Ika-labintatlong Banat

19 9 0
                                    

"KEILLY!"

Kumaripas ng takbo si Mak upang saluhin siya pababa sa kahoy na step ladder. Kahit na ligtas lang naman ito.

"Mak, h'wag kang mang-gulat ng gan'yan, ayos lang naman ako," tugon ni Keilly at hinabol ang hininga dahil sa kaba.

"Hindi ka naman mahuhulog kung kakapit ka lang nang mahigpit," sagot ni Mak at hinawakan nang mabuti ang kamay ng dalaga. "Kumapit ka lang at huwag kang mahulog sa iba."

"Ang korni mo, Mak!" Singit ni Michelle sa kanila habang may hawak na kulang rosas na parol.

Hindi pinansin ng dalawa si Michelle.

Tatlong araw ang lumipas, naging masaya ang piyesta nila. Maraming mga palaro, maraming pa-premyo si Kapitan Flores, at maraming ganap na halos hilingin na ng lahat na bigyan pa ng isa pang linggo ang piyesta.

Bukas na rin ang kaarawan ni Mak, at nasasabik na siyang ibigay ang tula na matagal niya nang ginawa para kay Keilly.

"Ako na lang diyan," ani Mak at kinuha ang puting parol at saka dahan-dahang umakyat sa step ladders upang ibitin ang parol sa gitna ng pintuan.

Patuloy pa rin ang lahat sa kasiyahan ng piyesta habang ang mga estudyante ay nakatuon sa pag-dedekorasyon ng kanilang silid sa darating na pasko.

Hindi makapaniwala si Mak sa mga nagdaang araw dahil sa naging malapit si Keilly sa kanya. Na mas lalong hindi niya inaasahan, hindi niya inaasahan na mas lalo silang magkakalapit sa kanila. Dahil dati ay halos hindi niya mahawakan si Keilly sa kamay o kaya'y hindi niya malapit-lapitan ng tatlong pulgada.

Ngayon ay tila hindi na sila nagkakalayo sa isa't-isa sa sobrang lapit, halos wala na silang balak magkalayo noong mga nagdaang araw. Kaya malakas ang pakiramdam niya na may gusto rin si Keilly sa kanya. Napapaisip niya na siguro ay may gusto na rin si Keilly sa kanya, na matagal nang pinapangarap ni Mak ito.

Baka sandaling ito ay mag-tapat na si Keilly sa kanyang nararamdamam sa kanya. Tuloy, buong araw nakangiti si Mak na halos mapunit na ang mga labi nito dahil sa mga iniisip niya.

Ang mga iniisip niyang 'yon ay muling bumalik kung paano ang unang pagkikita nilang dalawa.

"Mak!" Nabalik sa ulirat si Mak dahil sa pag-tapik ni Gino sa kanyang balikat. "Tulala ka na naman. Sino ba tinitingnan ko."

Napanguso siya at tinuro ang babaeng tila dayo lang sa kanilang lugar.

"Ahh… 'yung babae pala na 'yon. Crush mo?" Napangising pang-aasar ni Gino sa kanya at hinampas nang mahina ang balikat ng kaibigan na animo'y kinikilig.

"Ikaw ah!" Pang-aasar niya muli.

"A-ano ba! Huwag ka ngang maingay!"
Pagkunwaring inis ni Mak kahit na bakas sa mukha ang kilig.

"Siya si Keilly Aila Flores, ang nagiisang unica hija ni Kapitan Flores," si Gino.

Hindi ito pinansin ni Mak at nakatitig lang siya sa maganda dalaga na 'yon habang kausap ang kaklase na si Gab. Maganda nga talagang tunay si Keilly. Maliit ang ilong ngumiti matangos ito gaya ng kaniyang tatay. Kahit hindi kaputian ay lumalabas pa rin ang ganda niya, lalo na iyong mga ngiti niya. Halatang mahiyain siya.

Bigla ay nagulat si Mak sa biglang pag-harap ni Keilly kaya agarang kumaripas ng takbo si Mak patungo sa likod ni Gino upang magtago. Sumilip siya nang kaunti upang tingnan ang dalaga, at dumagundong sa bilis ang puso ni Mak nang makitang palapit na sila Gab at Michelle kasama ang bagong kaibigan na si Keilly.

"Hoy! Ano ba!" Reklamo ni Gino kaya tumalikod na lamang siya.

Hinawakan ni Mak ang kanyang dibdib, pilit na pinapakalma ang sarili dahil ito ang unang beses niyang makaramdam ng gan'to sa isang babae.

AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon