Ika-sampung Banat

19 8 0
                                    

NANG makaalis si Jane ay dali-dali siyang lumingon kay Keilly na nakatitig sa bimpong hawak ni Mak. Hindi alam ni Mak kung bakit dumagundong sa kaba ang pintig ng kaniyang puso.

Lalo na noong tinalikuran ni Keilly si Mak. Tuloy, maraming mga tanong na naman ang sumasagi sa isip ni Mak.

"Mak, si sir nariyan na." Hinila siya ni Gino sa kanilang upuan na tatluhan.

Alam ni Mak na nagalit si Keilly dahil sa tinuran ni Jane. Alam niyang nagseselos siya na hindi niya na maiwasan pang ngumiti na naman. Itinago niya na lamang ang bimpo na bigay sa kaniya ni Jane at nakinig na lang sa kanilang guro.

Sa pag-uwi ni Mak sa kanilang bahay, nakatunganga lamang siya at nag-iisip ng kung ano-ano dahil hindi pa rin tumitila ang ulan. Kanina pa siya naka-tambay lang sa kanilang k'warto, natapos niya na rin ang kaniyang mga takdang, tulala pa rin siya.

"Mak?" Biglang may tumawag sa kaniya. "Bumaba ka nga muna rito."

Awtomatiko siyang napatayo nang marinig ang kaniyang Lola.

"Bakit, Lola?" Tanong niya bigla sa kaniyang Lola.

"Tapos ka na ba sa mga gawain mo?"

"Wen, La," (Oo, Lola) tugon ni Mak.

"Ited mu man ngarud kenni Mang Kolas mu deytuy tupperware. Agpayung ka lattan at haan ka agbayken." (Kung gano'n, ibigay mo nga itong tupperware kay Mang Kolas mo. Mag-payong ka na lang at h'wag ka na mag-bisikleta.)

Kinuha ni Mak ang tupperware. Wala siyang magawa kundi ang sundin ito dahil wala naman siyang gagawin. Kumuha si Mak ng paying at saka na siya lumabas. Nakita niya sa labas na walang masyadong tao dahil sa maulan at maputik din ang daan.

Pagpunta niya roon ay gano'n na lang ang gulat niya nang makita ang isang taong hindi niya inaasahan. Si Keilly, nakaupo sa harap ng karinderya ni Mang Kolas.

"K-kei." Gulat na usal niya nang nilapitan ito. "Anong ginagawa mo rito?"

"M-mak." Nagulat din si Keilly.

Muli sanang sasagot si Mak ngunit tinawag na siya ni Mang Kolas. "Oh, Mak. Ayan ka na pala?"

Binigay ni Mak ang tupperware ngunit ang paningin ay na kay Keilly pa rin.

"Kaklase mo naman itong si Keilly, hindi ba, Mak? Sakto at narito ka, hindi ko siya maihatid sa kanila dahil marami akong kustomer ngayon. Wala rin kasi ang apo ko, eh," mahabang paliwanag ni Mang Kolas sa kaniya. "Pasensya na, hija. Mabait naman itong si Mak ay paniguradong hindi ka niya papabayaan."

Nahihiyang nag-angat ng tingin si Keilly kay Mak.

"Sige po, Mang Kolas. Ako na lang po maghahatid sa kaniya," ani Mak na kay Keilly pa rin ang paningin.

"Oh, siya, sige. Salamat, Hijo ay ako'y maraming gagawin pa."

"Salamat po, Mang Kolas," pasasalamat ni Keilly at tumungo nang bahagya upang magbigay galang sa matanda.

"Pasensya na ulit, Hija. Sige na Mak, ikaw na ang bahala sa kaniya, ingatan mo siya," paalala muli ni Mang Kolas sa kaniya bago siya pumasok sa loob.

Matunog naman na napa-buntong-hininga si Mak at bahagya itong lumapit sa kaniya upang payungan siya.

"Ihahatid na kita sa inyo," ani Mak.

Tumango si Keilly at bahagya ring lumapit sa kaniya dahilan upang napalunok nang mahaba si Mak dahil naamoy niya ang matamis na pabango ni Keilly. Dahil na rin sa kaba at sobrang lapit nila sa isa't-isa. Maliit pa man din ang payong na sakop lang ng dalawang tap.

AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon