[ZEIDOLL]
Nandito kami ngayon ni Klasmeyt sa Cafeteria nagbabasketball. Charizz
Syempre kumakain!
At libre niya. Hihihi
"Mukha ka talagang manika , Zeidoll" Sabi niya kaya tumingin ako sa kaniya habang nasabibig ko ang kutsara.
"Ah so mukha akong chakadoll ganon?" Para naman itong nagulat.
"Ah hehe hindi, I mean is. Totoo nga yung sinasabi nila na mukha kang manika,yung barbie ganon hehe"
Napapoker face naman ako at muling sumubo ng lasagna.
"Nga pala anong pangalan mo?"
"Call me Ylax"
"Okay Ylax, salamat sa pagpapakopya sa'kin kanina HAHAHAHAH" Malakas kong tawa at kinalampag pa ang table.
Nagtinginan naman sa'kin ang ibang mga estudyante sa loob pero hindi ko pinansin ngunit maya maya.
"Kyaaaaahh girl, nandito na yung Tatlong pogi juskooo di ko na keri rito sa Earth."
"Oh eh di mam*tay ka na" Mahinang bulong ko bago sumilip doon sa mga lalaking kapapasok lang dito sa loob.
Muling nanlaki ang mata ko nang makita ko na naman siya!
Tumingin ako kay Ylax na ngayon busy sa pagkain. Napaface palm ako dahil sa aking naisip.
"P*tay, baka bigla na lang sapakin ni Kyroz ang inosenteng lalaking 'to kapag nakita ako" Bulong ko .
Hindi ko naman na alam ang gagawin ko kung tatakbo ba palabas o magbabasag ng bintana na yari sa salamin para makalabas.
Muntikan na kaming magtama ng paningin kaya mabilis akong lumusot sa ilalim ng lamesa at nagtago.
"H-hoy, a-anong ginagawa mo diyan?" Gulat na tanong ni Ylax sa'kin habang sinisilip ako mula rito sa ilalim.
"Shhh h'wag ka ngang maingay, inaayos ko sintas ko" pagdadahilan ko.
Sumilip naman ako sa maliit na butas kung saan na ngayon nakaupo sila Kyroz.
Ngunit halos umusok naman ang ilong ko dahil sa inis nang makita ko ang paglapit ni Lulu sa kaniya at may ibinigay itong maliit na box.
Dahil sa panggigil ko sa inis, sinuntok ko ang paa ni Ylax. Rinig kong napangiwi ito dahil sa sakit pero hindi ko pinansin.
Nakita ko si Kyroz na ngumiti kay Lulu kaya nasuntok kong muli ang paa ni Ylax.
Ang lalaking 'yon!
Ba't kapag ako itong ngumiti sa iba galit na galit siya! Tapos kapag siya tong nginingitian, tuwang tuwa siya!?
Humanda ka sa'kin mamaya Kyroz ! Sa bahay tayo magtutuos!
Malakas naman na nagpaliritan ang mga babaeng estudyante dahil sa pagngiti ng aking asawa!
"Huhuhu sa'kin lang dapat ngingiti 'yan eh, at hindi sa iba" bulong ko at may pagpunas pa sa gilid ng mata kahit wala namang luha.
Nagbabasa lang kayo kaya wala kayong pake!
"Zeidoll , o-oy. Y-yung p-paa ko" Hindi ko pa rin pinansin si Ylax. Balak ko na sanang tumayo at sugorin sila! Nang maalala ko pa lang nasa ilalim ako ng lamesa kaya malakas akong nauntog.
Rinig ko pa ang pag-angat ng plato sa ibabaw ng table at ang mga malalakas na tawa galing sa mga estudyanteng nakakita.
"D-Doll o-okay ka lang?"
Mabilis akong umupo at halos mapaiyak na sa sakit, pero sa tuwing nakikita ko si Kyroz na nakangiti kay Lulu, mas lamang ang galit ko!
Akmang lalapitan ko na ang mga ito nang makita ko si SSG pres na lumapit, may mga hawak itong parang paper works at inilagay sa ibabaw ng table nila Kyroz.
"Tss. Excuse me Lulu , Your father needs you to his office right now, and you shouldn’t be here talking to them casually. They are our guests."
Ngumiti naman ako ng pagkatamis tamis dahil sa inakto ni Pres, pero nawala iyon dahil tumingin ito sa'kin. At nahuli na naman niya akong nakangiti!
Dahil sa gulat, napaub-ub ako sa lamesa ngunit lasagna ang sumalubong sa mukha ko!
Jusko! Wala na bang may mamalas pa sa'kin!?
Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Ylax sa aking harapan.
Yung lasagna (lasaña) ko literal na naging LASAG NA!
Kumuha si Ylax ng panyo at inabot sa'kin. Kinuha ko naman iyon at ginamit pamunas sa mukha ko.
"A-ayos ka lang? Hahahhah" Sinamaan ko siya ng tingin.
Isa pang tawa ng lalaking 'to, masasapak ko na 'to.
"Okay fine. Tss" iniikot nito ang kaniyang mata bago umalis sa harapan nila.
Tumayo naman na ako at ganon din si Ylax, isinakbit ko na ang bag ko sa aking likod at nagsimula ng naglakad.
Sumunod naman si Ylax mula sa aking likoran. Iniwasan kong hindi magtama ang aming paningin ni Kyroz ang kaso!
"Hey miss, you have a sauce in your hair" Natigilan ako at napatingin sa lalaking nagsalita. Ito yung lalaking nakasalubong ko at tinawag ni Kyroz na Engr. De Guzman.
Mabilis naman lumapit sa'kin si Ylax at pinunasan iyon.
Nagulat naman ako nang biglang tumunog ang kutsara at tinidor sa ibabaw ng lamesa.
Padabog pa lang ibinaba ni Kyroz yung basong hawak niya!
Tumingin ako sa kaniya at inirapn ko siya.
At saka tuloyang umalis.
Tss. Nginitian mo na lang si Lulu maghapon, at magpapapunas ako ng buhok kay Ylax maghapon!
YOU ARE READING
THAT HIGHSCHOOL GIRL IS MY WIFE (on going)
RandomZeidoll is pretty childish and smart. Everyone calls her, "a Living Doll". It's because kamukha niya si chakadoll. juk onle! HAHAHAHA. At the age of 15, she is maried to a Famous Young CEO named Heaven Kyroz Corpuz Foster a 21 years old. Few Frie...