C.1

130 3 0
                                    

ZEIDOLL

"Boys at the back, anong binubulong bulongan niyo diyan!?"

Biglang nagsitahimik kaming lahat nang sumigaw ang aming first period teacher.

"Hoy ineng, pakiayos ng upo mo wala ka sa bahay niyo" Muling saway naman nito sa babaeng nakatagilid ang upo.

"At ikaw totoy, pakiayos iyang polo mo hindi ako natutuwa sa ribs mong palabas labas."  Sabay duro niya ng kaniyang pamaymay sa kaklase kong lalaki na , nakabukas ang polo.

"At ikaw naman" Sabay turo don sa babaeng nagmmake-up. "Walang naghahire rito ng Clown kaya alisin mo 'yan sa mukha mo"

Malakas na nagtawanan naman ang mga kaklase ko kaya hindi ko na din mapigilan ang tawa.
Maya maya bigla itong lumapit sa'kin kaya pilit akong ngumiti sa kaniya.

"Ah so ikaw ang bagong estudyante magmula pa nung nakaraang linggo?" Tanong nito at saka tumayo sa harapan ng inuupuan ko.

"Y-yes po" Sagot ko , naalala ko. Ngayong umaga lang pala ito umattend ng klase niya.

"Saan school ka galing?"

"S-sa p-paaralan po" Malakas na nagtawanan na naman ang mga kaklase ko dahil sa napakat*ngang sagot ko.

Eh sa kinakabahan ako!

Pati si Thalia na kaibigan ko ay hindi na rin mapigilan at tumawa na rin ng malakas.

Magsasalita na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Nevermind" Biglang naglakad na ito sa unahan at muli kaming hinarap."okay everyone please sit properly"

Agad nagsiayos naman ng upo ang lahat.

"Hoy , ano 'yung sagot mo? pfft" Pigil tawa ng kaibigan kong si Thalia.

"Eh sa kinakabahan ako" Depensa ko. Pero hindi niya pinakinggan dahil pinagtatawanan pa rin ako.

"Get one wh----" naputol ang pagsasalita ng Teacher namin sa unahan dahil dumating ang aming SSG President na kumatok sa pintoan.
Nagsitinginan naman kaming lahat.

"Excuse po Ma'am, Nandito na po yung mga bisita.

"Kyaaahh si SSG Presidenttt!" Malakas na sigaw ng bakla namin kaklase.

"Hoy Mr.Berdugong tumahimik ka diyan" Saway dito ni Ma'am.

"Okay class, we have a Visitors so please magpakatino kayo kahit ngayon lang ha?" Sarkastikong sambit ni Ma'am.

"Yes ma'am ngayon lang" Sabat ng isa pero hindi na narinig ni Ma'am.

Bigla naman may pumasok na dalawang nakaitim na lalaki kaya nagsitahimikan ang lahat .

Base sa ichura ng mga ito, hindi nalalayo sa edad namin.

Pero maya maya nahagip nang mata ko ang isang lalaki na huling pumasok.

Halos tumalon na ako sa bintana nang makilala ko kung sino ito.

"H-hala" Bulong ni Thalia sa aking tabi.

Mabilis kong kinuha ang libro sa table ni Thalia at itinakip ko iyon sa aking mukha na kunwari ay nagbabasa ako.

"Good morning students"

Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa boses nito. Nagsimula na rin tumakbo ang mga kabayong kanina pa pala nasa dibdib ko.

Pigil palirit ang ibang kababaehan at halos maihi na ito mismo sa kanilang kinauupuan.

Tumayo ang mga ito kaya di ko mapigilan ang tumayo rin, tinakpan ko ng buhok ang aking mukha para hindi ako makita.

"Good morning Visitors" Sigaw ng lahat maliban sa'kin at dali-daling umupo.

"Okay class walang maingay" Sambit ni Ma'am dahil nagsimula nang magbulong bulongan ang mga kaklase ko.

"Actually, ikaw mismo ang kailangan namin Mrs.Bernal " Saad ng isang lalaki. Nagset naman sila ng isang table at don sila nag-inuman. Charizz

Nag-usap sila ng masinsinan.

Ang mga kaklase ko ay panay ang tingin don sa mga naggagwapohang lalaki sa unahan na kausap ni Ma'am.

"Ommo ang swerte ni Ma'am kyaaah"

"Beh, ang gwapo nung isa huhuhu kainin mo panty ko pleaseee"

Nanlaki ang mata ko at palihim kong sinamaan iyon ng tingin, nakita ko si Thalia na nakatingin sa'kin at pigil ang pagtawa.

Sumilip naman ako gamit ang librong hawak ko, at laking gulat ko naman nang magtama ang aming panangin kaya mabilis kong binalik sa mukha ang librong hawak ko.

"Te, nakita ako te" Naiiyak kong sambit kay Thalia.

"Hala patay ka" Pananakot pa nito.

Nagslide ako pababa sa may sahig , nandito ako malapit sa may binta kaya gumapang ako sa gilid patungo sa hulihan para magtago ngunit.

"Excuse me Ma'am, si Manika po namboboso!" Sigaw ng kaklase ko kaya nagsitinginan ang lahat sa'kin, pati ang mga naguusap sa unahan.

"L-luh h-hindi no" bulong ko at dali daling tumakbo sa dulo.

Nakita kong nagpipigil ng tawa si Thalia sa may unahan habang nakatingin sa'kin.

Humanda ka sa'kin mamaya paglabas!

Tumago ako sa maliit na bookshelf para magmukhang t*nga, jusko hindi ko maisip na ginagawa ko ito.

Maya maya...

"Excuse me"

Halos  masamid naman ako nang sarili kong laway dahil sa narinig kong boses.

At nang mapagtanto ko kung sino ito, namuo na naman ang kaba sa dibdib ko at hindi ko na alam ang gagawin.

"B-bakit p-po" Inipit ko ang boses ko para hindi niya makilala.

"Are you hiding your face?"

"N-no, w-why would I" Pag-iipit ko pa rin ng aking boses.

Pakiramdam ko ay nasa akin na lahat ng atensyon ng mga kaklase ko.

Inihakbang nito ang kaniyang paa palapit sa'kin, nakita ko na rin ang kamay nito na nakahawak sa librong hawak ko. Bago pa man niya ito alisin mula sa mukha ko sumigaw ako ng pagkalakas lakas.

"Waaaahh engkanto! Shoo shoo go away!" Sigaw ko at kinalampag pa ang aking paa.

Namuo ang tawa ng lahat sa kalooban nitong clasrooom.

"Wft" bulong nito .

"Waaaaaah engkanto , engkanto" pumapalirit ko pa rin sigaw at saka dali-daling tumayo. Habang nakatakip pa rin ang libro sa mukha ko.

Ngunit dahil sa pagmamadali, napasabit ang paa ko sa paa ng upuan kaya napasubsub ako sa sahig.

Lalong lumakas ang tawanan ng lahat maliban sa mga bisita ngayon at sa Teacher namin.

Dali dali naman akong bumangon habang hindi pa rin inaalis sa aking mukha ang libro at tumakbo palabas ng room.

THAT HIGHSCHOOL GIRL IS MY WIFE (on going)Where stories live. Discover now