MAS lalo pang napangiti si Mak nang makita niyang umiwas agad ng tingin si Keilly kaya mas lalo ring napangiti si Mak dahil doon. Gusto niyang tumili dahil sa kilig na nararamdaman. Ngunit bigla na lang pumasok ang sumunod na guro nila kaya agaran ang lahat na nagsipagayusan ng upo dahil alam nilang masungit ang Filipino teacher nila.
Oras na ng uwian nila, habang ang magkakaibigan ay naglalakad, isang matinis na boses ang tumawag sa pangalan ni Mak. Nilingon nila ito.
"Hi, Mak!" Ani Jane sa kaniya dahilan kung bakit ito nagulat.
Maganda si Jane, maputi at sobrang kinis ang kaniyang balat na tila ba hindi gumagawa ng gawaing bahay.
"B-bakit, Jane?" Tanong ni Mak sa kaniya.
"Gusto ko sana kayong imbitahan next week sa bahay, birthday ko kasi," Nahihiyang aniya. "Umuwi na kasi si Mama galing Dubai kaya punta kayo, ah. Imbitado kayong lahat."
"S-sige… titingnan ko muna kung wala akong gagawin," Uutal utal na usal ni Mak sa kaniya.
"Sige!" Tugon ni Jane sa nasasabik na boses.
'Tsaka siya may nilabas na papel mula sa kaniyang ba.
"Ito, sana makapunta kayo." Binigyan niya ang isa't isa ng isang invitation card. "Kei, Sana makapunta ka." Dagdag pa niya kay Keilly.
Nakita ni Mak si Keilly kung paano siya supladong umiwas ng tingin kay Jane nang matapos siyang tumango bilang tugon.
"Lalo ka na, Mak!" Bumaling si Mak kay Jane. "Ipapakilala kita kay Mama."
Nang dahil sa sinabi ni Jane, nagulat ang lahat. Si Keilly ay napatingin nang mabilis sa kaniya habang ang ilan ay nagtataka at nagulat. Lalong lalo na si Mak dahil inisiip niya na bakit kailangan siyang ipakilala nito sa kaniyang Nanay?
Bakit niya gagawin 'yon? Bakit kailangan niyang ipakilala ako?
"Yun,oh! Ipapakilala raw—" Hindi natapos ni Gino ang sasabihin dahil sa agarang pagtapik ni Ryan sa kaniyang balikat dahilan kung bakit ito natigilan.
"A-ano… sige, susubukan ko—" Hindi rin natapos ni Mak ang sasabihin niya dahil sa biglaang dumaan si Keilly sa kanilang harapan.
"Mauuna na ako, Gab, Chelle. Nariyan na kasi ang sundo ko." Blanko ang kaniyang mukha at ang mahinhin na kaniyang boses ay lumalim.
Nagtaka naman si Mak dahil doon, ngayon niya lamang kasi nakita at narinig si Keilly na nag-iba ang boses at ang kaniyang mga titig sa kausap.
"Sige, ingat ka!" Ngumiti lang siya nang tipid sa dalawa niyang kaibigan at hindi pinansin ang tatlo, agad na siyang magtungo sa kaniyang sundo.
Sa pag-iisip ni Mak habang nakatingin siya sa kaniya, agad na humarang si Jane sa kaniyang paningin dahilan kung bakit ito nagitla.
"Pumunta ka, ha. Mauuna na rin ako. Bye sa inyo, Ryan at Gino. Gab, Michelle," paalam niya sa kanila at kumaway kaway. Kumaway din ang iba sa kaniya.
Habang si Mak ay hindi na rin niya napansin si Jane dahil sa naisip. Na maya-maya ay ngumiti ito nang malawak.
"Hoy! Ano ngingiti-ngiti mo diyan?! Crush mo ba si Jane?!" Pang-aasar ni Gino sa kaniya.
Ang ngiti ni Mak ay napalitan sa gulat dahil sa sinabing 'yon ni Gino.
"H-hindi! Nagkakamali kayo!" Mabilis niyang tanggi.
"Hala ka! Paano na ang Makly namin?!" Ani Gab.
"Hindi! Wala akong gusto sa kaniya—"
"Hala ka!" Pang-aasar din ni Michelle.
BINABASA MO ANG
Akala
Teen FictionMiguel Aiman Kye Sarmiento o mas kilala bilang Mak ay isang binata na ang hangad lamang niya ay mapansin siya ng kanyang napupusuang dalaga na si Keilly Flores. Date Started: September 18, 2020 Date Finished: December 08, 2020