakita ko sa kanya ang singsing na sinuot sa akin ni zak kanina. "I am married! We have a son! They are my family!" Tinignan ko isa-isa ang luhaan nilang mga mukha.


"Mommy ko."


"Stop calling me mommy!" I shouted and pointed at their father. "And stop calling me your wife! Hindi ka ba nahihiya?! Asawa ako ng kaibigan mo!"


"We are your family!"


Aalis na sana ako pero niyakap ulit nila ako para pigilan. Yumakap ang batang babae sa tiyan ko at ang batang lalaki naman lumuhod para mayakap ako sa binti, pinipigilan ang paghakbang ko. Ang daddy nila niyakap rin ako mula sa likuran.


"Wife please," he is sobbing. "It's okay if you don't remember us, just go home to us. I'm begging you."


Kinalas ko ulit ang pagkakayakap nila sa akin. Hindi ko na sila pinapansin at nag madali na lang umalis doon para makabalik na sa pamilya ko. Mabuti na lang din at hindi na nila ako pinigilan o sinundan. Ang bigat lang ng bawat hakbang ko dahil naririnig ko ang pag tangis nila. Tinatawag nila ako. Pero hindi ko na sila nilingon ulit.


"What took you so long?" Tanong ni Zak pagbalik ko. Tinignan ko si riu na abala sa nilalaro nyang kutsara habang nasa kandungan ng daddy nya.


"Sorry. Marami kasi akong nakasabay sa banyo kaya natagalan. Akin na si riu," kinuha ko siya pero naagaw ang atensyon ko ng mga kadarating lang.


Photograph Of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon