Ika-limang Banat

13 8 0
                                    

NANG napagtanto na ni Mak ang lahat, bigla na lamang siyang tumawa nang malakas na tila ba sinasapian. Natigilan din ang mga kaklase niya at ang ilan ay may iniwang komento sa kanya.

"Hoy! Kumalma ka! May bukas pa!"

"Kalmahin mo 'yang patotoy mo! Magpapakasal pa kayo ni Keilly!"

"Uy! Kinikilig!"

"Baka naman!"

Hindi pinansin ni Mak ang mga sinasabi nila. Tawa lang siya nang tawa na akala'y wala nang bukas, na akala'y nasiraan na ng utak, at ayon na naman ang palagay ni Mak na baka gusto ni Karlie si Mak para sa kanyang kapatid.

Tumawa siya nang tumawa dahil sa kilig at saya na nararamdaman.

Sa kakatawa niya, hindi niya napagtanto na wala na pala siyang kausap. At noong napagtanto niya na ito ay natigilan siya at nilibot ang paningin sa kabuuan ng kanilang silid. Ngunit wala siyang nahagilap kaya agad niyang kinuha ang bag at agarang tumakbo palabas ng klase.

Pagdating niya sa paradahan ng bisikleta nila ay tanging ang bisikleta niya lang ang naroon, iniwan na siya ni Ryan at Gino. Napanguso lamang siya at umuwi na lang.

Pagkarating niya sa kanilang bahay, ang Lolo niya agad ang kanyang hinanap.

"Lolo?!" Sigaw niya. "Tatang!"

Lumabas ang kanyang Lolo mula sa kusina nila, nakakunot ang kanyang noo.

"Oh, Mak? Apay agpupukaw ka dita? Kasla ka naaw-awan," (Bakit nagsisigaw ka riyan? Para kang nawawala.) sabi niya.

"Lo, may tanong ako," iyon ang unang bungad ni Mak.

"Inya?" (Ano?) tanong niya at kumuha ng baso at nagsalin ng ng tubig mula sa pitsel.

Kinuwento agad ni Mak ang nangyari kanina. Naging kuryuso siya dahil bakit kakilala no'ng kuya ni Keilly ang Lolo ni Mak at ang kanyang tatay.

"Bakit po kayo kilala ni Kuya Karlie?" tanong niya sa Lolo.

"Aba'y siyempre, ako'y isang Kapitan noong trenta pa lang ako." Nalaglag ang panga ni Mak dahil sa sinabi ng kanyang Lolo. "Hindi ba't nasabi ko na sa 'yo ito noon?" Agarang umiling si Mak. "Ngayon na-ikwento ko na."

Tumawa nang malakas amg kanyang Lolo. Ngunit si Mak ay napatulala lamang sa kanya dahil sa mangha.

"Naging kapitan ako sa Tuguegarao noon."

"S-sa Tuguegarao po?"

"Wen," (Oo) tango-tangong aniya. "Nag-retiro lang ako dahil sa sakit ng aking paa, at si Karlie Flores nga ang pumalit sa akin. Kay buting pamilya, sila ang tumulong sa akin na magamot itong paa ko. Sobrang malapit ang mga Sarmiento sa pamilyang Flores dahil ang lolo mo sa tuhod ay isang kapitan din noon dito. Sarmiento rin ang tumulong sa mga Flores upang makaahon sa hirap."

"Ibig po bang sabihin mayaman tayo?" Namamanghang tanong ni Mak.

"Hindi ko masasabing mayaman, hindi ko rin masasabing mahirap. Nakakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw, may mga damit tayo, balay (bahay) na matutuluyan," tugon ng kanyang Lolo Mario.

Ibig bang sabihin, posibleng magkagusto sa akin si Keilly? Sabi ni Mak sa kanyang isipan.

"Ang lolo ng crush mo ay matalik na kaibigan ko." Mas lalo pang nabuhayan si Mak dahil sa narinig sa kanyang Lolo.

"Nasaan na po siya?" tanong niya.

"Nasa America. Nagpapagamot dahil may sakit siya sa bato." Bakas sa mukha at mata ang lungkot ng kanyang Lolo dahil tila bumabalik ang ala-ala noong kabataan pa lang nila. "Sige na, magbihis ka na."

AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon