Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng luha ko habang nasa back-seat kami ng sasakyan ni Kane.Si Kane ang nagda-drive habang katabi niya si Blake sa passenger seat. Halatang-halata mo din sa kanilang dalawa ang pag-aalala pero alam kong ayaw nilang ipahalata yun sakin para hindi ako panghinaan ng loob.
"H-hubby.." Bulong ko habang hawak ko ng mahigpit yung kamay niya.
"Please.. don't ever leave me.." Niyakap ko na siya..
"K-kane bilisan mo naman o. Ang dami ng dugong nawawala kay Zach."
"Hubby. Lumaban ka please.. Kailangan kita.. at mas kailangan ka ng little angel natin.." Napatingin sakin yung dalawa.
Wala pa kaseng nakakaalam na buntis ako. As in kaming dalawa pa lang kaya malamang nagulat din sila.
Iyak lang ako ng iyak habang patuloy na nagdadasal ng tahimik. Titig na titig din ako kay Zach. Hindi ko na alam kung ano ba dapat yung maramdaman ko. Natatakot na ko ngayong pumikit ng matagal dahil baka paggising ko naman, wala na siya sa tabi ko.
Ayokong mangyari yun.
Agad din kaming nakarating sa hospital niya. Nasabi ko na bang may sarili din siyang hospital?
Agad siyang inasikaso dito. Siyempre naman no. Dapat nilang asikasuhin yung may-ari nito.
Tulala lang kaming naghihintay sa labas ng emergency room. Kada minutong lumilipas, feeling ko taon na ang dumadaan.
"Ms. Keisha, uminom ka muna." Inabutan ako ni Blake ng tubig pero hindi ko tinanggap.
Para kaseng kahit pagod na pagod na yung katawan ko hindi ako makatulog, ayokong pumikit. Hindi ako gutom at kahit tubig parang hindi ko di kailangan. Dahil sa ngayon, isa lang ang kailangan ko... si Zach.
"Sige na Ms. Keisha. Inumin mo na tong tubig. Baka mapano po kayo." Pagpupumilit ni Blake pero tinitigan ko lang yun.
"Magagalit si bossing pag ganyan ka. Sige ka." Sumingit naman bigla si Kane.
"Lalaban yun para sayo. Kilala ko si boss, malakas siya. Alam niyong hinihintay mo siya kaya alam kong hindi siya magpapatalo sa dalawang bala ng baril. Sus. Lalo pa ngayon na... lalo pa ngayon na magiging ninong na kami.." Dagdag pa ni Kane.
Alam niyo kahit minsang pasaway tong kaibigan ni Zach, maasahan mo din. At alam kong mahal nila si Zach kahit sabihin nating kinakatakutan nila ito.
Ilang oras din ang nakalipas ng biglang bumukas ang pintuan ng emergency room.
Niluwa nito ang isang babaeng doctor, "Mrs. Dawson."
Tumayo agad ako ng marinig kong tinawag na ko pero hindi pa man ako nakakalapit ay ramdam kong umikot na ang mundo ko.
Then all went black.
***
Blake.
Eto na nga ba ang sinasabi ko e. Hinimatay pa si Ms. Keisha. Buti na lang at nasa likod niya ko at nasalo ko agad siya kung hindi lagot kami kay boss. Tsk.
"I need a doctor! She's pregnant. Where can I put her?" I asked the doctor who just went out.
Pinasunod niya ko sa loob ng ER. Ganun din naman si Kane. Actually kilala naman kami dito sa hospital kaya hindi kami pinaghigpitan masyado.
Chineck nila agad si Ms. Keisha. Blood pressure at kung anu-ano pa.
"She's okay. Stressed lang talaga siya kaya siya nawalan ng malay. Kailangan din niyang magpahinga. I suggest na i-confine muna siya para mabawi ang lakas niya." Tumango-tango lang ako habang nakikinig.
"Gawin mo kung anong makakabuti doc." Sabi ni Kane na nasa gilid ko. "By the way... kamusta po si ano si.. si bossing.. I mean si Zach?"
"He's stable now. Natanggal na din namin ang balang tumama sa kanya. Same as his wife, they need to take a rest." Hoo! At least safe na silang dalawa.
Sobrang nag-alala talaga ko kanina ng makita si bossing na duguan. Sobrang itinuturing ko siyang matalik na kaibigan kahit na takot na takot ako sa kanya.
Naalala ko pa dati, may isang grupo akong napasukan nung college ako. I did not know na ganun kasama yung group na yun. Meron silang initiation na tinatawag. Kailangan mong patayin yung tatlong taong iuutos nila para makapasok sa grupo at hindi ka na pwedeng magback-out.
Kapag hindi mo sila nasunod, papatayin nila ang pamilya mo. At ganun nga ang nangyari, pinatay nila ang ama ko dahil hindi ko nagawang patayin ang girlfriend ko. Yes pinapapatay nila sakin yung gf ko pero hindi ko nagawa. Pipili lang kase sila ng random na tao na papatayin.
Nung nagsabi ako sa kanila na aayaw na ko, pinagtangkaan nila ang buhay ng nanay at kapatid ko pati na din ang akin pero nakilala ko si bossing nun. Nandun kami sa isang bakanteng lote nun at siya ang tumulong sakin para makaligtas.
Fallon pala ang grupong nasalihan ko na yun. Napag-alaman ko na din na malaki ang galit niya sa nasabing grupo. Isa kase sila sa pumatay sa mga magulang ni bossing.
Inilayo niya din anv pamilya ko sa kapahamakan. Pinadala niya sila sa US. Binigyan ng pera at tirahan. Pinag-aral niya din yung kapatid ko. Samantalang si mama ay binigyan niya ng pagkakaitaan doon. Awa ng Diyos, nakakasama ko pa din naman sila paminsan-minsan.
Sobrang buting tao ni bossing. Hindi niya ko pinilit sumama sa grupo niya. Ayaw na daw niyang madamay ako pero naging mapilit ako. Hindi lang sa gusto kong makabawi sa kanya pero gusto ko ding ipaghiganti ang tatay ko na pinatay nila ng walang kamalay-malay.
Simula nun naging parte na ko ng mafia. Naging parte na ko ng Dawson. At hanggang ngayon, wala akong pinagsisisihan sa naging desisyon ko.
"Pre tara na sa kwarto. Iaakyat na sila." Tinapik ako ni Kane sa balikat na siyang nagpabalik sakin sa katinuan.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)
Action"Come on wifey. Ngumiti ka na diyan." Zach said to cheer me up pero walang effect e. "Sige na. I love you. I love you. I love you." "I love you too. And sorry.." I said. "It's nothing wifey. Come on let's dance." "Here?" "Why not? Don't you find it...