Ika-apat na Banat

13 8 0
                                    

"BATA ka pa para sa mga gan'yan, hijo. Hindi masama ang magkaroon ng napupusuan pero sa gusto ko lang tandaan mo na sa ganyang edad mo ay dapat nag-sasaya ka," pagtatama ng kanyang Lola. "At saka ayos lang na maging mahirap, hijo. Kung mayaman ka nga, pero ang ugali mo ay basura, Gwapo ka nga pero ang ugali mo ay pangit. Wala rin, hindi magandang tignan iyon, tandaan mo."

"Bakit po tayo nasasaktan?" Makulit na tanong ulit ni Mak sa kanyang Lola.

"Mak, kasi nga nagmamahal tayo. Nasasaktan ka kasi nagmamahal ka," sagot niya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Mak at tumitig sa kanyang mga mata. "Tandaan mo ito. Kung papasok ka sa isang relasyon, siguraduhin mong masasaktan ka talaga. Walang pag-ibig na hindi nasasaktan, apo."

Bakit ako nasasaktan? Alam ko na ang kasagutan. Kasi lagi tayong umaasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan.

Nasasaktan ako kasi umaasa ako. Iyon 'yon. Naghihintay sa wala.

Umakyat si Mak sa kwarto noong matapos makipag-usap sa kanyang Lola. Sinarado niya ang pinto ay ni-lock ito. 'Tsaka siya nahiga sa kama at tumitig sa kisame, iniisip ang mga nasabing 'yon ng kanyang Lola.

Napailing siya, pilit na inaalis ang sakit na nararamdamam dahil hindi ito maaari. Iniisip niya na tama nga ang kaniyang Lola. Bata pa sila sa mga gano'ng bagay. Naisip din bigla ni Mak ang pangako niya sa kaniyang magulang. Na magtapos muna siya ng pag-aaral 'tsaka siya manligaw sa babaeng napupusuan niya.

Pumasok si Mak na may ngiti sa labi at isina-walang bahala niya lang ang naramdaman niya kahapon.

"Mamayang uwian, langoy tayo," sabi ni Gino sa kanila ni Ryan habang naglalakad sila patungong klase. "Ano? Game ba kayo?" tanong niya pa.

"Pass muna ako. Kailangan kong bantayan si Jes, may lagnat kasi siya. May pupuntahan kasi si Mama kaya ako muna ang magbabantay," derektang sabi ni Ryam.

"Gano'n ba? Ikaw Mak?" baling ni Gino kay Mak. Napaisip siya saglit. Kapag sinabi niyang wala siyang gana, hindi sila maniniwala. Kaya tumango na lang siya kahit na tinatamad siyang lumangoy.

"Sige," Simpleng sagot niya habang nasa baba ang paningin.

"Game ka?"

"Hmm," tango-tangong sagot niya.

Nang makapasok si Mak sa klase, agad na nagtama ang paningin nila ni Keilly kaya gano'n nalang ulit ang malawak na ngiti ni Mak sa kanya. Agad siyang lumapit sa kanya.

"Good morning!" masayang ba ni Mak at matamis na ngumiti sa kaniya.

"Good morning."

Maingay ang buong klase dahilan upang hindi narinig ni Mak ang inusal ni Keilly. Ngunit nabasa niya ito sa kaniyang mga bibig kaya naman napangiti nang malawak si Mak.

Ang mga ngiti ni Mak ngayon ay tila iniwan niya ang pighating nararamdaman kahapon.

"Anong sigawan 'to?" Ngunit ang hiyawan ay natigil dahil sa boses na narinig mula sa pinto.

Agad na kumaripas ng takbo si Mak sa kanyang upuan nang napagtanto niyang si ma'am Jen ito.

"Umagang-umaga ang iingay niyo." Umagang-umaga rin ay nagsusungit siya. Sanay na rin ang mga kaklase ni Mak sa kanya dahil hindi yata nila nakita na nakangiti ang kanilang guro. Maraming din ang natatakot sa kanya dahil isa siya sa mga masungit na teacher.

"Mukhang badtrip na naman si Ma'am." Narinig ni Mak ang bulong ni Gino kaya mahina siyang natawa.

"Anong tinawatawa mo, Sarmiento?" Mabilis na na-estatwa si Mak dahil sa tinawag siya ng kanilang guro sa English.

"A-ah, w-wala po." uutal-utal niyang tugon.

"Anong wala? Nakita kitang tumatawa. Stand up!" sigaw niya kaya agad siyang tumayo. "A word that is the name of something, such as a person, place, animals, things, idea or actions."

AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon