C.3

58 2 0
                                    

[ZEIDOLL]

Narinig ko na ang busina ng kotse sa labas ng gate, sumilip ako sa malaking bintana at halos lumundag na ang puso ko sa kaba.

Nakita ko ang pagbaba nito mula sa kotse niya at dali daling pumasok sa loob ng bahay.

Tumakbo rin ako papunta sa pintuan at nilock iyon.

Narinig ko na ang boses nito sa may sala dahil tila ay sumisigaw ito.

Lalo naman akong kinabahan.

Hala anong gagawin ko!

Magpapakamatay na ba ako? Ha? Ha? Ha?

Any Idea guys kung paano magpakamatay?

Narinig ko ang pagtunog ng door knob dahil pinipilit itong buksan.

Dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko. Tumago ako sa ilalim ng kama!

Jusko ano na naman pakulo ito.

"Open this door!" Rinig kong sigaw nito mula sa labas ng kwarto.

"No!" Balik kong sigaw.

"Open this d*mn door or else!"

"Or else what!?"

"C'mon just open it!" Muling sigaw na naman nito.

"I said no!" Pagmamatigas ko pa rin.

"H'wag mo akong subukan! Hindi mo magugustohan ang gagawin ko sa'yo!"

Labag man sa kaloob looban ko, dali dali kong binuksan 'yon at .....

"Hubby! Huhuhu I'm sorry huhuhu" pagmamakaawa ko rito at pilit pinapaluha ang sarili.

Nakita ko ang pag-alis ng necktie niya habang nakatingin sa'kin.

"???" Siya.

"Hubby huhuhu " nilampasan ako nito at dumiretso ito sa kama at dumapa.

"C'mon stand up, massage my back. Let's talk later and explain everything!" Malakas niyang sigaw.

Sumilay naman ang ngisi ko at dali dali tumayo at malakas na tinalunan ang likod niya.

Napamura ito ng malakas.

"Lalo mo lang pinapasakit ang likod ko!" Malakas niyang sigaw. Napatawa naman ako ng malakas.

"Deserve te! HHAHAHAH" mabilis naman itong tumihaya kaya nakapatong na ako mismo sa kaniyang tiyan.

"What did you call to me? Te?" Magkasalubong ang kilay nito habang nakatingin sa'kin.

Nawala ang ngisi ko at napalitan ng kaba.

"Te? For your information! I'm not your f*cking ate so stop calling me Te!" Malakas niyang sigaw.

Napanguso naman ako at pilit na naman pinapaluha ang sariling mata. HAHAHAHAH

"Then don't shout!" Malakas kong sigaw sa mukha niya.

"Hwag mo rin akong sigawan!" Balik din nitong sigaw.

"Mas lalong h'wag mo akong sigawan!"

"Isa pang sigaw mo sa'kin hahalikan kita!" Pagbabanta nito. Ngumisi naman ako.

"Sige nga kiss mo ako!" Sigaw ko at pumikit sabay nguso. Naramdaman kong hinawakan nito ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa labi.

Nanlaki ang mata ko.

Grave te ang sarap .

"Isa pa" sabi ko pa at ngumuso ulit.  Narinig ko ang pagtawa nito bago ako muling hinalikan.

Yiee mainggit kayo please HAHAHAH

"Kung hindi pa ako nagpunta sa eskwelahan na 'yon hindi ko pa malalaman na araw araw kang pumapasok doon!" Sigaw na naman nito sa'kin.

Nakaupo ako ngayon sa single couch habang sinesermonan niya ako.

"I told you, gusto kong mag aral at makapag tapos" pangangatuwiran ko.

"But why you didn't tell me? Para kang t*nga kanina! At sinabihan mo pa akong engkanto? Sa gwapo kong 'to?" Sabay turo niya sa kaniyang sarili.

Gwapo daw.

Duh! Nakakaiyak!

"Duh! As if naman na papayag ka diba?"

"That's it, hindi ako papayag!"

"See? Kaya hindi na ako nagsabi sa'yo! At teka nga, bakit ka nga pala nandon ha? Anong ginagawa mo roon?" Naniningkit ang mata kong nakatingin sa kaniya.

"I'm the new owner"

Nanlaki naman ang mata ko.

"Seryoso? Binili mo!?" Anong naisipan mo at binili mo ang eskwelahan na 'yon!? Tapos ako na asawa mo pagbabawalan!? Aba! Aba! Maling mali ka Berting!"

Mabilis naman itong lumingon sa'kin.

"Sino si Berting?"

Makas naman akong tumawa na ikinabusangot niya.

"HAHAHAHAH tingin ka sa salamin" Pang-aasar ko rito pero hindi ako pinansin at umakyat sa itaas.

"Tss ang lalaking 'yon" bulong ko bago bumusangot.

Napatingin ako sa aking tuhod at nanlalaki ang aking mata nang hawakan ko iyon.

Hala may dugo!

"Hey doll, where's Kyro?" Nagulat naman ako dahil sa lalaking biglang sumulpot sa aking likoran.

"Wtf! Anong nangyari sa tuhod mo!?" Malakas nitong sigaw kaya dali-dali kong tinakpan ang bibig nito, pero doon ako napatampal ng noo nang mapagtanto kong may dugo nga pala ang kamay ko tapos hinawak ko sa bibig niya.

Jusko!

"Hala Nex, sorry sorry!" Sigaw ko, napahawak ito sa labi niya bago tumingin sa kamay ko.

"Zeidoll!" Sigaw nito sa pangalan ko. Mabilis naman bumaba si Hubby at nanlilisik na nakatingin sa aming dalawa bago sa tuhod ko na dumudugo.

"Hala hubby hindi ko sinasadya na malagyan ng dugo ang labi niya!" Pagpapaliwanag ko. Nanlaki naman ang mata nito.

"You touched his lips!?"

"Patay" sabay na bulong namin ni Nex at sabay ding napatampal ng noo.

"W-wait hindi niya kasalanan ang nangyari"  Sigaw ko na ngayon ay nakatago sa likod ni Nex. Si Nex naman ay nagmamakaawa sa'kin na umalis na ako sa kaniyang likoran.

"Raine, umalis ka sa likod ng lalaking 'yan" pagbabanta ng aking asawa.

"Please Doll, sundin mo na ang asawa mo maawa ka sa'kin!" Sigaw ni Nex.

"Hindi, dahil kapag umalis ako rito bubugbugin ka niya!"

Nagpapadyak naman ng paa si Nex na parang bata.

"He is f*cking jealous Doll! Sundin mo na lang ang sinasabi niya sa'yo! " Sigaw nito sa'kin.

"No!" Pagmamatigas ko at niyakap ko na siya mula sa likod.

Nakita ko naman na lalong nagdilim ang paningin ni Hubby habang nakatingin sa direksyon namin .

"NEXON!!!"

"ZEIDOLL! THIS IS ALL YOUR FAULT! I TOLD YOU HE IS F*CKING JEALOUS!"

THAT HIGHSCHOOL GIRL IS MY WIFE (on going)Where stories live. Discover now