"I am snowed under with work. Damn it, I have been signing and signing and signing for almost an hour now."
"Nasaan ba kasi 'yong secretary mo?" Tanong ko kay zak na kausap ko sa cellphone. Nasa U.S siya ngayon.
"He is doing other tasks. Besides, this paper has to be evaluated by me. I could ask him to send a summarized version though. But I have to be meticulous with this one."
Ganoon ang naging sitwasyon namin sa araw-araw. Tinatawagan kami ni zak para kamustahin. May mga araw na hindi siya nakakatawag pero naiintindihan ko naman dahil abala siya. Hindi naman siya nagpunta doon para mag cellphone o gumala. Nandoon siya para sa trabaho. At isa pa, si zak 'yong klase ng tao na tamad sa pag ti-text. Naranasan ko na ang mag text ng mahaba sa kanya tapos isang letra lang ang reply niya.
Kasalukuyan kong binibihisan si riu dahil katatapos ko lang siyang paliguan. Hindi naman siya nahihiya sa akin. Hindi na rin siya nahihiya mag sabi pag nag poo-poo siya. Nabaling ang atensyon ko sa pinto nang kumatok si mildred.
"Madam, may tao po sa labas. Pinapatanong po ng guard kung kilala niyo daw po ba at kung papasukin po ba daw o hindi," aniya.
Napa-kunot ang noo ko. "Sino?"
"Naalala mo po 'yong nakaalitan ni sir zak sa mall?" Tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko.
"Si Andrius?!"
"May mga kasama po siyang bata ngayon."
"Paki-sabi naman sa guard na papasukin sila."
Nakakapagtaka man kung bakit sila nandito pero hindi naman dahilan 'yon para hindi ko sila tanggapin dito sa bahay. Lalo pa at kasama niya ang mga bata.
Pag-baba ko karga si riu naabutan ko sila sa sala. Pero bukod sa mag-ama may kasama pa silang dalawang lalaki na hindi ko kilala. Napatayo silang lahat nang makita na papalapit ako. Napansin ko 'yong lihim na pag-aayos ng batang lalaki sa buhok nya kaya napangiti ako. May bitbit din siyang bulaklak— hindi, lahat sila may dalang bulaklak. Bukod duon sa dalawang lalaki na hindi ko kilala.
"Sab— Cassandra," ani Andrius. Palipat-lipat ang tingin mula sa akin at kay riu.
"Hello po," napatingin ako sa batang lalaki. "bulaklak po para sa'yo. A—ako po ang pumitas po nyan," inabot niya sa akin ang bulaklak. "Ako po si arc. Arcus Gavriel po," pakilala niya. Nginitian ko siya.
"Hello po," napatingin naman ako sa batang babae. Pero noong mag tama ang tingin namin napayuko siya. Nahihiya yata, "Para sa 'yo po momm—madam. Ako din po ang pumitas niyan," inabot niya sa akin ang bulaklak. "Tapos ito din po," inabot niya rin sa akin 'yong bracelet na gawa sa beads. "Ako po ang gumawa nyan. Sorry po hindi ko kayo mabilihan ng mamahalin na alahas. Hindi pa po kasi kaya ng ipon ko," aniya. Nginitian ko siya at hinaplos sa buhok.
"Ayos lang. Hindi naman mahalaga ang presyo anak," sabi ko. Nanlaki ang mga mata niya at nag-liwanag ang mukha.
"Ako nga po pala si hira. Sapphira Aelin po," masayang wika niya. "Magkatunog po tayo ng pangal—" pinutol ni arc ang sasabihin ni hira kaya napayuko na lang siya. "Sorry mom— madam."
"Thank you," sabi ko sa dalawang bata bago bumaling kay andrius. Nang mag tama ang tingin namin inabot niya rin sa akin 'yong dala niyang bulaklak.
"Salamat," sabi ko. "Bakit nga pala napabisita kayo?" Tanong ko kay andrius.
"Gusto ka kasing makita ng mga bata," aniya. Nilingon ko 'yong mga bata. Naabutan ko silang nakatitig sa akin pero yumuko din noong mag-tama ang tingin namin. Nahihiya yata talaga sila sa akin.
BINABASA MO ANG
Photograph Of Yesterday
RomanceAs Cassandra struggles to piece together her shattered memories, what will a photograph unfold about her forgotten yesterday?