C.10

64 2 0
                                    

"Kyroooooozzzzzz!"

"Poooooooo?" Malakas niyang sigaw mula sa sala.

"The refrigerator is empty! And I'm hungry!"

Balik kong sigaw sa kaniya at sinilip ko pa ito mula rito sa kusina.

Nasa sala siya ngayon at todo ang tipa sa kaniyang laptop.

Duh! Sunday ngayon tapos nagtatrabaho pa rin siya?

Jusq! Ako yung mas stress! Tapos wala pang kalaman laman itong ref! Pati yung mga kabinet, kahit mga cup noodles wala!

"Kyroozzzz!" Sigaw ko na naman sa kaniya nang hindi ito sumagot.

This time naglakad na ako sa may sala.

"Nag-order na ako ng pagkain mo, kaya manahimik ka na muna diyan" Biglang sabi nito habang nakatutok pa rin sa ginagawa niya.

Pabagsak naman akong umupo sa tabi niya. Pinagcross ko ang aking kamay at paa.

"Nasaan ba si Nanay Elay? Bakit hindi ko nakita magmula pa kahapon?"

"Umuwi muna siya sa probinsya"

"What? And she didn't tell me?"

"She already told you but you didn't tried to listen"

Huh?

Napakunot ako ng noo. At maya maya nanlaki ang aking mata at hinampas si Kyroz sa kaniyang braso pero parang wala lang sa kaniya.

"Nanunuod ako kahapon ng Sailor Moon! Akala ko naman pupunta siya sa palengke kaya hindi na ako nakinig!" Sigaw ko sa kaniya.

"That's it, so you have no one to blame but yourself"

"No! Si Sailor Moon dapat ang sisihin!" Naghihimutok kong sumigaw.

Kita ko ang paglingon ni Kyroz sa'kin at pagtaas ng isang kilay nito.

"Tsh. Mukhang kailangan mo na talagang kumain" Rinig kong bulong niya kaya tinarayan ko ito.

"Duh! Eh wala ngang pagkain! Yung inorder mo? Kailan pa ang dating noon? Kapag nam*tay na ako sa gutom?!" Sigaw ko. Balak pa sana niyang sumagot nang muli akong magsalita. " Ayaw kong mam*tay nang mulat ang aking mga mata!"

"Tsh. Close your eyes then. "

Umusok naman ang ilong ko dahil sa pikon.

Ang lalaking 'to, hindi mo alam kung kailan magiging sweet at kung kailan magiging kawalang kwenta kausap!

"Naghahanap ka pa ng pwedeng kainin, eh nandito naman ako handang magpakain sa'yo."

Tumayo ako at nameywang sa harapan niya. Nakaukit ang nakakapikon nitong ngisi sa kaniyang labi habang nakatingin sa'kin.

"For your information Heaven Kyroz Corpuz Foster 25 years old and a young CEO of HERA Corp. HINDI KA MASARAP!"

Buong puso kong sigaw sa mukha niya at dali daling umakyat sa  itaas.

"HAHAHAHAHAHAH" malakas niyang tawa.

"You know what Raine? You're not good at lying when your stomach is empty" Rinig kong dagdag pa niya.

Malakas ko naman sinarado ang pinto ng kwarto dahil sa inis.

Ang lalaking 'yon! Grrr!

Nakita ko ang wallet nito na nakalagay sa ibabaw ng side table. Kinuha ko iyon at binuksan.

"Wow, ang yaman! Wala manlang nakalagay na pipti pesos!" Sarkastikong sigaw ko.

Tinapon ko yung wallet niya sa ibabaw ng kama at nagtungo ako sa wallet ko. Kumuha ako ng 50 pesos.

THAT HIGHSCHOOL GIRL IS MY WIFE (on going)Where stories live. Discover now