"Good morning Hope." Greeted Tita.
"Good morning po?Si Tristan po?" Tanong ko atsaka naupo at kumain na.
"Nauna na ate,sabi pala nya puntahan mo daw sya sa gym pag dating mo sa school." Sabi ni JT
"Ganun ba?Hindi ba nasabi kung bakit daw?"
"Hindi eh."
Nakita ko naman na bumaba si Hannah na may dalang maleta.Teka,ngayon ang alis nila?"Aalis na kayo ngayon?" Tanong ko.
"Hindi ba halata?" Walang kwentang sagot nya.
"Kuya aalis na kayo?" Pag lipat ko ng tanong kay kuya.
"Yes sis.10 months na naman kami dun." Nalulungkot na sabi ni kuya.
"Mag iingat kayo!Sige una na ko sa school."
"Hindi kana kakain?" Tanong pa nya.
"Hindi na.Baka makasabay ko pa si Kylie eh.Haha.Isabay nyo nalang kay JT." Bulong ko at lumabas na ng bahay.
Nadatnan ko naman si Ced na kakalabas lang din ng gate nila.
Lalagpasan ko sya at kunwari hindi ko sya nakita.Pang aasar lang dahil hindi na kami parating mag kasama at sila nalang ni Gen.
Pero ang luko parang hindi lang din ako napansin at nauna pang maglakad sakin.
Binatukan ko kaya napatingin sakin.
"OUCH!Sino ka ba?Bakit ka nambabatok?" Nagtaka naman ako dahil hindi si Ced ang nabatukan ko.
"Ay sorry.Akala ko kasi kakil--Akala ko kasi kakilala ko yung lumabas ng gate--Teka nag kita na ba tayo?" Nataranta pa ko.
"Ah ikaw pala.Hindi mo ba ako natatandaan?"
"Ahm.Parang nakita na kita pero hindi ko maalala eh."
"Ako nga pala yung nag bigay sayo ng panyo nung panahong nag eemote ka sa mall."
"Huh?"
"Allen." Sabay lahad nya ng kamay sakin.
"Hope.Teka,School mate kita?Bakit lumabas ka sa bahay ng kaibigan ko?Kaano ano mo si Cedrick?"
"Easy ka lang Hope.Kakalipat ko lang ng school at kasalukuyang nakatira sa bahay ng kapatid at nanay nya."
"Huh?I don't get it."
"Pwede bang mag lakad na tayo papunta sa school?Baka malate pa ko.1st day ko pa naman ulit sa 4th year." Kaya nag lakad na ulit kami.
"Ulit?"
"Yup.Nadrop out ako sa dati kong school dahil nadamay ako sa gulo.Kaya napalipat ako ng school,pinatira narin ako ng Tatay ko sa half brother ko."
"Ah,so pano mo naging half brother si Ced?Lee din ba apilido mo?"
"Oo.Mag kapatid kami sa Tatay."
"Ah,so hindi mo nanay si Tita Celestine?" Tiningnan naman nya ko ng masama.
"Bakit?" At lalong kumunot ang noo nya.
"Ah.Gets ko na.Hindi naman kailangang gumuhit yang noo mo." I gave him my sweetest smile.
Bakit parang nag iba sya?Nung una ko syang nakilala nakikipag fling pa sya tapos ang sungit na ngayon.
"Polar bear ka ba?" Tanong ko.
"Ano?"
"Kung Polar bear kaba?Polar bear lang hindi mo alam?Yung sakit na pabago bago ng mood.Parang baliw." Bigla naman syang napatawa.
"Sabi ko na nga ba Polar bear ka eh.Jan ka na nga." Iiwan ko na sana sya dahil pinag tatawanan nya ko kaya lang hinawakan nya ang braso ko gamit ang kaliwang kamay nya.Nakahawak kasi yung isa nyang kamay sa tyan nya.
"Ano kaba?Baliw ka!" Sisipain ko sana sya sa paa kaya lang napailag sya.
"Hahahaha.T-teka lang.I-ikaw yata ang baliw eh!Hahaha!"
