C.11

45 2 0
                                    

[ZEIDOLL]

"Okay class, open your book on page 63!"

Napangiti naman ako nang makita ko sa labas si Kyroz. Busy ito sa pakikipag-usap sa dalawa niyang kasama. Sa tingin ko'y isang Engineer at Architect.

Ang pogi niya talaga hihihi.

"Mr Berdugong, Can you please Kindly explain what is in the first paragraph."

"Ma'am, Hindi niyo pa naman po ito naddiscuss sa'min." Rinig kong reklamo niya pero hindi ko pa rin pinansin dahil nakatingin pa rin ako kay Kyroz.

"Aba! Ano ba ang sinabi ko sa inyo nung Friday? Pag-aralan niyo 'yan! Palibhasa puro lalaki ang inaatupag mo!"

"Ohhh!" Reaksyon ng mga kaklase ko.

"Realtalk"

Ako na walang pake.

"Hays Ang gwapo talaga ni Kyroz" Parang ginagayumang bulong ko. With matching papikit-pikit pa.

Lalo naman lumawak ang ngiti ko nang makita ko itong tumawa maging ang dalawa nitong kasama.

Ampogi talaga huhuhuhuhu

"Thick eyebrow, pointed nose, kissable lips---"

Nanlaki ang mata ko nang mahuli niya akong nakangiti habang nakatingin sa kaniya.

Kita ko ang pagsilay nang kaniyang ngisi kaya dahil sa gulat ko, sinarado ko nang malakas ang bintana.

Jusq! Baka iniisip pinagpapantasyahan ko siya!

"Miss Castoval! Ano ba't nagdadabog ka diyan!?"

Namutla naman ako nang sumigaw si Mrs Agapito.

"Hehe, sorry po Ma'am ang ingay po kasi nung mga tao sa labas " Pagdadahilan ko.

"Awsus, hula ko asawa mo 'yung sinusulyapan mo diyan" Bulyaw ni Thalia sa'kin.

Pinanlakihan ko siya ng mata at sinenyasan na baka marinig siya ng mga kaklase ko.

Tumawa lang ito ng palihim bago itinuon na ang pansin sa klase.

"Te, Tara na gutom na ako"

Inayos ko muna ang mga gamit ko bago tumayo.

Hindi ko naman maiwasan ang mapatingin kay Ylax.  Magmula pa kasi kanina bago magsimula ang klase, parang may problema ito.

I mean is, oo tahimik siya pero syempre mahahalata mo pa rin naman kapag may problema ang isang tao.

Halos lahat ng kaklase namin nagsisilabasan na.

Maya-maya nakita ko na rin itong lumabas.

"Woy. Tara naaaa. Gutom na akoo"

Tiningnan ko si Thalia na para bang iritang irita ako sa boses niya.

"To naman, parang ginugutom ng magulang" Anas ko bago niya ako kaladkarin palabas.

Pumasok na kami sa loob ng cafeteria. At ang masasabi ko lang!

Ang sikip!

"Excuse me" Anas ko sa mga estudyanteng sa gitnan pa humagalpak ng tawa eh alam na ang sikip sikip na tss.

"Omg girls, kilala mo ba yung kasama ni Mr.Foster? Ang ganda niya grabe."

Nanlaki ang mata ko at dahan dahan na tumingin don sa babaeng nagsalita. Naniningkit ang mga mata kong tumingin sa kaniya.

"Kyaaaah bagay silaa!"

"Oy te, kalma " Bulong ni Thalia sa'kin.

Bigla naman akong sumingit sa usapan nung dalawang babae.

THAT HIGHSCHOOL GIRL IS MY WIFE (on going)Where stories live. Discover now