"Hindi ko kinaya"

2 0 0
                                    

Pinilit ko'ng ilaban, hindi ko kinaya.
Pinilit ko'ng kayanin, hindi ako nagtagumpay.
Ibinigay ko ang aking buong lakas, ngunit nilunod lang ako ng aking pangamba.
Tinalikuran pa ako ng aking natitirang kaunting pag-asa.

Ako'y nalugmok, walang magawa — hindi ko na kaya.
Naupo na lang sa isang sulok ng aking madilim na kuwarto.
At hinayaan ko'ng tangayin ang sarili sa kalungkutan.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin ang laban.

Saksi ang mga tala at buwan sa aking gabi-gabing panaghoy.
Ang umaga ay 'wag na sanang dumating at hayaan ako'ng makakubli sa dilim.
Dahil hindi ko alam kung paano ulit magsisimula pagsapit ng umaga.
Baka pagbangon ko, hayaan lang ulit ako'ng umasa.
Baka kasi hindi ko na naman kayanin ang bagong umaga.

Damdaming Hindi Maisatinig (TULA) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon