"Hindi ko maunawaan ang aking sarili"

2 0 0
                                    

Nasa tamang lugar naman ako ngunit bakit tila ako'y naliligaw?
Hindi ko maunawaan ang aking sarili at parang ako'y natutunaw,
Sa lungkot, sa damdaming hindi ko mapagwari–parang gustong pumalahaw.
Ano'ng nangyayari, bakit ang ibig nitong puso ko ay hindi na naman malinaw?

Gumising ako na mugto ang mga mata,
Puyat sa kaiisip, sa kaiiyak dahil sa pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.
Hindi rin makakain ng maayos, ang isip ko'y hindi mapanatag.
Ang umaga ko ay pansamantalang tinakasan ng liwanag.

Hindi ko alam, hindi ko mawari, hindi ko maunawaan,
Ang sarili ko, ang damdamin ko, isip ko'y nalilito at hindi makatahan.
Pahingi ng kaunting panahon, aayusin ko lang ang aking nararamdaman.
Sa kasiyahan, baka sa isang araw na lang muna kita masamahan.

Damdaming Hindi Maisatinig (TULA) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon