NAPAKAMOT si Jane sa kaniyang ulo at napanguso. Umiwas si Mak nang tingin dahil sa kaniyang ginawa. Ngunit natigilan siya noong nagtama ang paningin nila ni Keilly na noo'y seryosong seryoso na hindi na makilala ang kaniyang ekspresyon.
Umiwas na lang din siya ng tingin dahil nakaramdam siya ng takot sa kaniya. Itinuon niya na lang ang pansin ang kaniyang ginagawa.
"Mak, ano sagot mo sa 6?" Si Gab.
"Negative 58."
"Tama ako!" Sigaw ni Gab.
"Naintindihan mo na?" Nakangiting tanong ni Mak sa kaniya. Ngumiti ito ay tumango.
"'Yung sa number 4?" Tanong din ni Michelle.
"Negative 43," sagot ni Mak.
Nagulat si Michelle at napatakip sa kaniyang bibig nang matapos sabihin 'yon ni Mak.
"Bakit?"
"Ang layo ng sagot ko. 70," aniya.
Natawa si Mak at tumayo upang lumapit sa kaniya at saka niya tinuruan si Michelle.
"Grabe ang galing mo, Mak. Crush na yata kita," pag-birong saad ni Michelle sa kaniya. Napa-angat ng tingin ang nga kaibigan nila kasama si Jane dahil sa sinabing 'yon ni Michelle.
Natawa si Mak at umiling. "Huwag, baka may magalit."
"Tsk. Gawin mo muna nang tama 'yang Math mo bago ka magka-crush," sumabat si Ryan na ikinatigil nilang dalawa.
Masama ang tingin ni Ryan kay Mak at Michelle na ikinapagtaka ng kaniyang kaibigan. Umismid pa siya at muling tinuon ng pansin ang ginagawa.
Nagkatinginan si Mak at Michelle at sabay na nagkibit-balikat na lang at saka tumawa. Natatawang napalingon si Mak kay Keilly ngunit hindi niya inaasahan na nakatingin din pala siya sa kaniya pero agad ding umiwas ng tingin si Keilly. Napanguso si Mak dahil pakiramdam niya ay galit pa rin si Keilly sa kaniya.
Habang tahimik ang lahat, nilingon ni Mak si Keilly dahil kanina pa niya napapansin na hindi siya mapakali sa kaniyang ginagawa. Kunot ang noo siyang nakatitig sa ginagawa niya na minsan ay napapakamot siya sa kaniyang batok o kaya sa kaniyang ulo. Mukhang hindi niya alam kung paano sagutan ang takdang aralin nila. Napansin din iyon ni Mak.
Akmang magsusulat si Keilly nang agad na tinakpan ni Mak ang kaniyang kwaderno gamit ang kaniyang palad. Nag-takang nag-angat ng tingin si Keilly sa kaniya. Ngumiti siya at marahan niyang kinuha ang kwaderno ni Keilly upang tingnan ang sagot nito. Tumango tango si Mak habang tinitingnan ang sagot ni Keilly. Mali ang lahat ngunit tumango siya upang hindi masaktan ang damdamin ni Keilly.
Nag-angat si Mak sa kaniya at ngumiti 'tsaka tumango bago siya tumayo at lumapit sa kaniya.
"Chelle, palit muna tayo," ani Mak.
Nag-angat naman ng tingin si Michelle kay Ryan na katabi ni Mak kanina. Napa-buntong-hininga na lang siya at wala nang magawa at tumayo naang 'tsaka siya inis na naupo sa katabi ni Ryan.
Natawa na lang si Mak noong makita kung ano ang maitim na tension na bumabalot sa dalawa niyang kaibigan. Umiling iling siyang natatawa at naupo sa katabi ni Keilly.
Agad niyang tinuruan si Keilly na ngayo'y sobra ang puno ng Pula ang kaniyang pisngi na ikina-ngiti lalo ni Mak.
Sa huli, naunawaan na ni Keilly ang aral nila sa Matematika. Pero lingid sa kaalaman ni Keilly, dalawang mata ang nanlilisik na nakatitig sa kaniya. Nakikita 'yon ni Mak ngunit isinawalang bahala na lamang niya 'yon.
Ngumiti lamang si Mak habang pinagmamasdan niya si Keilly habang nagsasagot. Ngayon ay alam niya na kung paano ito sagutan.
"Pahingi ng isang Mak Sarmiento!" Biglang sabi ni Michelle kaya natauhsn bigla si Mak.
BINABASA MO ANG
Akala
Teen FictionMiguel Aiman Kye Sarmiento o mas kilala bilang Mak ay isang binata na ang hangad lamang niya ay mapansin siya ng kanyang napupusuang dalaga na si Keilly Flores. Date Started: September 18, 2020 Date Finished: December 08, 2020