Chapter 30

188K 5.1K 187
                                    

Zachary Dawson.

Nagising ako ng maramdaman kong nagmamadaling tumayo si Keisha at pumunta ng Cr. Nakayakap kase ako sa kanya kaya nagising ako agad.

Teka. Ano yung tunog na yun? Nagsusuka ba siya?

Sinundan ko siya sa banyo at naabutan ko siyang nakaupo sa floor habang nagsusuka.

"Wifey? Are you okay?" Hinimas ko yung likod niya.

"Do I look okay?!" She hissed.

"I'm sorry. Ikukuha kita ng tubig. Wait lang." Hinalikan ko siya sa cheeks bago nagmadaling bumaba.

Naabutan ko si manang sa baba.

"Iho gising ka na pala. Kakain na ba kayo?" Tanong niya.

"Mamaya na ho manang. Kukuha lang akong tubig nagsusuka po kase si Keisha e." Nagsalin na ko ng tubig.

"Nagsusuka? Aba'y bakit naman?"

"Baka po may nakain po kagabi manang?" Crispy pata naman yung dinner namin kagabi at lahat kami kumain pero bakit si Keisha lamg yung nagsusuka kung dahil doon?

"Pare-parehas naman tayo ng kinain iho. Ikaw ba sumakit ang tiyan mo at nagsuka?" Tanonh niya

"Hindi naman po manang." Sabi ko bago umakyat.

"Hindi kaya buntis ang asawa mo?" Tama ba yung narinig ko?

"Ano po manang?" Pinaulit ko para makasigurado.

"Kako hindi kaya buntis yung asawa mo?"

"Hindi ko po alam." Wala sa loob na umakyat na ko sa kwarto namin.

"Hindi kaya buntis ang asawa mo?"

"Hindi kaya buntis ang asawa mo?"

"Hindi kaya buntis ang asawa mo?"

"Hindi kaya buntis ang asawa mo?"

"Hindi kaya buntis ang asawa mo?"

Posible nga kaya? Nagsusuka siya tapos lately ang sungit-sungit na.

Buntis na nga kaya ang asawa ko?

Naabutan ko siyang nakahiga at tulog na ulit sa kama. Ganun ba ko katagal kumuha ng tubig?

"Wifey.."

"Hmmmmmm..."

"Wake up na baby ko." Sabi ko habang hinahawi yung buhok niya.

"Hmmmmm.."

"Ay ayaw gumising? Haha." Pano ko ba gigisingin to?

"Aha kailangan ba ng kiss ng prinsesa ko?" Tukog pa rin?

Unti-unti kong nilapit yung mukha ko sa kanya.

Smack

Tulog pa din? Tsk.

Smack

Iaangat ko na sana ulit yung ulo ko ng bigla niyang nilagay yung kamay niya sa likod ng ulo ko.

Pinalalim niya yung halik na sinimulan ko kanina.

Sino ba naman ako para tumanggi diba?

"Good.. morning..." Sabi niya sa pagitan namin.

Napangiti naman ako. Good morning kiss ko na pala to.

I never imagined my life to be like this. I never thought I will find the right girl for me. Sabi ko kase sa sarili ko, masama kang tao kaya walang magmamahal sayo ng totoo.

Sarili ko nga hindi ko mapatawad, ibang tao pa kaya? Actuallybmay nagmahal naman na talaga sakin e. Minahal ko din siya ng sobra pero anong ginawa niya? Iniwan niya ko para lang sumama sa iba. Is that what you call love?

Simula nun hindi na ko ulit naniwala sa salitang pag-ibig. Sabi ko hindi naman totoo yan e. Wala naman talagang happy ending.

Pero mapaglaro ang tadhana. Kung kelan sinabi kong ayoko na. Na hindi na ko magmamahal ulit e tsaka ko naman nakilala si Keisha.

Pagkakita ko pa lang sa kanya nakaramdam na ko ng iba. Ewan ko ba kung ano yun. Tsaka kakakita ko pa lang sa kanya, gusto ko na? That's bullsh*t right?

Laking pasasalamat ko nga nung hindi siya pumayag e. Ano ba naman kaseng kahibangan yung inoffer ko sa kanya diba? Parang tanga lang.

Kaso bigla siyang tumawag sakin. Nanlambot na naman yung manhid kong puso nung makita ko siyang umiiyak.

Kailangan daw niya ang tulong ko, at ganun din ako sa kanya. Pero sino nga ba naman ang mag-aakala na mapupunta sa totohanan ang lahat diba?

I tried my best na iwasan siya. Nagpapagabi ako sa opisina. Umaalis ako ng sobrang aga para lang di kami magkita. Pag nakikita ko kase siya, parang gusto ko lang siyang titigan, lapitan, at kausapin.

Pero dumating nga sa point na nagkaaminan na kami. Hindi naman ako nagsisisi sa nangyari e. Natatakot lang ako sa pwedeng mangyari sa kanya. Hindi naman lingid sa kaalaman niyo na kadali ako sa mafia diba?

Ayoko lang madamay siya sa gulo na meron ako. Ayokong mapahamak siya ng dahil sakin. Gusto ko kase safe niya pero kung mapapadikit siya sakin palagi, siguradong malalagay sa panganib ang buhay niya.

At yun ang iniiwasan ko. Pero gaya nga ng sinabi ko, nandito na to e. Handa naman akong ibuwis ang buhay ko para sa kanya e. Lalo na ngayon na sa tingin ko wy madadagdagan na kami.

"I love you hubby..." Sabi niya sakin bago yumakap.

"I love you too wifey.." I kissed her forehead.

"Zach.. Are you ready to have a family?" Nabigla ako sa tanong niya.

"Bakit mo natanong?" I asked her back.

"Wala lang. So ready ka na ba?" Tanong niya ulit.

Bakit para kong kinakabahan? Kanina tanggap ko na may possibility na buntis siya. Pero bakit pag galing na sa kanya nakakakaba?

"Siguro wifey." Sabi ko.

"Ay. Parang hindi ka pa handa..." Malungkot na sabi niya.

"Wifey.." Hinarap ko yung mukha niya sakin. "Being your husband was not planned, but look where we are right now. We are both happy to have each other."

Hinawi ko muna yung buhok niyang humaharang sa pisngi niya.

"Kagaya din yan ng tinatanong mo. Wala pa tayong plan to have a baby right?" Tumango siya. "Pero if given a chance na magkaroon na, mamahalin ko siya ng sobra. I will be forever grateful to have a blessing that I never expected to have." Napansin kong tumutulo na yung luha niya.

I kissed her tears.

"I love you so much Keisha. Thank you for accepting my job offer. Hahaha. No I mean thank you for coming into my life." I hugged her tight.

Ito yung babaeng hinding-hindi ko hahayaang mawala sa buhay ko.

"Hubby.."

"Hmmm?"

"Kuha mo naman akong tissue o." Psh.

"Panira ka naman ng moment wifey e. Sarap-sarap na ng yakap ko sayo o."

"Please hubby... Dali na." Pamimilit niya pa.

Di naman ako titigilan nito diba? Kaya tumayo na ko para kumuha ng tissue.

Humugot na ko ng tissue mula sa tissue holder ng biglang nay bumagsak.

Ano ba to?

Hindi ko na sana pupulutin yung nahulog ng mapatitig ako kung ano nga ba talaga yun....

PREGNANCY TEST......

NA MAY DALAWANG RED LINES?!

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon