"Dahil sumuko ka"

2 0 0
                                    

Inilaban kita pero ikaw ang bumitaw dahil sumuko ka.
Naniwala ako sa sinabi mo na kahit ano'ng mangyari hindi mo ako iiwan,
Pero ikaw rin mismo ang sumira sa'yong mga pangako dahil sumuko ka.
Sinabi mo rin na magtiwala ako sa mga plano mo,
Pero pinaasa mo lang ako at pinaghintay dahil sumuko ka.

Iniwan mo ako'ng mag-isa sa gitna ng dilim.
Inalis mo ang payong at hinayaan ako'ng mabasa ng malakas na ulan.
Wala ako'ng magawa kundi ang tanawin ka'ng tumatakbo papalayo sa akin.
Wala ka na dahil sumuko ka, at dahil sumuko ka kaya wala na ang tayo.

Damdaming Hindi Maisatinig (TULA) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon