Ikatlong Banat

15 8 0
                                    

"ANO po 'yan?" tanong ni Mak habang ang bibig ay puno ng pagkain na niluto ng kanyang Lola.

"Deydiay pinapaluto na," (Iyong pinapaluto niya.) sagot ng kanyang Lola.

Tumango lamang si Mak at nagpatuloy sa paglamon, mas lalo pa niyang binilisan sa paglamon dahil sabik na siyang makita ulit at makasama si Keilly. Dahil hindi niya ito inaasahan.

Naligo pa siya upang may ihaharap kay Keilly.  Nang matapos, nagbihis din siya ng maayos, iyong pang-pasyal niya.

"Kasama ba si Keilly at ganyan na lang ang ayos mo?"

Bungad ng kanyang Lola sa kanya nang makita siyang pababa ng gawa sa kahoy na hagdanan nila. Hindi gaano kalakihan ng bahay nila Mak. At hagdan nila ay hanggang tatlong hagdanan lang. Ngunit sapat na ito sa anim na tao.

"Opo," bakas sa boses ni Mak ang galak.

Kilala rin nila si Keilly. Paano ba naman kasi, palaging bukang bibig ni Mak ito at palagi niyang kinu-kwento sa Lolo at Lola niya.

"Nagpapatulong po sila sa assignment namin sa Math," nakangiting dagdag pa niya at hindi rin maiwasang kiligin.

"Mabuti 'yan para naman dagdag pogi points," sabat rin ng kanyang lolo na kakarating lang galing banyo. Ngumiti si Mak sa kanyang lolo't lola.

"Opo. Mauuna na po ako."

"Mag-iingat ka. Huwag mong kalimutan ang pinaluto ng Tita Jewel mo."

"Opo!"

Agarang kinuha ni Mak ang tupperware na may balot na itong itim na panyo, 'tsaka nito agad na lumabas ng kanilang bahay. Nilagay niya sa box ng kanyang bisikleta ang tupperware at nagsimula ng mag-pedala. Habang minamaneho nag bisikleta niya ay nakangit lang ito hanggang sa nakarating siya sa bahay ni Ryan.

"Hoy, Mak!" tawag ni Gino sa kanya nang makita siya. "Ano 'yan?" tanong niya at lumapit sa kanya upang makita ang laman ng tupperware.

Tinabig ni Mak ang kanyang kamay nang akma niyang bubuksan ito. Kaya tumataba, eh. komento pa niya sa isipan.

"Kay Tita Jewel 'to!" asik nito.

"Oy! Pasok ka!" Agad siyang lumingon sa pinto nang tawagin din siy ni Ryan galing sa loob. "Ano 'yan?" tanong niya pa at tinuro ang tupperware.

"Pinapaluto raw ni tita Jewel sabi ni Lola."

Matapos sabihin 'yon ni Mak, saktong lumabas ang nanay ni Ryan na si Jewel mula sa kusina. "Iyan na ba 'yon?"

"Opo," sagot ni Mak sa kanya at saka niya inabot ito.

"Aba! Salamat. Maupo muna kayo at paghahanda ko kayo ng meryenda," sabi pa niya.

"Sa likod po kami ng bahay gagawa ng assignment," anunsyo ni Ryan sa nanay niya.

"O, siya. Sige sige. Dadalhan ko na lang kayo." At saka na siya bumalik muli sa kusina.

Akma silang pupunta na roon nang makita may isang busina ng kotse ang narinig nila. Kotse ito nila Keilly. Doon nakita ni Mak na lumabas si Gab, kasunod si Michelle at panghuli si Keilly na ikina-ngiti na naman niya. Kahit simple lang ang damit nito ay hindi pa rin mawawala ang ganda sa kanyang mukha. Naka-maikling itim na short ito at naka-dilaw na t-shirt na may nakaukit sa gitna nang t-shirt na "I love Baguio."

"'Yung nakita mo siyang nakasuot ng "I love baguio", pero hindi naman ikaw si Baguio." Agad nanlaki ang mata ni Mak dahil sa sinabing 'yon ni Gino sa kanya. "Sakit 'no?" Pang-aasar pa niya. Umiling iling siya at tinapik pa ang kanyang balikat 'tsaka niya sinalubong ang tatlong magkakaibigan.

Bakas sa mukha ni Mak na natamaan siya sa sinabi ni Gino. Pero isinawalang bahala niya na lang ito at nakangiting sinalubong din sila.

"Wow naman! Ang bango natin ah! Hindi ka naman niya gusto!" Pero natigilan na naman dahil sa bungad ni Gab kaya walang alinlangan niyang binatukan si Gab. "Masakit niyon, ah!" reklamo niya.

AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon