MAAGANG nagising si Mak kinabukasan upang mag-handa ng kanyang almusal. Napag-desisyunang ng kanyang magulang na patapusin niya muna mag-aral dito sa Pilipinas at balak ng kanyang magulang na sa Amerika na lamang siya mag-kolehiyo.
Napatigil si Mak sa pagluluto nang makarinig niya ang tinig ng kanyang Lolo at Lola. Agaran niyang binitawan ang sandok at dali-daling lumabas ng kanilang bahay. Ngunit iba ang bumungad sa kanya, ang taong hindi niya inaasahan na dadalawin siya.
"K-keilly," bulong niya sa pangalan ng dalaga.
Tipid na ngumiti si Keilly at itinaas ang kanyang dalang garapon.
Nagtakang lumabas si Mak at binuksan ang maliit na gate nilang gawa sa kahoy.
"P-pinapa-bigay ito ni mama," mahinahon at uutal-utal na saad ni Keilly habang hindi makatingin ng maayos sa mga mata ni Mak.
Simula noong gabing kaarawan ni Mak, hindi na niya kinausap muli pa si Keilly. Upang na rin magbigay respeto sa kung anong ugnayan nila ni Royel. Tanging mga kaibigan lang ni Mak ang sinabihan niya tungkol sa kanila ngunit siguro ay alam na ni Keilly ito.
Kinuha ni Mak ang garapon na hindi inaalis ang paningin sa mga mata ni Keilly. Ngayon lang muli sila nag-usap nang malapitan.
"Salamat." Malamig at pait ang tinugon ni Mak sa kanya.
Na bago niya pa isarado ang gate nang magsalita muli si Keilly.
"S-sabayan daw kitang kumain ng agahan."
Nagulat si Mak sa mga sinaad ni Keilly.
"P-pumayag ka?" Pahina nang pahina ang boses ni Mak.
Napakamot si Keilly at umiwas ng tingin. "Pinapunta na ako rito ni Mama para raw sabayan ka. Gusto niya rin na sabayan kita sa pagpasok."
Mas lalo pang nagulat si Mak. Hindi alam kung ano ang irereaksyon, halo-halo ang nararamdaman.
Mayroon sa loob-loob niya na gusto niyang tanggapin ito ngunit ayaw niya na muling masaktan pa. Kaya napag-desisyunang niyang h'wag na lang tanggapin si Keilly sa loob.
"H-h'wag na, Keilly. Baka may makakita sa 'yo," aniya.
"Pero hindi pa ako kumakain, nagugutom na rin ako. Gusto kasi ni mama na samahan kita kaya hindi na ako kumain ng agahan sa bahay," mahabang paliwanag niya sa binata.
Wala nang magawa pa si Mak at malalim na napa-buntong hininga. Ayaw niya na sanang lumapit pa kay Keilly ngunit ayaw niya rin na masama ang tingin ng dalaga sa kanya kung hindi siya papasukin.
Sa pagpasok pa lang ni Keilly, makikita niya agad ang maaliwalas na loob ng kanilang bahay. Napaisip siya na kahit wala na ang Lola niya na laging naglilinis ay hindi pa rin pinapabayaan ni Mak. Lalo na't mag-isa lang siya ngayon.
"Maupo ka na muna, tatapusin ko lang ito." Patukoy niya sa itlog na niluluto.
Naupo si Keilly habang nakatitig ito sa likod ni Mak na kanina pang walang saplot pang-itaas. Nagtaka ang dalaga dahil malamig naman dahil alas sais pa lang ng umaga.
"Hindi ka ba nilalamig?" Pag-basag ni Keilly sa katahimikan.
"Bakit?" Malamig na tanong ni Mak.
"W-wala kang pang-itaas."
Nanlaki ang mga mata ni Mak at ngayon lang napagtanto na kanina pala siyang walang saplot pang-itaas. Hindi ipinakita ni Mak ang kanyang reaksyon kay Keilly. Maangas niyang pinatay ang shelaine gas at hindi pinansin si Keilly at saka nagtungo sa kanilang kwarto.
Doon niya inilabas ang kanyang hiya. Pinag-susuntok niya ang hangin, kinuha ang unan at tinakpan ang mukha at saka roon sumigaw nang sumigaw.
Nang nakuntento ay mabilis niya nang inayos ang sarili. Kumuha siya ng itim na damit at ito'y sinuot 'tsaka na ito bumaba.
BINABASA MO ANG
Akala
Teen FictionMiguel Aiman Kye Sarmiento o mas kilala bilang Mak ay isang binata na ang hangad lamang niya ay mapansin siya ng kanyang napupusuang dalaga na si Keilly Flores. Date Started: September 18, 2020 Date Finished: December 08, 2020