"Confirmed, may girlfriend na si Edward. Didistansya na ako. Napagtanto ko lang na ito 'yung ginagawa noon ni EJ nung may bf ako. Tama lang na dumistansya. Parang gago ka naman kung 'di ka marunong magbigay respeto." Tumango-tango si Pia sa pinagsasabi ko. Si Qams naman ay nakatingin lang sa akin. Ang cute niya talaga. "Qams, kayo na ba ni Ethan?"Biglang namula si Qamari. Nilingon din siya ni Pia. Hindi na tuloy mapakali si gaga. Natataranta siya nang abutin ang phone at nagpanggap na walang naririnig.
"B-boyfriend ko si Ethan," aniya sa mahinang boses. Sinasabi ko na nga ba. "M-may... nangyari na sa amin. Ilang beses na namin ginawa-"
"What the fuck?!" Sa lakas ng mura ko, napalingon sa amin ang ibang tao sa restaurant. "Sorry po. Huy, seryoso ka ba?"
"Mukha ba siyang hindi seryoso? Tingnan mo naman mukha niya, nangangamatis na. Pero tangina, 'di ko 'yon inaasahan, sis. Para kasing ang imposible dahil sa mukha ni Qams. Ang inosente niya tingnan. Sa'n kayo nagmimilagro? Baka mamaya niyan sa school-"
"Sa parking lot ng school-"
"Putangina?!" Nahampas ni Pia ang braso ko nang malakasan ko nanaman ang boses. "Gaga, open na open 'yon."
"Nasa loob naman kami ng kotse. Huwag na natin pag-usapan, nahihiya ako. Pia, sa'n mo gustong mag-apply? Gusto ko sa PhilAero-"
"Talaga?! Doon din ako mag-aapply! Bukod sa pogi raw mga piloto ro'n, maganda rin trato nila sa employees. Saka kilala ang airline na 'yon dahil sa quality ng service nila."
"It's you and your interest in pilots again, Sophia," pang-aasar ko. Kaagad na napairap si Pia. "Mga babaero naman mga piloto."
"Bakit? May experience ka na? Wala naman, so shut up na po tayo. Mga doctor ang babaero. Boom lagot. Huwag maging victim!" Hayop na Zendejas talaga 'to. Napakagago minsan.
I bought two boxes of pizza and two shawarma. Bibisitahin ko ngayon si Edward. Matagal din na hindi kami nag-usap. Kahit chat, wala talaga. It's my time to make bawi.
Nag-commute nalang ako patungo sa apartment ni Edward. Wala rin kasing gas iyong motor ko. Kinuha ko ang duplicate ng susi ng apartment ni EJ sa bulsa ng shorts ko. Binuksan ko ang apartment niya at napangiti nang mapansing walang tao. Masu-surprise ang isang 'yon pag-uwi niya.
Binuksan ko ang isang bintana at hinawi ang kurtina. Umupo ako sa sala at chinat si EJ. Tinanong ko kung nasa'n siya. Hindi siya active pero sana ma-receive niya ang message ko. Humiga ako sa sofa at napatulala sa kisame. Ano kayang sasabihin ko kay EJ? Kumusta?
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako nang bumukas ang pinto. Hindi agad ako nakabangon nang makita ang naghaharutan... Nang maisara ni EJ ang pinto, hinalikan niya si Clarisse. Doon lang pumasok sa isip ko na marami na nga palang nagbago... Tumayo ako't kinuha ang bag. Hindi inaasahan ay tumunog ang cellphone ko.
Natigil tuloy ang dalawa sa ginagawa at napalingon sa akin. Bakas sa mga mata nila ang pagtataka. Sinagot ko ang tawag ni David at umiwas ng tingin.
"Clara? Sa'n ka? May ibabalita ako sa 'yo!"
"Magkita tayo mamaya. Mga 6 p.m.? Dinner tayo. May aasikasuhin lang ako, Mav-"
"Okay ka lang? Bakit Mav? Kinakabahan ka ba?"
"I'm fine... I'll see you later, hmm?" I ended the call and sighed. Nilingon ko ang dalawa, handa nang magpaliwanag. "I'm sorry for interrupting your romantic moment."
YOU ARE READING
When it Rains, it Hurts
RomansaAfter numerous failed relationships, Clara came into a conclusion that love doesn't exist in her life. Love is a feeling which she never felt. But when Edward became her best friend, she began to realize what love is. Edward made her feel loved but...