Chapter 2

281K 7.7K 252
                                    

"Anong nangyare dito?" Sigaw ko sa mga taong nagkukumpulan sa tapat ng inuupahan kong bahay.

Nasa isang compound yung bahay at kitang-kita nula dito kung paano tinutupok ng apoy ang bahay namin.

"Keisha..." Umiiyak na sabi sakin ni Jessy. Siya yung sobrang ka-close ko sa lahat ng tao sa compound nato.

5 bahay kase kaming magkakatabi dito at siya lang yung pinakakilala ko sa kanilang lahat.

Almost 1 year na din ako dito samantalang siya 3 years na kaya mas sanay siya sa lugar namin.

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Ano bang nangyari?"

"Hindi ko nga alam e. Basta pag-uwi ko na lang dito malaki na yung apoy. Wala na kong nahakot na gamit." Humagulgol na naman siya sa balikat ko.

Pinatahan ko lang siya. Gustong-gusto ko man umiyak, pero naisip ko na wala naman rin tong magagawa.

"Tita!" Tawag ko sa bagong dating na ginang. Mama siya ni Jessy.

"Jessy. Andito na yung family mo." Iyak pa din siya ng iyak.

"Andito na pala sila. Huhuhu. Ikaw Keisha? San ka tutuloy?" Sabi niya sakin.

San nga ba?

"Kila ninong na lang." Sabi ko.

Nagpaalam na sila. Kailangan na din kaseng magoahinga ni Jessy dahil sobra na yung iniyak niya at alam kong pagod na talaga siya.

Naiwan naman akong nakatitig sa bahay na inuupahan ko kung saan unti na lang ang apoy pero kitang-kita na wala ng maisasalbang gamit.

Hay. Ano ba naman yan. :( Bakit ba nangyayari yung ganito sakin.

I mean kakaalis-alis ko lang kila ninong tapos ito na naman yung nangyare.

Sigurado akong magagalit na naman sakin sila tita.

Ayoko man humingi ng tulong sa kanila pero kinakailangan e. Wala pa naman akong trabaho at ipon dahil nga naghahanap pa lang ako.

Sumakay na ko sa jeep tapos maglalakad na lang ako pagdating sa subdivision nila.

After 1 hour ay nakarating na rin ako sa mansion nila.

"Good Evening Maam." Bati sakin ng isa sa mga guard na nakabantay sa front gate.

"Good Evening din. Nandiyan ba si-" Naputol yung sasabihin ko ng biglang nay bumusina ng malakas.

Kaya tumabi ako dahil akala ko papasok na yung sakay sa sasakyan.

Pero huminto lang ito at bumaba si tita.

"What are you doing here?" Mataray na tanong ni tita.

"H-hm si ninong po?" Nahihiyang tanong ko.

"Bakit? Hihingi ka na naman ba ng pera sa kanya? Wala ka na naman bang pangkain ha? O pang-upa sa bahay mo? Magyayabang ka na titira ka mag-isa tapos babalik at babalik ka lang dito sa pamamahay ko pag wala ka ng pera?" Masungit na sabi nito kaya napayuko lang ako.

Napayuko ako kase alam ko sa sarili ko na totoo lahat ng sinasabi niya.

"Wala siya dito. May business tour for a month." Dagdag pa niya.

1 month?

"Tita pwede po bang patulog po ako dito kahit ngayong gabi lang?" Nakikiusap na tanong ko.

"No." Mariing sagot niya.

"Sige na po tita. Wala po kase akong matutulugan ngayong gabi. Please po." Nilapitan ko siya pero tinulak lang niya ko dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Please tita." Pagmamakaawa ko pa din. Ibababa ko na yung pride ko dahil wala na talaga kong malalapitan.

"WAG NA WAG NIYONG PAPASUKIN YAN HA KUNG HINDI SISISANTIHIN KO KAYO!" Galit na galit na sigaw niya.

Samantalang ako ay nakaupo pa din sa gilid ng kalsada habang pinagmamasdan ang pagsakay niya sa sasakyan para makapasok na siya sa kanilang mansiyon.

Pano na ko nito?

Kinapa ko ang cellphone ko ng sa bag para tawagan si Jessy.

Baka pwedeng dun na lang ako makitulog.

Limang beses ko na siyang tinatawagan pero walabg sumasagot. Siguro nagpapahinga na siya ngayon.

Wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak.

Sa buong buhay ko, bilang na bilang lang ang ginagawa kong pag-iyak dahil gusto ko makita nila na matapang ako.

Pero sa pagkakataong ito hindi ko na alam ang nararamdaman ko.

Halo-halong emosyon na. Siguro dahil na rin yo sa nasunog yung bahay ko. Pinagtabuyan na naman ako ni tita. Wala pa si ninong. Wala pa kong mapupuntahan. Wala na din akong pera dahil iniwan ko kase sa apartment yung card ko.

"Maam nahulog niyo po kanina." May inabot siya sakin na isang tarheta.

Zachary Dawson

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon