"HAPPY birthday, Mak!" Bati ng lahat sa kanya.
Hindi ko alam kung happy pa ba ang kaarawan ko.
Gusto niyang ipakita sa lahat na parang walang nangyari kanina kahit halata sa kanyang mga mata ang pag-mugto nito.
"Salamat!"
Halo-halo ang handaan, mayroon para kanyang Lolo at para sa kanya. Hindi rin alam ng mga bisita kung ano ba dapat ang emosyon na ipapakita sa pamilyang Sarmiento.
Ni-isa rin sa mga kaibigan ni Mak ay walang nagsalita. Lalo na si Gino na ngayon lamang siya nawalan ng gana sa pagkain, si Ryan, Michelle, at Gab hindi rin alam ang gagawin sa kaibigan na tahimik. Si Keilly na ang paningin ay na kay Mak na siyang kanina pa nasa para ang mga atensyon nito.
"M-mak…" Biglang pag-basag ng katahimikan ni Gino.
Bagsak ang balikat at matamlay na mga mata na nilingon ni Mak ang kaibigan.
"Labas tayo gusto mo?" Anyaya ng kaibigan.
Ngunit umiling na lang si Mak at ginalaw na ang pagkain. Wala na rin magawa ang mga kaibigan niya kundi ang sumunod din sa pagsubo.
Nagpatuloy ang handaan nila sa kabila ng lungkot na nangyari sa kanila. Binati na rin siya ng pamilyang Flores at nakiramay sa pagkamatay ng kanilang Lolo.
"Mak," si Keilly na lumapit sa kanya upang damayan.
"Ayoko muna ng kausap, Keilly," aniya at nagtungo sa kanyang silid.
Tinawag siya ng kanyang ina ngunit hindi niya ito pinansin dahil wala siyang gana na makipag-usap sa kahit sino man. Ang tanging gusto niya lang ang bumalik ang kanyang Lolo upang maging masaya ang kanyang kaarawan ngayon. Ngunit mahirap para sa kanya na tanggapin ang lahat.
Dumaan ang mga oras, unti-unting nang umuwi ang mga bisita. Hindi na rin nagpaalam si Mak sa mga kaibigan, nasa kanyang kwarto lamang, nagkulong ng magisa.
Dumaan muli ang oras na tulala pa rin si Mak sa kanyang dingding. Hindi na rin siya nag-hapunan dahil sa lungkot na nararamdaman.
"Mak, anak, kumain ka muna kahit kaunti lang," ani ng kanyang nanay ngunit tugon niya lamang ay nagtalukbong kumot at humagulgol.
Napabuntong-hininga nang kanyang ina at lumapit ito sa kanya upang damayan.
"Baka magalit ang Lolo mo kung hindi ka kumain."
Marahang tinanggal ng kanyang ina ang kumot sa kanyang mukha nang hindi ito sumasagot. Napabuntong-hininga siya at pait na ngumiti sa anak.
Marahang tumayo si Mak at mabilis na niyakap ang ina.
"K-kung alam ko lang po na mangyayari 'yon, sana itinuon ko na lang ng pansin ang mga oras ko kay Lolo," usal ni Mak habang pumipiyok ito sa hikbi.
"Hindi natin hawak ang oras, Mak. Hindi natin alam kung anong disgrasya ang mangyayari sa atin," tugon ng kanyang ina. "Kahit mahirap, anak, tanggapin na lang natin ito—"
Hindi natuloy ang sasabihin nang isang sigaw ang nagmula sa pintuan.
"Ma!" Nanginginig na sigaw ni Ericka sa kanyang ina. "M-ma, Ma, si L-lola."
Akala ni Mak na huli na 'yon. Ngunit hindi inaasahan ng lahat na sumunod ang kanilang Lola sa asawa nito. Naabutan na lang nila na wala nang pulso ang kanilang Lola.
Puro hagulgol ang maririnig sa buong bahay ng mga Sarmiento. Hagulgol ng isang ama sa kanyang namayapang inang at itang, habang ang asawa nito at anak na babae ay siyang mas malakas ang hagulgol sa buong bahay. Hindi na rin maiwasang sumali ang mga kapitbahay dahil sa pighating dinadaranas ng pamilyang Sarmiento.
BINABASA MO ANG
Akala
Teen FictionMiguel Aiman Kye Sarmiento o mas kilala bilang Mak ay isang binata na ang hangad lamang niya ay mapansin siya ng kanyang napupusuang dalaga na si Keilly Flores. Date Started: September 18, 2020 Date Finished: December 08, 2020