"Ewan ko sayo!Sige pag tawanan mo lang ako!Ano ba kasing nakakatawa?"
"Hahahaha!I-ikaw!Haha!Kasi..Kasi..Pfffttt."
"Ha-Ha-Ha." At sumimangot nalang ako.
"Pffffftt.Ano ba kasing sinasabi mo?B-baka Bipolar!Hahahahaha!" Abat!Bipolar ba yun?
"Tsk.Parehas lang namang may Polar yun eh."
"Pffftt.Ang reaksyon mo pa nung nag papaliwanag eh ganto." <(`^´)> At ginaya pa talaga ako kanina.Pero bakit sa kanya ang cute?
"Grabe ganyan ba ko kacute?"
"Hinde.Pangit ka nung ginawa mo yun.Cute lang talaga ako.Saan pala yung room 209?"
"Dun ba room mo?Well 2 blocks away from my room lang pala yun.Hatid na kita."
Dahil mabait akong bata ihinatid ko na sya sa room nya.Siguro ayaw nya lang pag usapan yung tungkol sa pamilya nya kaya ganun ang nagung reaksyon nya.
Pumasok na ko sa room namin.Wala si Ced at Gen.Pati narin si Tristan.Ay oo nga pala.Nakalimutan ko.Bale may 8 mins. pa naman bago ang 1st subject kaya punta muna ako sa gym.
Habang papunta ako sa gym,nakakarinig na ko ng pag didribble ng bola.Siguro si Tris lang ang nasa gym.
At hindi nga ako nag kamali.Sya lang mag isa sa gym.
Pinag masdan ko lang sya habang pawis na pawis na sya.Umupo ako sa bench na pinag lagyan nya ng gym bag nya.
Parang nag slow motion ang buong paligid habang nag lalaro sya.
Halos kita ko na nga ang pawis na umaagos sa katawan nya eh.
Ang cool nya.
Ang gwapo nya.
Matalino sya.
Masungit pero maganda syang ngumiti.Bakit muka syang anghel?Do he still needs to come back down to earth?
Ngayon lumalapit sya sakin habang nakangiti.
"Hope?" Ang sarap pakinggan na banggitin nya ang pangalan ko.
"Hope?" Agad nawala ang ngiti nya.
"Oh.Ay.Sorry." Naupuan ko pala ang tali ng gym bag nya kaya napatayo ako agad.
"Bakit mo pala ako pinapunta dito?"
"Huh?"
"Sabi kasi ni JT--Tsk.Yung batang yun!"
"Tutal nandito ka na naman dalhin mo nalang tong bag!" At inabot nya sakin ang mabigat nyang gym bag.
"SERIOUSLY?Gagawin mo kong alalay?"
"Masasanay ka rin."
"Ano ka?Ayoko ngang masanay na maging alalay mo.Wag mo ring sanayin na parati akong magiging alalay mo.Ngayon lang 'to.Baka pag nawala na ko sa tabi mo hanap hanapin mo ko eh."
"Tsk.Andami mong sinabe.Ikaw nga jan ang mag bubuhay prinsesa after 5 years eh." Inakbayan naman nya ko kaya mas lalong bumigat ang balikat ko,dahil narin sa gym bag nya.
"Psh.Ikaw habang tumatagal kumocorny." Biro ko.
"Ah ganun.O sige.Ayaw mo eh." Tinangal naman nya ang pag kakaakbay sakin at binilisan ang pag lakad kaya hinabol ko sya at inilagay ang mabigat nyang braso sa balikat ko.
"Joke lang naman." Tumawa naman sya na ikinabuti ng tenga ko at ginulo nya ang buhok ko.Ang sarap kasing pakinggan ng tawa nya.Dati rati palagi syang nakasimangot sakin.May usapan pa nga kami na hindi kami mag uusap kung hindi naman importante pero ngayon nag bago na amg lahat.

BINABASA MO ANG
Fake Love
Randomonce upon a time..I fell inlove with the person who can't love me back. The End.