Chapter 11

241K 6.2K 154
                                    


Isang linggo na rin ang nakaraan mula nung mangyari yung incident sa court. Si manang na lang ang naabutan ko nung magising ako kinabukasan.

Ang sabi nga niya inuwi ako ni Zachary sa bahay na walang malay tapos punit pa yung damit kaya pinapalitan niya ko sa kanya.

Nagpapunta na din pala siya ng doctor para ma-check ako. Wala naman daw dapat ipag-alala dahil nabugbog lang daw yung katawan ko.

Isang linggo ko na din siyang hindi nakikita. Ewan ko ba kung galit siya sakin o hindi e. Tapos hindi ko din sure kung iniiwasan niya ba ko or what.

Pano ba naman pagkagising ko nakaalis na siya. Pumasok na daw sa opisina sabi ni manang. Tapos pagka-uwi naman halos madaling-araw na ata. As in 7 days straight ko na siyang hindi nakikita.

Bored na bored na nga ako dito e. Tsaka parang namimiss ko siya. Medyo-medyo lang ha.

Kain-tulog-nuod nga lang ang ginawa ko sa isang buong linggo. Feeling ko nga ang taba ko na e. Ayaw kase ni manang na maglinis ako ng bahay dahil sabi nga niya magagalit si Zach tsaka meron naman palang pumupunta dito para maglinis.

Tapos sa pagluluto naman si manang na ang gumagawa. Hindi rin kase ako masyadong narunong sa kusina.

Sa paglalaba naman, everyday may kumukuha ng damit namin para labhan.

Kaya ayun buhay prinsesa ang peg ko dito. Malayong-malayo sa bahay nila ninong kase doon ginagawa akong alipin nila tita eh dito? Sitting-pretty lang ako.

"Oh iha gising ka na pala. Mukang napasarap ang tulog mo ah." Naabutan ko si manang na nunuod ng tv sa living room.

"Nananghalian na po ba kayo?"

"Hindi pa anak. Gutom ka na ba? Ipaghahain na kita." Sabi nito.

"Ako na lang po. Sabay na po tayo ha? Palagi po akong mag-isa sa pagkain e." Malungkot kong turan.

Dumiretso nako sa dining area para maghain. Ako na din ang kumuha ng ulam at kanin sa kitchen. Tapos nagtimpla ko ng juice.

"Manang kain na po tayo." Tawag ko sa kanya nung naayos ko na yung table.

Sumunod naman siya sakin. Pagkadasal ay sinimulan na namin ang pagkain.

"Manang may asawa na po ba kayo?" Tanong ko out of the blue.

"Aba'y oo iha. 30 years na kaming mag-asawa." Nakangiting sabi nito.

"Talaga po? Ang tagal niyo na po. Ang saya niyo po siguro noh?" Bilib kase talaga ko sa mga tumatagal yung pagsasama.

Naiinggit ako sa mga matatandang couple na sobrang sweet pa din sa isa't-isa. Yung akala mo teenager pa din kung umasta. Ang cute kase nila tignan e.

"Oo iha. Masayang-masaya naman. May tatlong supling na kami. Yung dalawa ay may sarili na ding pamilya. Awa ng Diyos okay naman ang mga napangasawa nila. Yung bunso ko naman, nag-aaral pa ng kolehiyo. Nursing." Proud na kwento ni Manang.

Nalungkot tuloy ako. Sana andito din sila mommy at daddy. Ang saya siguro sa pakiramdam yung ipagmamalaki ka ng mga magulang mo sa ibang tao.

"Bakit iha? May problema ba kayo ni Zach?" Tanong nito bigla.

"Ah wala naman po." Nginitian ko siya. Alam kaya niya na kasal lang kami sa papel?

"Alam mo iha nung mag-asawa ako hindi ko din alam ang gagawin ko. Nangangapa pa nga ako. Siyempre wala namang libro mabibili dati tungkol sa pagiging mabuting esposa diba? Kaya ayun pinakita ko na lang sa kanya yung pagmamahal ko. Ako mismo ang nagluluto ng mga pagkain niya. Ang sarap sa pakiramdam kapag naaappreciate niya yung mga niluto mo." Tumigil siya para uminom ng tubig. "Tapos ako pa nga mismo ang naghahanda ng baon niya sa trabaho. Yung uniporme naman niyang susuotin ako mismo ang nag-aayos sa kanya." Pagpapatuloy niya.

"Manang ano po bang paboritong ulam ni Zach?" Ipagluto ko kaya siya?

"Kare-kare anak. Gusto mo bang ipagluto siya?" Tumango ako agad at ngumiti.

Tamang-tama for step 7: Plan surprises.

Men like surprises too. It can be anything like organizing his birthday party without him knowing about it or planning a special night of passion by playing a seductress. Your surprises do not have to be elaborate and can be as simple as making him his favorite snack or any of his favorite dishes once in a while even if you would rather eat something else.

"Sige pagkakain natin tayo'y magluto." Binilisan na nga namin ang pagkain. Parang gusto ko kase siyang dalhan ng lunch sa office tutal magte-ten pa lang naman. Aabot pako.

Agad akong tinulungan ni manang sa pagluluto. Nag-bake na din ako ng cake para may dessert siya.

Mahilig akong gumawa ng sweets dahil ito ang favorites ko. Kumbaga dito ako expert kaya sana magustuhan niya to.

Alas onse na ng matapos kaming dalawa.

"Manang pwede po bang pakilagay na lang sa baunan? Maliligo lang po ako." Pakiusap ko sa kanya.

"Osige sige iha. Bilisan mo ng umabot ka ha." Nagtatakbo na ko paakyat. Binilisan ko lang ang paliligo.

Baka kase maka-order na yun ng lunch pag tinagalan ko pa e. Ayoko naman siyang tawagan dahil surprise nga ito.

Nagpatawag ako ng taxi sa guard ng subdivision kaya pagbaba ko pa lang ay nandun na ito.

Chineck ko muna yung laman nung paperbag. May kanin, ulam, cake, at juice na ito.

"Thank you manang. Alis na po ako." Sigaw ko bago umalis.

"Dawson Company po." Sabi ko kay manong driver pagkasakay ko.

Nag-ayos ako ng unti habang nasa taxi. Unting poweder at light lip gloss lang and viola ang ganda ko na lalo. Chos.

Nakapagtataka dahil hindi nako hinarang ng guard para hingang id. Nagsasabi pa ng good afternoon maam yung mga nakakasalubong ko. Kilala ba nila ko?

Nakaakyat naman na agad ako sa 21st floor kung saan nandoon ang office ng CEO.

"Good Afternoon Maam." Bati sakin ng secretary ni Zach.

"Andiyan ba si Mr. CEO?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Yes maam." Sabi nito.

"Pasok nako ha." Sabi ko.

Hindi ko na hinintay yung sagot niya agad nakong naglakad papunta sa office ni Zach. Napansin ko yung expression ng mukha niya na parang ayaw niya kong pumasok. Bakit kaya?

Dahan-dahan akong sumilip sa office para makita ko kung busy ba si Zach or not pero iba ang nakita ko.

May babae siyang kasama sa loob at bigla siyang hinalikan nito. Pero ang nakapagtataka ay tinulak niya din?

Pero bakit ganun ang sakit pa rin kahit na nakita ng dalawang mata ko na yung girl yung nag-insist.

Tumakbo agad ako paalis. Nasa elevator nako ng maramdaman kong umiiyak na pala ako.

Pinili kong tumakbo na lang dahil sabi nga nila Do not nag.

No man would like a nagging wife. If you want to get your own way ask him nicely. Many wives think that is the only way to get her husband to do things is by nagging. But the truth is that your nagging can create unwanted rift or can make things worse between the two of you. Your husband is a grown man with his own thoughts and desires. Just because you think he should be doing something particular doesn't mean he has to do it.

Pero bakit ako umiiyak?


At higit sa lahat, why am I hurting?

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon