Chapter 40

170K 4.4K 273
                                    


Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.

Nasan ako?

Bakit puro puti?

Ano bang nangyare? Wala akong maalala.

Bakit may nakasaksak sakin na swero.

Nakarinig ako ng mga boses na nagbubulungan..

Sino sila?

Bakit sila nandito sa lugar na kinalalagyan ko?

Ano ba talaga ang nangyare? Bakit hindi ko maalala? Wala akong matandaan.

Pinilit kong bumangan pero agad din akong napadaing ng makaramdam ako ng sakit sa katawan.

Binugbog ba ko? Huhu. Ang sakit kase ng katawan ko e.

"Oh Ms. Keisha gising ka na! Magpahinga muna po kayo." Sabi ng isang lalaki na lumapit pa sakin.

Sino siya?

"Kane! Tawagan mo si bossing. Sabihin mo gising na si Ms. Keisha." Sabi pa niya sa isa pang lalaki na kakapasok lang ng kwartong kinalalagyan ko.

Kane? Sino yun? Atsaka sinong bossing? Sindikato ba sila?

"Sino ka?" Tanong ko sa lalaking nagsasalita. Humarap pa ko sa ibang taong nandito kabilang na yung Kane na tinawag nila. "Sino kayo?"

Nakita kong nagulat sila sa tanong ko.

"Hindi mo ba kami naalala Keisha?" Umiling lang ako.

"Halaa! Magtawag kayo ng doctor! Tawagan mo na din si bossing bilis!"

"Susunduin ko na yung mga doctor!"

"Ipatawag mo lahat ng doctor! Bilisan kamo!"

"Si bossing din tawagan niyo na ng tawagan bilis!"

Nagkagulo agad yung tatlong lalaking nasa harapan ko ngayon. Yung isa ikot ng ikot dito sa loob. Yung isa naman nagtatawag ng kung sino-sino. Pano ko nalaman? Siguro mga 6 na agad yung natawagan niya in 2 minutes. Yung isa naman nagtatakbo na palabas.

Maya-maya lang ay nagmistulang party itong kwarto ko. May 20 nurse at 12 doctor ata ang nandito sa loob. Idagdag mo pa yung 3 itlog na nasa loob pa din. Meron pa nga akong natatanaw na mga men in black sa labas e.

Napalunok na lang ako. Shemay! That waa supposed to be a joke. A big joke! But looked what happened. Nag-panic naman sila ng bongga. Huhu.

Anong gagawin ko?

"How are you feeling Mrs. Dawson?" Tanong ng isang matandang doctor.

"Masakit po ba yung ulo niyo?" Lumapit pa sakin yung babaeng doctor naman.

Shocks. Anong gagawin ko?

"A-ahm.. an-"

"WIFEY!" Kitang-kita ko ang pagpasok ni Zach sa kwarto. Hingal na hingal at basang-basa pa siya ng pawis.

Na-guilty naman ako. Halata kase sa kanya na sobrang nagmadali pa siya papunta dito. Naalala ko na naman yung tahi niya. Baka mamaya mabinat siya. Ano ba naman kaseng kalokohan yung naisip ko e. Huhu. Sorry na. :((

"Z-zach..." Napaiyak na lang ako at yumakap sa kanya.

"Lumabas muna kayong lahat. Ako na ang bahala sa asawa ko." Agad nagsilabasan yung mga tao.

Nakayakap lang ako kay Zach. Sinubsob ko yung mukha ko sa dibdib niya. Namiss ko siya. Akala ko talaga mawawala na siya sa buhay ko nung gabing yun buti na lang pinakinggan ako ng Diyos.

"You three. Out. Now." Sabi niya pa. Hindi pala lumabas sila Kane. Maya-maya lang ay nakarinig na ko ng pagbukas ng pinto.

"W-wifey.. How are you feeling? May masakit ba sayo? Bakit sabi nila Blake wala ka daw maalala? What happened?" Punong-puno ng pag-aalala yung boses niya. Lalo tuloy akong na-guilty.

"I-i... was just.. hmm.. ano.. j-joking?" Don't be mad please.

"You were just what?!" Nagtaas ng siya ng boses.

"J-joking.." Naiiyak na sabi ko sa kanya. He's mad. I know, sino ba namang hindi?

"AH! HALOS PALIPARIN KO NA YUNG SASAKYAN KO NUNG TUMAWAG SAKIN SILA KANE. MUNTIK NA KONG MAKABANGGA NG TRUCK TAPOS YOU WERE JUST JOKING?!" Galit na galit na sabi sakin ni Zach na tumayo pa mula sa pagkakaupo niya sa hospital bed ko.

Iyak lang ako ng iyak. I deserved that right? Hindi ko naman kase talaga alam kung anong nagtulak sakin para gawin yun e. Basta parang naisipan ko lang. Huhu na. Malay ko bang sobrang OA pala nilang tatlo nila Val. Kainis!

"I'm sorry..." Tumayo ako at niyakap siya sa likod.

"Ts. Ano pa bang magagawa ko?" Humarap na siya sakin at hinalikan ako sa noo. "Wag mo ng ulitin yun please? Tinakot mo ko masyado e." I nodded and just hugged him tight.

Nasa ganung posisyon lang kami ng may maalala na naman ako. Pinaghahampas ko siya ng malakas. Wala na kong pakialam kung nasasaktan siya.

"HEY HEY.. STOP IT.. WIFEY ANO BA?" Todo-iwas siya sakin.

"Ugh! I hate you!" I yelled.

"What was that for?" He asked ng nakalayo ng konti sakin.

"PARA YAN SA PAG-AALALA NAMIN SAYO NI BABY! BAKIT MO GINAWA YUN HA? BAKIT KAILANGAN MO PANG SALUHIN YUNG BALA NA PARA SANA SAMIN? PAANO KUNG NATULUYAN KA? PAANO KUNG NAMATAY KA? HUHUHU. PAANO NA KO? HUHU. PAANO NA YUNG BABY NATIN? HUHU. NAISIP MO BA YUN?! HA?!" Galit na galit na sigaw ko sa kanya.

Lumambot naman na yung expression niya.

Hinarap niya ko sa kanya at niyakap sa bewang. Nakatitig lang siya sakin. Wala ba siyang balak magsalita? Inangat niya yung isa niyang kamay papunta sa pisngi ko.

"Ginawa ko lang kung anong alam kong tama."

"TAMA?! PAANO KUNG NAMATAY KA? TAMA PA RIN BA YUN?" Inis na sigaw ko.

"Hindi ko naman kakayin na titigan ka lang habang binabaril ka. Nawalan na ko ng bala kaya I need to do something.. Kahit paulit-ulit na mangyari yun, paulit-ulit ko pa ding gagawin yung ginawa ko dahil mahal kita." Hinawi niya yung buhok na kumakalat sa mukha ko.

Pinunasan niya din yung mga luha ko gamit ang labi niya. "Mahal na mahal kita Keisha at hindi ko hahayaang mapahamak ka.. Paulit-ulit kong sasabihin sayo na handa akong ialayo ang buhay ko para sa inyo." Then he kissed my lips.

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon