Chapter 16

255K 6.3K 678
                                    


"I love you." Inakbayan niya ko habang naka-upo ako sa lap niya.

Nakasakay kami sa ferris wheel ngayon at tama ang nabasa niyo. Nakaupo ako sa lap niya.

Jusme kinikilig talaga ko pag naalala ko yung sinabi niya kanina.

FLASHBACK

"Wifey dito ka sa lap ko."

"Ih. Ayoko nga. PDA much?"

"Dali na wifey ko. Uupo lang sa lap ko e." Nagtatampo pang sabi niya sakin.

"Ih nakakahiya kaya."

"Ano naman sa kanila? Kasal naman tayo ah." Sabi pa nito.

"Anong konek?" Pag ba kasal ganun na?

"Diba we're husband and wife. Simula nung nagpakasal na tayo, iisang tao na lang tayo. Lahat ng meron ako, sayo din yun. Kung ano yung ginagamit ko, gagamitin mo din. Kagaya ng chair na inuupuan ko, dapat dito ka din uupo kase as one na lang tayo. Kandong ka na sakin." Binuhat niya pako para lang maiupo sa lap niya.

Srsly? Ganun ba talaga?

"Ih. Ibig sabihin pati sa damit at u-undies?" Nahihiyang tanong ko.

Feeling ko tulay ang mangmang ko sa bagay na to. Ganun ba talaga yun?

"HAHAHAHA. You can just wear my shirt.... without undies." Sabay kindat sakin.

Naalala ko kase yung night na ginawa namin yun.

Waaaaah!! Di pa rin ako makaget-over sa moment na yun!! That was my first time. He was my first. I gave myself to him without hesitations. Ibdid not regret that night because I love Zach.

"Wifey. You okay?" Napabalik ako sa katinuan nung nagsalita siya.

"Ha? O-oo naman." Niyakap ko yung neck niya. "I love you my husband." Then I kissed him.

Peck on the lips lang sana yun pero he respond with my kiss.

"I love you too my wife." He said between our kisses.

Tuwing hinahalikan niya ko feeling ko nawawala ako sa katinuan. Feeling ko nalalasing ako sa sensation na binibigay niya sakin.

"BAKA GUSTO NIYO NA PONG LUMABAS. AMUSEMENT PARK HO ITO HINDI MOTEL!" Napabitaw ako sa pagkakayakap at pagkakahalik kay Zach.

Gahd. Naka-stop na pala yung ferris wheel! And take note, pinapalabas na pala kami. Nakakahiya.

"Excuse me? You're saying something?" Masungit na sabi ng asawa ko.

Jusme. Bakit pa ba siya nagsusungit? Nakakahiya kayang mahuli dito na naghahalikan. Huhu naman.

"M-mr. Z-zachary..." Nanginginig na sabi ng crew na sumigaw sakin.

"P-patawad po." Yumuko pa siya sa harap namin.

Ano bang nangyayari? Bakit kilala niya si Zach? Bakit parang takot na takot siya ni Zach.

"You're fired." Seryoso ba? Bakit naman niya tatanggalin to?

"Ano ba yang sinasabi mo zach? Nako kuya pasensiya ka na ha." Bumaling ako kay Zach at hinatak na siya patayo. "Tara na nga."

"Ano ba yung sinasabi mo Zach? Para kang baliw. Pano po ifa-fire yun e hindi mo naman siya empleyado. Pinagtinginan tuloy tayo ng mga tao." Sita ko sa kanya pagkababa namin.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon