Chapter 32

22 2 0
                                    

"Wow.Hahaha.Ang ganda naman dito.Ang saya!" Ramdam ko na may Mali kay Gen.Iba yung tawa nya..Peke.

Naalala ko na naman yung nangyari kagabe.

"Ramdam mo na may mali..Pero hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko sayo.Ganyan kaba katanga kay tristan?"

Pag katapos kong marinig yon mula kay Drake,nasampal ko sya.
Anong kwenta syang lalake?Girlfriend nya si Gen pero iba ang gusto nya?
Grabe sya.Kaibigan pa man din sya ni Tristan.

Nung gabing iyon..Ni hindi ako kinakausap ni Gen.Siguro alam nya ang nararamdaman sakin nung boyfriend nya.Kaya siguro sila nag LQ.Pero in the first place..Bakit naging sila kung iba ang gusto ni Drake.

Hindi naman na ayaw ko sa relasyon nila.Ang sakin lang..nasasaktan ni Drake ang bestfriend ko..At dahil sakin yun.

Bakit?
Bakit ako ang gusto ni Drake??Alam ba to ni Tristan?Tsk.Dumadami ang problema ko eh.

Nandito kaming mga bata sa honesty store.Iniwan kami nila Papa kasi may pupuntahan daw sila na bawal naming puntahan.
Madami na din kaming kinakain na peanut brittles.syempre nag babayad kami.Nakabili na din kami ng mga souvenirs pero di parin ako kinakausap ng matino ni Gen.Ano bang problema samin.

Ilang beses syang umiiwas sakin.Tsk.Naman oh.

"Gen/Hope usap tayo." Nagulat nalang ako ng parehas kami ni Drake ng sinabe.Gusto kong makausap si Gen.Tas gusto akong makausap ni Drake?Ano ba yan!Please someone help me!

"Uy kylie.Tinan mo dun oh!Mukang maganda ang view dun!Tara mag picture!" Bigla nalang hinigit ni Gen si Kylie.Tsk.

"May problema ba hope?" Tanong ni Tristan.

"Wala." Tanging sagot ko.

"Tingin ko meron.Kanina pa kayo ni Genny hindi nag uusap eh.May nangyari ba?"

"Wala nga sabi eh." Bigla nalang akong napasigaw.Tsk.Pati tuloy si tristan nadadamay na eh.

"S-sorry.May iniisip lang ako." Agad akong humingi ng paumanhin at lumabas ng tindahan.

Kakausapin ko si Gen.Di ako makakatulog nyan eh.

[Genny's POV]

"Ramdam mo na may mali..Pero hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko sayo.Ganyan kaba katanga kay tristan?"

Hindi ko parin makalimutan ang sinabi ni Drake kay Hope.
Hindi ko inaasahan na sasabihin yun ni Drake sa bestfriend ko.

Narinig ko ang sinabi ni Drake kay Hope dahil bumalik ako non para sabihin kay hope na hindi totoong kami na ni Drake.Tsk.Antanga ko kasi eh.

Alam ko na may iba syang mahal pero hundi ko naman inaasahan na iisa lang kami ng minamahal.Mahal ko ang bestfriend ko na mahal din ni Drake.All this time si Hope pala ang gusto nya.Sa ilang taon kong ipinaparamdam sa kanya na mahal ko sya..Bestfriend ko pala ang gusto nya?

Sabi ko na nga ba may mali sa inaasta ni Drake.Kaya lang siguro sya lumalapit sakin ay para kay Hope..sa bestfriend ko.

Nag assume ako na gusto nya rin ako.Kaso ano?Tsk.Nasasaktan ako.Nakakainis.Showy ako sa feelings ko..Alam nila yun.Pero bakit parang si Drake hindi nya alam?Ganun ba sya kamanhid?The fq.
Putspa.Nasasktan ako pero hindi naman dapat.

"Hoy Genny.Akala mo ba hindi ko napapansin?" Tanong ni Kylie.Naglalakad ako palayo sa honesty house at nakalimutan kong hinila ko nga pala si kylie.

"A-anong ibig mong sabihin?"Tanong ko.
"Did hope and you fought?" Tanong nya uli.

"Hinde a-ah.Hindi n-naman kami mag kaaway." Hindi naman talaga eh.Naiilang lang ako sa kanya.Binilisan ko ang paglalalad ko.

Fake LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon