Ika-labing isang Banat

19 8 0
                                    

PAGKARATING niya sa kanilang bahay ay naabutan niya ang kaniyang Lolo na nakaupo sa upuang gawa sa narra habang nagkakape.

"Oh, hijo, apay tatta ka lang?" (Bakit ngayon ka lang?) Tanong agad ng kaniyang Lola nang makita ang apo.

"Pumunta lang po ako sa gilid ng baybay," (dagat) matamlay na tugon ni Mak at nagpatuloy muli sa paglalakad patungo sa kwarto nila.

Nahiga si Mak sa kama at napatitig sa kisame nila. Ang nararamdaman niya ngayon ay tila may nawalan sa kaniyang buhay.

Alam niya sa kaniyang sarili na mga bata pa lang sila ngunit hindi niya maiwasang mainis at masaktan. Sinisisi niya ang kaniyang sarili kung bakit pa niya nagustuhan si Keilly.

Awtomatikong napabangon si Mak sa pagkakahiga nang may kumatok sa pinto ng kanilang k'warto. Bumukas ang pinto at bumungad ang kaniyang Nanay.

"Nakahilata ka pa rin? Tanghali na, ah," ani ng kaniyang nanay.

Kanina pa gising si Mak ngunit tinatamad lang itong bumangon.

"Bumangon ka na riyan at may ipapagawa ako sa 'yo," utos ng kaniyang nanay bago
bumangon si Mak.

Umalis agad si Mak patungo kina Aling Leng noong natapos niyang ayusin ang sarili. Hindi maulan ngayong araw kaya hindi siya tatamarin na maglakad, at gamitin na lang ang kaniyang bisikleta.

Agad na tinawag ni Mak si Jane noong nakita niya siya sa tapat ng kanilang bahay na may dalang buslo (basket).

Marahang nilingon bi Jane si Mak, at nagulat nang makita siya. "Mak! Naparito ka? Ano 'yang dala mo?" Bungad agad ni Jane sa kaniya at tinuro ang dalawang tupperware na hawak ni Mak.

"Pinapasuli ni mama ito. Salamat daw," tugon ni Mak sa mahina at walang ganang boses.

"Ah, sige." Nakangiting kinuha ni Jane ang tupperware mula kay Mak.

"Sige, alis na ako." Agad na saad ni Mak nang nasa kamay na ni Jane ang tupperware.

Akma sana siyang tatapakan ang pedal  pero agad siyang pinigilan ni Jane gamit sa paghawak nito sa kaniyang braso.

Nilingon niya si Jane ngunit hindi nagsasalita.

"M-may gagawin ka ba mamaya?" Si Jane.

"Wala naman," nagtatakang tugon ni Mak.

Matapos sabihin 'yon ni Mak ay nasilayan niya ang labi ni Jane na ngumiti bang malapad.

"P'wede mo ba akong samahan sa palengke?"

Kumunot ang noo ni Mak. "Para saan?"

"May pinapabili kasi si mama roon. Samahan mo ako!" Pamimilit pa niya.

"A-ano kasi… baka kasi hanapin ako nila mama." Napakamot siya sa kaniyang ulo.

"Samahan kita mag-paalam. Tara, angkas mo ako!" Agarang naupo si Jane sa likuran ni Mak. "Tara na!"

"A-ano… h'wag na pala. Samahan na kita." Matapos sabihin niyon ni Mak, inapakan niya na ang pedal at nagsimula nang magmaneho.

Sa unang pag-pedal ni Mak ay naramdaman niya ang kamay ni Jane sa kaniyang laylayan ng damit. Hinayaan niya lamang ito at hindi pinansin.

Nakarating sila sa palengkehan ng kanilang barangay. Marami ang mga taong namimili para sa piyesta bukas.

Naghanap muna sila ng pag-pupwestuhan ng bisikleta. Nang matapos ay sinamahan niya na si Jane.

"Marami ka bang bibilhin?" Tanong niya kay Jane.

"Kaunti lang. Bumili na kasi si Mama kahapon," tugon ni Jane. Napatango si Mak at hindi na sumagot. "Ang sabi ni mama, iba raw ngayong taon ang piyesta kaya marami siyang lulutuin. Masaya raw ngayong taon, siguro ay may pasabog si Kap," dagdag pa niya at kumuha ng kamatis saka ito nilagay sa basket na dala niya.

AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon