2

40 5 21
                                    

TW: Sexual Abuse | Manipulation



"EJ, hindi naman pangit?" Lumabas na ako ng banyo at pinakita sa kaniya ang swimwear ko. Hindi iyon revealing, para nga akong magsi-swimming sa arawan. "Maganda ba tingnan?"



"Definitely."



Nakangiti akong lumabas sa pool area at sumandal sa glass railing. Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni EJ. Inilagay niya ang kaniyang mga braso sa railing at pinagmasdan din ang mga ilaw ng mga gusali.



Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni EJ. Hindi naman siya umangal. Hindi rin niya ako hinawakan, siguro'y nililimita na ang mga galaw niya.



"Paano kung buntis na pala ako, 'no? Hays, unprotected pa naman palagi-"



"What the fuck?" Natawa ako nang mapamura si EJ. Lumayo siya sa akin, umiiling. Sinenyasan ko siya na mag-picture. Sinunod niya naman ako.



Nang matapos ang photoshoot namin—chares—tiningnan ko ang mga kuha ni EJ. Ang gaganda nung candid photos ko.



Nilubog ko na ang katawan ko sa pool. Gagi, ang lamig pala. Dapat pala kanina pa kaming hapon pumunta ni EJ dito! Nilubog ko ang ulo ko sa tubig nang mag-dive si EJ. Nagulat ako nang pag-ahon ko ay nasa harap ko na siya.



"Sage..." Tumindig ang balahibo ko nang bigkasin niya ang pangalan ko. "I have a fubu."



"H-Huh? May fubu ka?" Tumango siya sa akin. Napangiti ako para sa kaibigan ko. "Congrats..."



"Sage, alam ba ni Jerrick na kasama mo 'ko ngayon? If he's hurting you, please tell me."



"Alam niya. Masaya nga siya para sa 'tin kasi magkasama ulit tayo." Ang totoo ay hindi niya alam. Hindi ko ipapaalam. Lagi naming pinagtatalunan si EJ. Ngumiti ako kay EJ. "Paano pala tayo sa pagtulog mamaya? Ipagdidikit ba natin 'yung mga kama?"



"Sage, may boyfriend ka-"



"Aba, hindi naman tayo talo! Kadiri ka." Napailing nalang siya.



Pinagmasdan ko si EJ habang natutulog siya sa kabilang higaan. Mas payapa ang buhay ko noong si EJ pa ang kasama ko. Nang maging kami ni Rick, walang araw na hindi niya ako inayang makipagtalik sa kaniya. Noong una, akala ko okay lang 'yon dahil mas napapalapit kami sa isa't isa. Pero habang tumatagal, naiisip ko na parang sobra na. Minsan kahit ayoko, pinipilit niya ako.



Ni sabihin 'yon kay Pia at Qams, hindi ko magawa. Natatakot ako na mahusgahan si Jerrick. Mahal ko si Jerrick. Binuksan ko ang phone ko at nakita ang messages ni Rick.



Babe: Where are you?

Babe: Hindi mo talaga sasabihin kung nasan ka? Sagutin mo tawag ko.

Babe: Ano? May nilalandi ka ba diyan, Clara?



"Sage, do you want to drink?" Natauhan ako nang magtanong si Edward.



"A-ah sure sure.. Saan tayo?" Umupo ako at inayos na ang sarili.



Nagtungo kami sa swimming pool area. Doon kami nagpalipas ng oras habang umiinom. Tahimik lang kami habang magkatabi. Hinayaan ako ni EJ na magmuni-muni. Chineck ko ang phone ko at nakita ang walong missed calls galing kay Jerrick. Hindi ko pa rin siya sinagot. I turned off my phone and glanced at EJ. He was staring at me...



"Grabe ka naman makatingin, malulusaw ako niyan." Tumawa ako ngunit hindi man lang siya ngumiti. "Huy, ang seryoso mo."



"You're getting thinner... Your dark circles are so visible. What's happening, Sage? This is not you. I know you're so busy and pressured with your studies but I don't think it's the reason behind that."



When it Rains, it Hurts Where stories live. Discover now