I stared at the ceiling the moment I woke up. I can still hear her words. I understand her. I was trying to avoid Edward the way I could. But I guess it wasn't enough for Clarisse. Maybe she wants me out of his life. Kaya ko naman dumistansya. Kaya ko naman na maging kaibigan lang.I tried to sit up and when I did, my head ached. I reached for my emergency kit that was placed on the bedside table. Naghanap ako ng gamot sa sakit ng ulo. Nang makahanap na, nagsalin ako ng tubig sa baso na nando'n. Uminom kaagad ako ng gamot. Ramdam na ramdam ko ang pagpintig ng ugat ko sa ulo.
Nang medyo ayos na ang pakiramdam ko, dumiretso na ako sa banyo. Sa pagkakatanda ko, may kasabay na breakfast per cottage.
I wore a simple dress that ends two inches above my knees. It was a white dress that has thin straps. Plain na plain iyon. Nag-tsinelas nalang din ako at nasa beach naman. I put minimal makeup din para hindi naman mahalatang wasted ako kagabi.
"Ano bang pinagsasabi ko kagabi?" Rinig ko ang boses ni Fred habang naglalakad ako palapit sa kainan. "May nasabi ba 'kong mali?"
"Marami! Mag-sorry ka kay EJ at Clarisse... Lalo na kay Clara. Kawawa si Clara sa 'yo. Panigurado magagalit sa kaniya si Clarisse."
"Clara? Halika na, sabay ka na sa 'min!" pag-aaya nung isang kaibigan nila. Zain 'ata ang pangalan niya. Pinaghila niya ako ng upuan. Iyong sa tabi niya nalang kasi ang bakante. "Nakausap n'yo na ba si Edward? Hindi pa raw bumabalik sa cottage nila ni Clarisse."
"Hayaan n'yo na muna. Nagpapalipas pa ng galit 'yon. Kumusta si Clarisse?" It was Sam. Nilingon niya pa ako nang banggitin ang pangalan ni Clarisse.
"Kumalma na pero... Clara," pagtawag sa akin ni Heinz. "Huwag ka munang magpapakita kay Clarisse. Masyadong mainit ang dugo sa 'yo. Kung ako si EJ, hindi ako papayag na gano'n ang trato sa akin ng girlfriend ko. Walang tiwala, e. Binigay na ni EJ ang lahat kay Clarisse. Ginagawa nga n'on ang lahat para hindi mag-overthink si Clarisse. Alam mo ba, noong minsan na nagkayayaan kaming uminom, hindi pinayagan ni Clarisse si EJ. Baka raw may babae. Eh putangina hindi lang si EJ may girlfriend sa circle na 'to. 'Yang si Fred, may girlfriend 'yan. Ako, may girlfriend ako. Pinagsabihan ko na 'yang si EJ na kausapin si Clarisse pero ayaw niya noon."
"Minsan pa nahuhuli ni EJ na may kausap na lalaki si Clarisse. Madalas 'yung mga kaibigan niyang lalaki at 'yung mga naka-something niya. Kinausap siya nang maayos ni EJ no'n pero anong ginawa niya? Wala siyang ginawa, nagalit pa siya kay EJ. Kaming mga lalaki, lagi kaming pinagdududahan ng mga babae. Alam naman namin na responsibilidad namin na maging matino para hindi mag-overthink ang mga girlfriend namin. Pero kung sasagarin kami ng babae? Parang mali naman 'yon. Saka hindi lang mga babae ang nag-ooverthink. Normal lang ang pag-overthink pero kung hindi naman binibigyan ng rason para mag-overthink, parang mali na..." dugtong naman ni Fred.
"Don't you have something else to tell Clara, Fred?" Zain asked Fred. The latter looked at me and smiled awkwardly.
"Clara, sorry nga pala sa kagabi. I know being drunk isn't a valid reason, that's why I am sorry for what I did."
"Okay lang, Fred." Ngumiti ako sa kaniya. "Let's not invalidate Clarisse. I understand where she's coming from. Kahit naman ako, masasaktan ako kung malalaman ko na higit sa pagiging mag-best friend ang ginagawa ng boyfriend ko at ng best friend niya noon. And I do hope that she'll realize that Edward loves her so much. Matagal na kaming nag-move on ni Edward sa mga nangyari sa pagitan namin. Iwas na iwas na nga kami sa isa't isa dahil alam namin boundaries namin."
YOU ARE READING
When it Rains, it Hurts
RomanceAfter numerous failed relationships, Clara came into a conclusion that love doesn't exist in her life. Love is a feeling which she never felt. But when Edward became her best friend, she began to realize what love is. Edward made her feel loved but...