Chapter 49

141K 3.9K 61
                                    

I dedicate this chapter to alexaquino5076798. Thank you sa patuloy na pagsuporta sa story ko!! God Bless you :)

***

"Ninong?! Ikaw nga!" Tumayo pa ko sa pag kakaupo.

"Gahd! Kinidnap ka din ba nila? TEKA NGA SINAKTAN KA BA NILA? GRABE SILA. BAKIT PATI IKAW DINAMAY PA? I MEAN KUNG MAY ATRASO KAMI NG ASAWA KO BAKIT PATI KAYO?" Lumapit ako sa kanya.

"May sugat po ba kayo?" Akmang hahawakan ko yung mukha ni ninong ng tinabig ako nung lalaking nagbukas ng gate.

Hindi ko inaasahan yun kaya muntik na kong matumba, buti na lang nahawakan ako ni Zach sa bewang na hindi ko namang inaasahang nasa likod ko na.

Jusko. I should be more careful. Tatlong buhay ang nakasalalay sakin.

"ASSHOLE! DON'T YOU FVCKING TOUCH MY WIFE!" Galit na sigaw ni Zach habang inaalalayan akong makatayo ng maayos.

"HAHAHAHAHAHA. MAYABANG KA PA DIN DAWSON. TSK." Sabi nung isa pang lalaki na nasa kabilang gilid ni ninong.

"I'M NOT TALKING TO YOU, YOU IDIOT!"

"ABA!" Bubunutin na sana niya yung baril niya.

Hinawakan ko si Zach sa braso niya. Gusto kong iparating sa kanya na wag siyang lumaban.

Alam kong hindi ganto ang isang Zachary Dawson pero ano nga bang magagawa ko diba?
Wala kaming laban sa kanila kaya mas mabuting pagplanuhan muna kung anong dapat naming gawin.

Kapag pinaral namin ang init ng ulo, siguradong mamamatay lang kami ng walang laban.

Biglang tumikhim si ninong.

At agad siyang natigilan sa pagbunot ng baril kaya nagtaka ko sa nangyare

Takot ba siya kay ninong? Pero bakit?

"Pasensiya na po Padrino." Yumuko pa siya.

Nakakagulat yung inakto niya pero mas nagulat ako sa tinawag niya kay ninong...


"PADRINO?!" Tanong ko pero hindi siya sumagot.

"Tama ba yung narinig kong tinawag niya sayo ha? Ikaw si Padrino?!" Gusto kong makumpirma dahil hanggang ngayon naguguluhan pa din ako.

"Last time I check hindi ka naman bingi?" At tumawa pa siya.

"Fvck! I knew it! I SHOULD HAVE KILL YOU WHEN HE HAD A DINNER THAT NIGHT! I SHOULD HAVE KILL YOU!" Biglang sumigaw si Zach habang dinuduro si ninong.

Fudge! Naguluhan ako lalo.

Mas wala akong naiintindihan sa nangyayare.

"TOO LATE DAWSON. YOU. CAN'T. KILL. ME. ANYMORE. You know why? BECAUSE. I. WILL. BE. THE. ONE. TO. DO. THAT." Mahina pero nakakatakot yung pananalita ni ninong.

Parang hindi siya yung ninong na nag-alaga sakin.

Parang hindi siya yung ninong na nakasama ko halos buong buhay ko.

Parang hindi siya yung ninong na kinilala ko bilang pangalawang ama ko.

Parang hindi siya....

Hindi ko pa pala talaga siya kilala...


"Sino ka ba talaga?!" I hissed.

"Gusto mo talagang malaman?" Lumapit pa siya sakin kaya bigla naman akong hinatak ni Zach palapit sa kanya.

"Ulitin mo ang buong pangalan ko. Ulitin mo ng ulitin." Naguguluhan man pero sumunod ako.

"Levi Cruz.. Levi Cruz.."

"Include my middle name dear." Kinilabutan ako ng tawagin niya ko ulit na dear.

He used to call me that pero parang iba na ngayon. Parang may mali.

"Levi Fallonis Cruz.. Levi Fallonis Cruz.. Levi Fallonis Cruz.."

"Slow down." Utos niya.

"LE-VI.. FA-LLON-IS.. CRUZ.."

"LEVI.. FALLON-IS.. CRUZ.."

"WAIT! IKAW?!" Tumawa lang siya.

Nanghihina akong napaupo. Nakaalalay pa rin sakin si Zach pero hinang-hina pa din ako.

"Ikaw si FALLON?!"

MARRIED TO A MAFIA BOSS (PUBLISHED UNDER LIFE BOOKS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon