Hope's POV
Nakaka high blood naman ang taong yun.Yung totoo.Litchon ba sya?Tsk.
Tumingin ako sa orasan 9:45 na.Makalabas nga muna.Kinuha ko yung jacket ko at nag simulang ikutin ang village namen.
Nakakainis.Urghh.Bat ba kasi may love story na puro mga 1 sided love lang.Minsan sinisisi ko si Cupid.Eh sya kasi ang pumapana.Kapag sumala yung pana nya..nagiging one sided love nalang.Tsk.
Sinipa ko naman yung bato.Tapos kinuha ko at binato ng malakas.Sorry nalang kung may matamaan.
Pumunta nalang ako sa park malapit dito.Umupo nalang ako sa may swing.Wala naman sigurong mumu dito diba??
Nakaramdam naman ako ng pag vibrate sa may pants ko.Nung tiningnan ko,akala ko si Tristan.Tsk..kelan ba yun magkakaron ng pakeelam sakin?Never siguro.
Si Mama naman kahit kelan panira ng moment.
From:Mama
Anak,maeextend kami dito ng another 3 weeks.Sorry anak.Ay oo nga pala..Dadating bukas jan si Kylie.Jan muna sya.Alagaan mo ha?Tsaka pala aalis si manang.Bukas pa dating may pinuntahan sa probinsya na eh.Teka.Sino ba yung Kylie?Aso ba yun o Kamag anak ko??Rereplyan ko sana si mama kung sino yun kaso wala pala ko load.Pfft.Anak ka ng nanay mo oh!!Uwi na nga lang ako.
−*−*−*−*−*−*−*−*−*−*−*−
Ang ingay ata sa baba?Tumingin naman ako sa orasan.2:30 palang ah.Ang aga naman ata gumising nun.
Tutulog na sana ulit ako,kaya lang may narinig naman akong kalabog sa may kusina.Luh??Baka may mag nanakaw.
Dahan-Dahan akong lumabas ng kwarto ko..tapos ginising ko si Tristan.
"Ano ba??Ang aga pa eh.""Uy may mag nanakaw sa kusina.Narinig kong may tumunog eh." bumangon naman sya at kinuha yung gitara nya sa gilid.Haharanahin nya lang yung magnanakaw?Anu bayan.Dahahan dahan na kaming bumaba.
Pag bukas ni Tristan ng ilaw may babaeng nakaitim."Waaaaaaaaahhh.Mag nanakaw!!"
"Hope??Hey.Stop it.Its irritating kaya." sabe ng babaeng mukang flirt.
"Sino kaba?" tanong ko.
"Im kylie kaya.You don't remember na me??"
"Ah.Ikaw ba−−"
"Oh.Kon'nichiwa hansamu there.I wa anata o aishite." sabay lapit kay Tristan at kiniss sa Cheeks.Tsk.Talagang sa harap ko pa?Walanya yang bruhang haponesa na yan.Si Tristan naman blank parin ang expression.
"Ano daw??" tanong sakin ni Tristan.
"Sabe nya 'kamusta ka jan pogi.Mahal kita'." ginaya ko pa ang boses ni Kylie.Kakakita palang mukang mahal na agad ito.
"Sis.Later na chismisan.Can I sleep first with him??" tanong pa nya.
"No.You can sleep in the garage if you don't want in our guest room."
"Hayst.Your so KJ talaga.Ok na me in the guest room.Bye na." dumeretso na sya sa guestroom.Tsk.Bute naman napagod agad.May jetlag ata.
"Sino yon??" tanong sakin ni Tristan.
"Kylie nga daw diba?"
"Kamag anak mo?"
"Ewan ko."
"Nag papapasok ka ng hindi mo kilala?"
"Kilala sya ni mama.Nasabe nya sakin kagabe." dumeretso na ko sa kwarto ko.
Naalala ko na.Si Kylie Joon ang pinsan ko.Kasing edad lang nya si JT.13 years old palang yan pero mukang kasing edad na namin.
Dating date kasabayan ko pa yang maligo sa batis sa labas ng village namin pag katapos naming mag laro ng basketball o kaya base ball.
*−*−*−*−*−*−*−*−*"Ate.Please lang.Bumangon kana at ipag luto kame.Nakaka imbyerna yung kylie.Hindi marunong mag luto.Tas nag mamagaling pa.Tsk."
"JT.Ang ingay mo!"
"Eh ate.Ipag luto mo na kame.Malelate tayo sa school.Daliiii."
"Oo na.Maliligo lang ako." pag katapos kong maligo at makapag ayos para sa school,bumaba na ko.Nakita ko naman si J.T na naka busangot ang muka.Si Kylie naman kinukulit si Tristan.
Pumunta nalang ako sa kusina.May nakita naman akong nakahain sa lamesa na sunog na hotdog.Tsk.Aksaya naman ng pagkain.Nag luto nalang ako ng fried rice.Apat na sunny side up eggs at apat na hotdogs."Hoy.Kakaen na!!" sigaw ko matapos makapag luto.
"Bute pa si ate hope nakakapag luto.Eh yung isa jan hotdog na nga lang nasunog pa.Babae ba yan??" natawa naman ako kay J.T.
"Kumaen ka na nga lang."
Pgkatapos naming kumaen aalis na sana kame sa bahay pero nakalimutan kong mag bilin kay kylie.
"Hey.Wash the dishes and please clean the house.We'll come back at 4:30 pm.Wag ka mag papapasok ng hindi mo kilala ah."
"What?I thought I was your guest here?"
"You'll be living in our house so you must also do households.Bye bye na !!" umalis na kame.Napansin ko naman na kasabay pala namin si J.T.
"J.T,bakit pala sumabay ka?Akala ko naman mamaya kapa?"
"Gagala muna ako sa school.Ayoko makasama yung kylie.Ang arte."
"Tsk.Hindi naman masyado ah?" pag tatangol ni Tristan.
"Anung di masyado.Eh halos mag lampungan na sila nung hilaw na haponesang yun.Gusto lang naman nyang may lumalandi sa kanya eh" bulong ko.Pero mukang narinig ni J.T kaya tumatawa.
Mehehehe.Mag papaka boss ako jan sa maarteng hapones na yun.
"J.T,ikaw ang may schedule sa pingan diba?" tanong ko.Nagkaron na kasi kame ng schedule ng pag huhugas ng pinggan.
"Oo.Bakit?Gagawin mo para sakin?"
"Si kylie na mag huhugas nun habang nandon sya.Mehehehe!!"
"Hahaha.Mukang masaya yun ah!!!"nag high five kame ni J.T.Snob yung isa eh.

BINABASA MO ANG
Fake Love
Randomonce upon a time..I fell inlove with the person who can't love me back. The End.