13

36 3 64
                                    






"Uwi na 'ko, tol. Naghihintay 'yon si Sol sa 'kin." Ang complicated ng relationship nina David at Solana. "Pasabi nalang sa kanila na nauna na ako, ha? Hinahanap na kasi ako."



"Hindi mo naman misis pero naghihintay? At saka, 'di ba break na kayo?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Nagkabalikan kayo, 'no?"



"Saka ko na ikukuwento kapag ayos na kay Sol. Sikreto lang muna namin 'yun, e. Sige, una na ako. Mag-iingat ka, ha? Text mo ako kapag hindi ka masusundo ni Edward."



"Mmm, ingat ka! Pasalubungan mo naman si Sol!" Hindi na yata ako narinig ni David. Nagmamadali talaga siya.



Inubos ko lang ang inumin ko bago nagtungo sa sayawan kung nasaan ang mga kaibigan namin. Si Pia ay masyado nang kinukulit si Nat. Si Karenne naman ay tahimik lang na nakikipagsayaw sa kanila. Na-miss ko tuloy si Qams.



Tatayo na sana ako nang may lumapit sa akin. Pamilyar ang mukha niya... Naglahad siya ng tubig sa akin. Hindi pa naman ako lasing... Pinanliitan ko siya ng mga mata, sinusubukan siya. Baka kung ano ang hinalo niya sa tubig. Itinaas niya ang dalawang kamay niya. Hindi ko pa rin siya tinigilan. Kinuha niya tuloy ang tubig at ininuman iyon. Medyo nakampante na ako dahil nauna na siyang uminom do'n.



"Bakit mo ako binigyan ng tubig?" mataray na tanong ko.



"Ang weird naman if alcohol ang ibibigay ko. I'm not here to get you drunk, miss." Tinitigan ko siya. Pamilyar talaga ang isang 'to. "Harvin Ian Muñoz."



"Clara Sage Laurel," pagpapakilala ko. Nakipagkamayan ako sa kaniya. "You're familiar..."



"Don't tell me that's a punch line." Inirapan ko tuloy siya. Mahina siyang natawa. "You're familiar too. You're Pia's friend, right?"



"How did you know?" malamig na tanong ko sa kaniya.



"Tagged posts. I'm an aspiring pilot by the way. I'm planning to work at PhilAero. How about you? Oh, wait, you're a nursing student. Nakita ko rin sa post ni Pia." Tumango nalang ako. Hindi naman ako interesado. "Sungit. Okay, I'll back off na. You're not interested. Sorry for bothering you, Clara. It was nice to meet you-"



"Sinabi kong umalis ka?" I said that out of guilt. Masyado akong naging masungit. Harvin looked like he had good intentions. Umupo ulit siya sa tabi ko at kumunot ang kaniyang noo. "You can stay here."



"Clara, I'm serious. If you don't feel like talking to me, I can leave. I won't make pilit naman." Mas lalo akong na-guilty dahil understanding siya. Ngumiti ako sa kaniya at umiling. "What?"



"Gusto mong sumayaw? Kasi ako, gusto ko." Tumayo ako at dumiretso sa gitna. Napalingon kaagad sa akin si Pia. Lumipat ang tingin niya sa sumunod sa akin. Napangisi siya at humagikhik pa. "Ano nanaman ba iniisip mo?"



"Wala! Enjoy!" nakangising sigaw niya at hinila pa si Karenne palayo.



"Har-" Naputol ang sasabihin ko nang si Edward ang makita ko sa pag-ikot ko. "EJ..."



"Did I ruin your moment with your boy?" Hinanap tuloy ng mga mata ko si Harvin. Nasaan na kaya 'yon? "He left with his friends. Stop looking for him."



"He was a nice guy. Akala ko nga ay susunod siya." EJ rolled his eyes. I rolled my eyes too. "Seloso..."



"I told him that I'm with you, and he backed off in an instant. He's indeed a nice guy, Sage." Inis akong bumalik sa couch at nilaklak ang isang bote ng alak. "Fuck! Sage, I'm sorry. Stop drinking."



When it Rains, it Hurts Where stories live. Discover now