"Hayaang Ako'y Makapagpahinga"

13 0 0
                                    


Lumalalim na ang gabi ngunit 'di pa rin ako dalawin ng antok.
Mata'y pilit ko ng ipinipikit ngunit 'di pa rin makatulog.
Maraming boses ang bumubulong sa aking tainga,
Hindi ako nilulubayan - paulit-ulit.
Pilit sumisiksik sa aking diwa - sa isip na punong-puno na.

Ilang daang tupa na ang nabilang,
Maraming alaala ng nakaraan na ang nabalikan
Ngunit hindi pa rin kayang haplusin ng buwan ang aking mga mata upang makatulog na ng tuluyan.
Nais ko na sanang ipahinga ang isip ko'ng wala yatang kapaguran.

Dinggin sana ng mga tala ang aking panalangin.
Hayaan ako'ng makapagpahinga at makasabay sa katabi kong sa pagtulog ay nahihimbing na.
Layuan ako ng mga boses na gumugulo sa aking pamamahinga.
Hayaang ako'y maayos na makatulog na - sana.


_ SecretSuperstar13 _

Damdaming Hindi Maisatinig (TULA) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon