"Hoy babae ano yung eskandalong ginawa mo kanina HAHAHAHAH"
"Waaaaaaahh! Hindi ko maimagine ginawa ko 'yon!" Sigaw ko habang naglalakad kami rito sa gitna ng field.
Oo kahit mainit dito namin gusto dumaan! Para malayo sa crowded st*pidents.
"Alam mo pati yung asawa mo, nagulat din sa ginawa mo eh HAHAHAH"
Huminto ako mula sa paglalakad at hinarap siya.
"Tell me Thalia, nakilala niya ba kung sino ako? Ha? Ha?"
"Aray ano ba Kalma, I don't know kung nakilala ka niya pero tingin ko nakilala ka talaga niya eh" mabilis ko itong sinapak.
"Eh t*nga ka pala eh, anong klase 'yang sagot mo. Hindi mo alam na nakilala niya pero tingin mo nakilala talaga ako?"
"HAHAHAHA sori na te" Malakas niyang sigaw.
"Bakit ka ba kasi nagtatago kung pwede mo naman sabihin" Dagdag niyang sabi.
"Te, kilala mo naman siguro ang lalaking 'yon! Konting bagay pinagse----"
Blag.
"Hala te, ayos ka lang?" Agad akong inalalayan tumayo ni Thalia matapos kong madapa.
"Ooppss, akala ko The walking dead, the walking st*pid doll pala HAHAHAHAH" Malakas na tawa ni Lulu matapos akong itulak.
"Stop it, hindi na kayo nakakatuwa!" Sigaw ni Thalia kay Lulu kabilang na ang dalawa nitong kasama.
"Stop it, hindi na kayo nakakatuwa" panggagaya ni Sandra sa maarteng tono.
Tumayo na ako ngunit nakita ko ang pag-agos ng dugo mula sa aking tuhod.
"Ay may dugo, akala ko fake lahat sa'yo eh HAHAHAHAHAH" Huling sabi ni Lulu bago kami tinalikoran at layasan.
"Hwag mo na silang pansinin, if I know inggit lang sila sa'yo" Turan ni Thalia.
Napangiwi naman ako dahil sa paghapdi ng sugat ko. Napatama ito sa bato dulot ng pagtulak ni Lulu sa'kin.
"Gosh Te, ang daming dugo tara na sa clinic! Kaya mo bang maglakad?" Tanong niya sa'kin. Tumango naman ako pero nang ihakbang ko ang aking paa doon na muli akong natumba.
Hindi sa nag-iinarte ako! Hindi ko lang talaga kaya!
"Ay jusko po inday garutay! Sabi ko na sa'yo eh! Hindi mo kaya!" Sigaw ni Thalia sa'kin na halos maiyak na.
"Te, naiiyak na ako lagot na talaga ako" Sambit ko. Para na kaming t*nga rito sa gitna ng field habang matindi ang sikat ng araw.
"Hey are you guys okay?"
"Napaangat kami ng tingin at laking gulat namin.
Si SSG President!
"Can't you see? We're not okay! " Sigaw ni Thalia, pero imbes na sigawan din siya nito , eh agad akong binuhat.
"O-oy t-teka baka may makakita sa'tin dito" Nahihiyang sambit ko. Pero hindi nito iyon pinansin dahil dali dali akong dinala sa clinic.
"Ano naman, wala naman tayong relasyon"
Napapoker face naman ako nang bigla niya iyon sabihin.
Buti naman!dahil hindi ko alam kung anong magagawa sa'yo nang taong 'yon kapag nalaman niya.
"Hala, jusko anong nangyari sa tuhod mo hija?" Bungad ni Dra.Mira ang namamahala rito sa clinic.
"Nadapa po siya dahil sa kat*ngahan" Sambit ng SSG president kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Totoo po yung sinabi ni Pres, dahil po talaga sa kat*ngahan "
Napatampal ako ng noo.
"Ay juskong bata ka, mag-ingat sa susunod keganda ganda mo naman tapos pababayaan mo ang sarili mo" mahinahon na wika naman ni Dra.Mira
"Excuse me maiwan ko na muna kayo, may aasikasohin pa ako" paalam ni Pres at tuloyan ng nawala.
"Kyaaah ang gwapo talaga niya" Kinikilig na turan ni Thalia. "Bye Pres, salamat sa pagtulong mo sa t*nga kong kaibigan"
"Type mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Oum."mabilis nitong sagot kaya napatawa ako.
"Type ka ba?"
"Che! Manahimik ka!" Pikon nitong sigaw kaya napatawa ako ng malakas.
Matapos ang ilang minuto nang healing galing ni Dra.Mira, napagpasyahan na namin lumabas.
May bandage na ngayon yung tuhod ko, hanggang kalahati lang kasi ng hita namin yung palda then nakasapatos na sakto lang yung medyas kaya walang pang cover sa tuhod.
"Paano 'yan te kapag napansin"
"Eh di napansin ano pa ba ang magagawa?" Sagot ko.
"Sus dali ka HAHAHAH" Pananakot nito.
"Ako?" Sabay turo ko sa aking sarili. "Matatakot? Duh whatever" pagtataray ko.
"Goodluck te HAHAHAHAH"
Hindi ko na siya pinansin pa dahil dumiretso kami sa cafeteria, medyo papilay pilay ang lakad ko dahil sa pag antak ng sugat.
"Hala anyare kay Manika" Bulong ng isang babae na nakaupo sa kabilang table.
"Bes, ang ganda talaga niya noh. The walking doll talaga ang galawan"
"Doll means fake lahat sa kaniya, h'wag nga kayong magpaniwala sa ichura niyan. Mas maganda pa rin sa kaniya si Thalia, natural ang beauty"
"Sus inggit ka na lang, eh halata naman na parehas lang sila ng beauty eh."
Napapigil naman kami ng tawa ni Thalia.
Pinaupo na muna niya ako at siya na ang nag order. Inilibot ko naman ang aking paningin sa kabuoan nitong cafeteria.
Ngunit bigla kong nahagip ang isang lalaki , ito yung isang lalaki na nakaitim kanina. Kausap niya ngayon yung principal namin.
At silang dalawa lang ang nag-uusap.
Pero wait asan yung iba?
"Hoy te, tara na don na lang natin to kainin sa room. Daming mga mukhang virus dito sa loob"
Kinuha ko sa kaniya yung drinks at ako na ang nagdala.
Naglakad na kami at malapit na sana sa pintuan , nang biglang may humarang ng paa sa daraanan ko.
Kaya bago pa ako bumagsak sa sahig naibalance ko kaagad ang sarili ko, ngunit nabitawan ko ang mga drinks na hawak ko at mabilis itong tumalsik sa kapapasok lang na lalaki rito sa loob.
Halos lahat naman ng tao ngayon ay napasinghap dahil sa nangyari.
Dahan dahan ko naman tiningnan kung sino yung natapunan ng drinks na hawak ko at...
Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya habang siya ay magkasalubong na ang dalawang kilay.
P-patay.
"Omg! Napakapapansin talaga ng babaeng 'yan!"
"Duh! Napakalandi!"
Lalo naman sumalubong ang kilay nito dahil sa narinig.
Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa kaba kaya napasigaw na lang ako.
"Waaaaaaaah engkanto!" Malakas kong sigaw at kahit hirapan maglakad, hinila ko si Thalia palabas at dali daling tumakbo palayo.
YOU ARE READING
THAT HIGHSCHOOL GIRL IS MY WIFE (on going)
RandomZeidoll is pretty childish and smart. Everyone calls her, "a Living Doll". It's because kamukha niya si chakadoll. juk onle! HAHAHAHA. At the age of 15, she is maried to a Famous Young CEO named Heaven Kyroz Corpuz Foster a 21 years old. Few Frie...