C.5

55 2 0
                                    

[ZEIDOLL]

"Hi Manika"

Halos sampalin na ako ng aking kaluluwa dahil sa gulat. Tumingin ako sa lalaking katabi ko ngayon.

Wala si Thalia absent kaya boring ng maghapon ko!

"H-hello" Sagot ko at umiwas na ng tingin. Ba't ba nandito 'to? Ket kaklase ko siya hindi ko siya kilala.

"Hmm. Pwede ba tayong sabay kumain mamaya?"

"Bakit hindi mo ba kayang kumain mag-isa?" Tanong ko habang hindi tumitingin sa kaniya.

"Sungit naman" I heard him whispered. "Nga p-pala D-doll, para sa'yo hehe"

Hindi ako tumingin pero inilahad ko ang aking kamay para kunin iyon.

Gan'yan kapag makapal ang mukha!

"Ah sige , salamat "

May inilagay ito sa palad ko pero diretso kong inilgay iyon sa aking bag.

"Hehe" Rinig kong tawa niya.

Maya maya biglang pumasok ang Teacher namin. And as usual! nakakatamlay na goooood moorniiiiing Ma'am Chuchu.

Hay jusko, napakaboring!

"Manika pwede bang dito na lang muna ako umupo?"

"Gusto mo humiga ka pa diyan" Mabilis kong sagot at umayos na ng upo.

"Okay class! Get one whole sheet of paper!" Malakas na sigaw ni Ma'am kaya nagsitahimik ang lahat.

Kinuha ko naman ang bag ko mula sa likoran at binuksan iyon, ngunit napansin ko ang mga kaklase kong nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sa'kin at doon sa bag ko.

Naparolled eyes ako . Kumuha lang ako ng isang pirasong papel at ballpen.

Pansin ko ang pagkadismaya nilang lahat.

Ano kayo chix? Nag-aaral kayo na walang dalang papel.

Wala na ngang laman utak niyo, dinamay niyo pa pati bag niyo.

Jusko.

"Okay number 1!" Sigaw ni ma'am kaya nagpanic ang ibang mga wala pang papel.

Okay guys , don't panic it's organic. (Galawang Yorme HAHAHA)

Proud na proud naman akong nagsulat ng pangalan sa aking papel.

"Hala bes, may papel ka?"Rinig kong bulong ng kaklase ko sa kaibigan niya.

"Wala na be, nag-iisa lang 'to eh sorry"

"Hoy Berdugong, pengeng papel" Sigaw ng kaklase kong lalaki na puro paglalaro ng Online games ang alam sa buhay.

"Duh! May pangload ka nga pero pambili ng papel wala? Magsulat ka sa palad mo che!"

"Number 1 , what is achuchu acheche"

"Ma'am wait lang po wala pa po akong papel!" Sigaw ng isa ko pang kaklase.

"Aba ay kasalan ko?" Sagot ni Ma'am kaya nagtawanan ang mga kaklase ko, maliban sa mga st*pidyanteng walang papel.

"Number 2! Ke meron kayong papel o wala, wala akong pakealam!"

"Ma'am 'yan po ba yung question number 2?"

Mabilis itong binato ni Ma'am ng libro pero agad ding naiwasan. Pigil tawa naman ang mga kaklase ko.

Pero ang mga walang papel ay nanatiling tahimik.

"Oh sige Mr.Batongbakal, palit tayo ng pwesto ikaw na rito sa unahan!" Nanggagalaiting sigaw ni Ma'am.

Tumahimik naman ito at napakamot na lang ng kaniyang ulo.

THAT HIGHSCHOOL GIRL IS MY WIFE (on going)Where stories live. Discover now