"Oy hope.Anong itsura yan ha??' nasa kusina ako ng bigla nalang akong sinampal ni hannah.
"Eh??..Hoy.Ano ba??Ba't ka nananampal??Tsaka kung makatawag ka ng pangalan ko akala mo kung sino kang mas nakakatanda!!LINTIK KA AH.WALA KANG GALANG!!" napasigaw tuloy ako.
"Andame mo naman nasabe!!Nag tanong lang naman ako kung bakit ganyan itsura mo ah!!"
"Kahit na!Dapat di ka nanampal.At mas lalong dapat ginagalang mo ko!!"
"Eh s nasanay na ko sa atmosphere sa europe eh!!"
"Eh di sana wag mong dalhin dito ang nakasanayan mong atmosphere!!Hindi ito Europe.For Petes sake.We are in the Philippines ok??"
"Hoy.Ano bang kaguluhan yan??Ang aga aga ang ingay nyo!!" sabat ni kuya.
"Yeah right.Simula nung dumating kayo umingay ang bahay ng mga De Guzman!" epal din ni Kylie.
"Kahit naman wala pa sila maingay na dito dahil sayo at kay ate hope!" epal din ni J.T.
"Kayo kayang dalawa ang palaging nag aaway kaya maingay dito!!" sabat naman ni Tristan.
"Okay okay.Balik na kay hope at hannah.Ano bang meron??" pagbalik topic ni kylie samin.
"Si hannah kase nanampal!Tapos wala pang galang!!" sabi ko.
"Sinaampal ko lang naman sya kase..tingnan nyo yung itsura nya!!" Tapos sabay sabay silang tumingin sakin.
"Bakit ang pangit mo??" tanong ni kuya.
"Matagal na yang panget." tristan.
"Ano??" kung panget ako..bat nya ko nagustuhan??dahil kaya sa maganda ang kalooban ko at hindi ang panlabas na anyo ko.Pero naniniwala ako sa kasabihan na 'Ang kagandahan ay hindi nakikita sa panlabas na anyo.Nakikita ito sa paglabas ko ng pinto.'.
"Eh bakit nga ba ganyan itsura mo?!" tanong pa ni J.T"Ha??E-eh kase..Napuyat lang ako."
"Bakit ka napuyat??" tanong pa ni hannah.
"A-ano..basta!!Eh bakit wala kang galang!!" pag iiba ko ng topic."Oo nga hannah.Galangin mo yang si hope!Matanda yan eh!!"
"Eh bakit yung tono mo kuya parang nang aasar ka!eh mas matanda ka no!!" natawa naman sila.
"basta hannah.Galangin mo ate mo tulad ng pag galang mo sakin.Ate mo parin sya kahit ganyan ang itsura nya."
"Tsk.Kuya ha!!"
"Okay fine!!Im sorry ate.I just miss being a twin with you!!" tapos niyakap nya ko."Awwwwwww.I miss you too sizzy twin.Im sorry." Date kase ginagawa kaming twins ni mama.Magkamukang magkamuka talaga kasi kami.May mga taling lang sya.Pero mas matanda ako s kanya ng 2 years.
"Tara na nga.Nag drama lang naman sila!" Anyaya ni kylie at umalis na sila at nanood nalang ng movie sa sala.
Napuyat ako kasi naman si Tristan eh!!Masyado akong pinakilig kagabe!!Di ko tuloy yun makakalimutan.April 18,2015..My first kiss with my first and last love.Hihihihi.Kinikilig talaga ako kapag naaalala ko yun.That was the best day of my life.Hahaha(*˘︶˘*).。.:*♡
Ang saya saya ko.Kaso panira lang si hannah.Nag dadrama lang pala.Hihihi.
Di nag tagal umuwi na sina mama at tita.Sila na kasi ang bumili ng beds nina kuya.Si papa nasa trabaho pa.Pinalagay nila yung mg bed sa room ko at room ni kylie.Syempre kasama ko sa room si kuya.Baka daw kasi maging impyerno yung kwarto ko.
"Honey..kelan ba tayo pupunta sa vacation house nyo??" narinig kong tanong ni tita kay mama.
"Hmm..Siguro after ng birthday ni hope." sagot naman ni mama.

BINABASA MO ANG
Fake Love
Ngẫu nhiênonce upon a time..I fell inlove with the person who can't love me back. The End.