"Suko na ako"

3 0 0
                                    


Ibinigay ko sa'yo ang lahat, minahal kita ng sapat.
Iniwan mo lang ako'ng luhaan, bakit hindi mo ako ipinaglaban?

Hindi ako perpekto, pero alam ko'ng hindi ako nagkulang sa'yo.
Hindi lang siguro ako naging sapat, dahil may hinanap ka na hindi ko maibigay.
Malayo ka na sa dati at palagi pa'ng hindi mapalagay
Tila iba ang hinahanap, iba na yata ang gusto mo'ng makayakap.

Suko na ako, iwanan mo na lang ako'ng mag-isa.
Kaysa masaktan pa ako at umasa na baka tayong dalawa ay puwede pa.
Kapag umalis ka, huwag ka ng bumalik dahil suko na ako.
Huwag mo'ng paglaruan ang puso ko na minsa'y sabik sa'yo.

_ SecretSuperstar13 _

Damdaming Hindi Maisatinig (TULA) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon