"Wifey.." Tumingin siya sakin habang nag-dadrive pero di ako nag-abalang lingunin siya."Baby..." Kinuha niya naman na yung kamay ko. Poker face para kunwari di ako kinikilig no.
Kanina pa yan ganyan. Simula nung nangyare kanina sa CR hindi ko na siya kinausap. Nagbihis lang ako agad tapos pumunta na sa sala. Nung nakita ko naman na siyang pababa, nauna na ko sa kotse niya.
Pagka-alarm nga ng car niya hindi ko na inantay na ipagbukas pa niya ko e. Dapat nga di ako uumupo sa harap pero nakita kong may mga files sa back seat. Ayoko namang magulo yun tsaka di naman ako ganun kasama no.
Hindi ko na din siya hinintay para ilagay yung seat belt ko. Hobby niya kase yun e. Pagbuksan ako ng car doo tas siya na mismo ang magsusuot ng seatbelt ko, pero ngayong badtrip ako di niya nagawa.
Dumiretso na rin kami sa doctor. Pinahiga ako ni doctor Mae sa iaang bed. Inalalayan ako ni Zach pahiga tapos hinawakan niya yung kamay ko. Hindi ko naman na inalis yung pagkakahawak niya sakin. Kahit naman nagtatampo ako sa kanya, hindi ko pa rin maalis sa sarili ko na gusto kong hawakan niya yung kamay ko. Nilagyan ng gel yung tummy ko tapos nakaramdam ako ng lamig sa tiyan ko. Nagulat ako kaya ramdam ko na mas humigpit yung hawak sakin ni Zach.
May ipinatong siya tiyan ko tapos tumitingin siya sa screen na nasa harap namin. Nakangiti siya nung humarap siya samin at sabi nga niya 3 weeks pregnant na daw ako. Kitang-kita ko yung kasiyahan ni Zach. Alam mo yung kahit alam na niya kanina na buntis ako, iba pa din yung saya niya.
Umalis din naman kami agad after magbigay ni dra. ng mga vitamins tsaka mga do's and don'ts ko. Kitang-kita ko nga kung paano siya nakinig sa doctor e. Yung inaabsorb niya talaga kaya napangiti ako sa inaakto niya. Parang hindi kase siya yung masungit, walang pakialam sa mundo, seryoso, at nakakatakot na Zach na kilala ko dati. Kapag ako ang kaharap niya, kitang-kita ko yung soft side niya. Pero ganunpaman, di ko pa din siya kinakausap. Mehehehe.
Sa totoo lang gusto ko naman na talaga siyang pansinin e. Pano kanina pa busangot yung mukha niya nakakatakot nga na baka namaya mahipan na siya ng hangin tapos di na siya bumalik sa dati. Huhu. Pero love ko pa din siya kahit ganun no.
Anyway, balik tayo sa issue. Basta hindi ako galit sa kanya okay? Medyo lang? Eh ewan. Basta naiinis ako sa kanya. Or sa sarili ko? Fudge! Ang gulo naman. Ganito ba talaga pagbuntis? Ganito ba talaga ang mood swings? Huhu. Sobrang hirap naman nito. Sa sarili ko nga parang nahihirapan na ko paano pa kaya si Zach diba? Psh. Kase naman e. Feeling ko talaga kanina ayaw niya na sakin. Alam mo yung parang hindi na siya attracted sakin.
Porket ba buntis na ko ayaw na niya sakin? Maliit pa yung tiyan ko niyan ha. As in hindi pa talaga halata na buntis ako. Kahit nga si manang hindi pa alam e. Paano pa kaya kapag lumobo na talaga yung tiyan ko? Hahanap na kaya siya ng sexy girls?
"Ang baby kong may baby na din ay nagtatampo.." Sabi niya bigla sabay halik sa likod ng palad ko. "Sorry na wifey.. Hindi kita tinatanggihan okay?" Hindi daw, eh ano yung tawag niya sa kanina? Psh.
"Gusto ko kaseng magpa-check up ka muna. I want to make sure that everything's okay. I love you so damn much wife that even though I want to kiss and hug every inch of your body, pinipigilan ko. I want to make sure na okay muna kayo ni baby." He touched my little tummy. Naiiyak na naman ako. Ewan ko ba sobrang emotional ko na talaga.
Pinark niya sa gilid yung sasakyan. Tapos humarap sakin tsaka pinunasan yung pisngi kong basa na ng luha.
"Wag ka ng umiyak wifey ko. Hinding-hindi ako magsasawa sayo. Hindi ako magsasawang intindihan ka. Hindi ako magsasawang suyuin ka. Hindi ako magsasawang iparamdam sayo na mahal kita. Hindi ako magsasawa na yakapin ka." At niyakap nga niya ko. "At lalong-lalo ng hindi ako magsasawang.. halikan ka." We that he kissed me gently.
As if I'm a glass na ayaw niyang mabasag. Para kong pinakaiingat-ingatan niyang kayamanan na hindi pwedeng mawala. With that kiss pinaramdam niya sakin na ako ang babaeng pinakamaganda at minamahal niya.
"I love you hubby. I'm sorry if I'm too moody. Ewan ko ba sobrang nagiging emotional na ko. Huhuhu." Sabi ko ng maghiwalay yung mga labi namin.
He just smiled. "Alam kong mahirap yang pinagdadaanan mo and I promise you na andito lang ako palagi sa tabi mo. Never kang mag-iisa dahil hindi kita pababayaan. Hindi ko hahayaan na mag-isa mo lang gagawin ang mga bagay-bagay. Kasama mo ko sa mga check-up mo. Nasa likod mo lang ako tuwing morning sickness mo. Ako ang bibili ng mga gusto mong kainin. Sasamahan kita sa lahat ng check-ups mo. Bubuhatin kita kapag hindi ka na makalakad dahil malaki na ang tiyan mo. For short, gagawin ko ang lahat para sayo." I'm speechless. What did I do to deserve a man like him. He's too perfect for me.
"At ikaw baby.." Idinikit niya ng unti yung ulo niya sa tiyan ko. "Wag masyadong pahirapan si mommy okay? I love you." And he kissed my tummy.
Sobrang saya ko sa kanya. Alam niyo yung wala na kong mahihiling pa dahil good and perfect husband na siya para sakin. Siguro mas magiging masaya at makulay ang buhay ko kapag lumabas na ang anak ko. Magkakaroon na ko ng buo at masayang pamilya na never kong naranasan.
Pero natatakot ako...
Nakakatakot na baka pag gising ko, wala na siya sa tabi ko.
Baka isang araw, may mahanap na siyang iba.
Baka makakakita siya ng mas bagay sa kanya.
Baka makakita siya ng bagay sa pagiging perfect niya cause honestly, I'm not even close too perfect. I have so many flaws. Ang daming pwedeng ika-ayaw ng isang tao sa akin.
"What are you thinking?" Nakatitig na pala siya sakin. Umiling lang ako.
"You seem worried.." May halong pag-aalalang sabi niya.
Lumapit siya sakin at niyakap ulit ako. Inayos niya yung nga buhok ko na nakakalat sa mukla ko.
"You're perfect for me Wife.." Bulong niya sa tenga ko. "And always remember that I love you." Hindi na ko nakasagot ng bigla niya kong halikan.
Sa isang halik lang niya, nawala lahat ng worries ko. Alam ko na as long as I have him, mananalo ako sa lahat ng pagsubok na dadating sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)
Acţiune"Come on wifey. Ngumiti ka na diyan." Zach said to cheer me up pero walang effect e. "Sige na. I love you. I love you. I love you." "I love you too. And sorry.." I said. "It's nothing wifey. Come on let's dance." "Here?" "Why not? Don't you find it...