"Hindi ito ang wakas"

2 0 0
                                    

Ang ‘yong paglisan ay hindi ang katapusan,
Ito ay simula lamang ng bago mo’ng laban.
Ang ‘yong kaway ay hudyat ng pamamaalam,
Ngunit alam ko’ng babalik ka rin kapag ang hangarin ay napagtagumpayan.

Mag-iingat ka kung saan ka man tangayin ng ‘yong mithiin.
Ilaban mo ang bawat sandali hanggang sa maabot mo na ang mga bituin.
Baunin mo sa’yong paglalakbay ang mga magagandang alaala,
Makaramdam ka man ng lungkot, may panghuhugutan ka ng lakas upang muling bumangon sa umaga.

Ang sabi mo ako na ang bahalang tumupad sa mga pangarap mo,
Hindi, ikaw ang tutupad lahat no’n pagdating ng araw, dahil hindi pa naman tapos ang laban.
Palagi akong magiging proud sa’yo anuman ang maging plano mo sa buhay.
Walang imposible baya kapag sa Diyos ka humingi ng patnubay.

Huwag mo lang sanang kalilimutan ang mga bakas ng ating pinagsamahan.
Makakilala ka man ng ibang mga kaibigan, mananatili pa rin ako bilang iyong sandalan.
Tandaan mo palagi na narito lang ako, ang ‘yong matalik na kaibigan.
Handang makinig sa’yo abutin man tayo ng magdamag na kuwentuhan.

_ SecretSuperstar13 _

Damdaming Hindi Maisatinig (TULA) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon