Chapter 25

202K 5.1K 165
                                    


"Natatakot ka ba sakin?" Tanong sakin bigla ni Zach habang magkatabi kaming nakahiga.

Umuwi na kami agad pagkatapos nung nanyari sa hide-out nila. Sumunod naman si Chris at Blake samin samantalang yung iba naglinis pa ng 'kalat'.

Kalat means mga bangkay na napatay namin kanina.

"Wifey.. Are you afraid of me?" Untag niya ulit sakin.

Takot nga ba talaga ko sa kanya? Kung oo kase, for sure wala nako sa tabi niya diba? I mean iniwan ko na sana siya pero hindi e. Nandito pa din ako sa tabi niya at patuloy siyang minamahal.

"Hindi noh. Baka nga ikaw pang takot sakin e." Nang-aasar na sabi ko.

"Hah! Oo naman noh. Takot ko lang na iwan mo ko." Yumakap siya sakin lalo. "Pero kahit minsan ba hindi ka natakot sakin?"

"Nung una oo. Natakot talaga ko noh. Actually sino bang hindi? Lalo na malalaman mong may asawa kang Mafia Boss. Aba! Nakakatakot kaya. Baka mamaya pag nagalit ka sakin bigla mo na lang akong barilin diba?" Napansin kong ang sama na ng tingin niya.

Huhu. Sinasabi ko na e. Baka mamaya bumunot na lang to ng baril.

"Peace." With peace sign at pa-cute pa ha.

"I will never hurt you Keisha. Never.. Di bali ng ako ang masaktan wag lang ikaw. Kahit buhay ko pang maging kapalit wag ka lang makaramdam ng sakit." Hinalikan niya pa ko sa noo.

"I love you Zachary Dawson.."

"I love you too Wifey. Mahal na mahal kita." I hugged him tight.

Wala akong pakialam kung sino pa siya basta ang alam ko lang, mahal ko siya at handa akong tanggapin lahat ng tungkol sa kanya.

"Hubby pwede magtanong?" He nod.

"N-nasan yung mga magulang mo?" Nakita kong biglang nagbago yung expression ng face niya. Napalitan ng galit yung mga mata niya. "Okay lang kahit hindi mo sagutin. Sorry.."

"The were killed by 10 men." Galit ang tono niya. "I was 7 years old back then pero tandang-tanda ko pa lahat ng mga nangyari.. Nasa park kami nun. Family bonding sana namin na nauwi sa isang trahedya.. Nag-leave si tatay sa trabaho dahil nagtatampo na ang nanay sa kanya. Hindi na niya kase kami naaasikaso. Palaging si nanay ang kasama ko pero wala akong hinanakit sa kanya..." Napansin kong nagpunas ng luha si Zach kaya niyakap ko siya. Gusto kong maramdaman niya na andito lang ako at hindi ko siya iiwan.

"Nagluto kami ni nanay that day ng dadalin namin sa picnic... Ang saya-saya na namin nun. Naghahabulan kami.. Nagpapalipad ng saranggola pero biglang may pumalibot samin na 10 lalaki. Lahat sila armadong mga lalaki.. Nanlaban si tatay kaya inagaw nila si nanay na katabi ko.." Patuloy lang siya sa pag-iyak. Gusto ko na ding umiyak dahil alam ko ang pakiramdam niya.

Halos parehas lang pala kami ng pinagdaanan. Parehas kaming pinagkaitang makasama ang aming mga magulang. Parehas kaming nangungulila kaya siguro kami pinagtagpo.

"Z-zach.. Andito lang ako." Mas hinigpitan ko pa yung yakap ko.

"Itinali nila si tatay sa kamay pati ako. Binusalan nila yung bibig naming tatlo.. pero si nanay.. Si nanay hinubaran at binaboy siya sa harapan ko. Sa harap namin ni tatay.." First time kong nakita na ganito si Zach. Mahinang-mahina siyang tignan.

"Kitang-kita ko kung paano magwala si tatay nun.. Gusto niyang patayin lahat ng mga hayup na yun.. ako din gusto ko pero wala akong magawa. Pakiramdam ko wala akong kwenta nung mga panahon na yun..."

"Shh... Zach don't say that. You were just a kid." Paga-alo ko.

"P-pagkatapos nilang pagsawaan si nanay.. binaril nila ito. Nagsitawanan pa sila para silang mga demonyo. Mga walang kaluluwa.. Dun na nagwala si tatay pinagbubugbog niya yung mga nandun.. Pero nakakaganti sila dahil higit silang narami at malakas.. Ng mabigyan ng pagkakataon binuhat ako ni tatay palayo.. Tinanong ko pa siya kung sino sila.. Sabi niya pa siya daw ang Mafia boss kaya kami pinagtatangkaan. Balang araw daw ako na ang papalit sa kanya... B-bigla na l-lang niya kong nabitawan dahil pinagbabaril na siya." Hagulgol lang siyabng hagulgol sa balikat ko. "Pinatakbo na niya ko sa lugar na yun.. Ayoko man silang iwan pero kailangan.. at isa lang ang nasa isip ko ng panahon na yun, hahanapin ko sila at papatayin.."

"Did you find them?"

"They were dead except for the 2 bastards." Galit na galit yung boses niya. Nakakatakot.

Pero kahit ako yan ang gusto kong gawin sa mga pumatay sa magulang ko. Gusto ko silang mahirapan bago tuluyang patayin.

"H-hubby.. Sorry.." Umiiyak na sabi ko sa kanya.

I don't know. I feel sorry him. I feel sorry for myself.

Ngumiti siya. "You don't have to wifey. Wala ka namang kasalanan e. Ay least you're here beside me. Thank you." Then he kissed me. Oh how I missed this kiss.

Maybe my hug is not enough for him right now so I'll give him something that can ease the pain. Just pleasures. If you know what I mean. Hihi.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon