C.4

62 2 0
                                    

[KYROZ]

"Boss saan 'to pwedeng ilagay?"

"Anong sinabi ko sa'yo kahapon?"

"Doon"

"Oh eh di dun mo ilagay"

"Boss, tumatawag sekretarya mo" Sabay abot sa'kin ng selpon. Tiningnan ko muna iyon bago magsalita.

"Kausapin mo" Utos ko, agad naman niya iyong kinausap.

"Mr.Foster what do you think?" Biglang lumapit sa'kin si Architect Gomez at pinakita ang nakalagay sa blue print na hawak.

Tiningnan ko naman iyon.

Humawak ako sa aking baba at tiningnan ang bakanteng lote kung saan itatayo ang bagong building.

"Well that's good enough for me, mag-usap na lang kayo ni Engineer De Guzman."

"Boss" Biglang may tumawag sa'kin kaya napalingon ako.

"Boss, ikaw talaga ang gustong makausap ni Secretary Kim"

Mabilis ko naman kinuha ang selpon mula sa kaniya.

"What's the problem?"

"Sir, You forgot your schedule today, may meeting ka ngayong umaga at maraming naghahanap sa'yo sa labas."

"Tss. Tell them that I'm busy and cancel all my meetings."

"But Sir----" hindi ko pinansin ang sinasabi nito dahil napatingin ako sa tatlong estudyanteng dumaan malapit sa kinatatayuan ko.

Nang makilala ko kung sino ang mga 'yon.

Dumilim ang paningin ko dahil sa inis.

I hang up the call.

Binato ko naman ang selpon sa lalaking katabi ko at naglakad palapit sa tatlong estudyante.

Where the h*ll is she going during at this class hour?

Cutting classes?

At may kasama pa siyang mukhang paa na lalaki!

Nang mapansin ako nito, dali dali niyang hinila ang dalawa niyang kasama at tumakbo palayo.

"Waaaah! May engkanto!" malakas nitong sigaw.

"Aishh ang babaeng 'yon" Inis kong bulong.

Kaya ayaw ko siyang lumalabas  dahil madaming alam na kalokohan  sa buhay!

"Boss!"

"What!?" Inis kong sigaw. Namutla naman ito dahil sa takot.

"D-dumating na po si Engineer De Guzman"

"Pauwiin mo na"

[ZEIDOLL]

"Hala te! Ba't nandito na naman 'yon!?"  Malakas kong sigaw sa mukha ni Thalia.

Nandito kami ngayon sa cafeteria matapos kong takbohan si Kyroz.

"Akala ko ba nag-usap kayo? Ba't di mo alam!?"

"He didn't tell me!"  Naparolled eyes ito sa'kin at tinawag si Pres na ngayon ay nasa kabilang table at may inaayos na papel.

Hindi naman talaga kami magkasamang tatlo, nakasalubong lang talaga namin siya.

"Hoy pres" muling pagtawag ni Thalia sa kaniya, agad naman nitong iniangat ang ulo at tumingin samin.

"Bisita ba talaga 'yong si Mr Foster? Bakit inaraw araw na ang pagpunta niya rito?" Kunwaring tanong ni Thalia sa kaniya.

THAT HIGHSCHOOL GIRL IS MY WIFE (on going)Where stories live. Discover now