"Sa akin ka sana"

1 0 0
                                    

Sa akin ka sana kung hindi ako nahiya.
Sa akin ka sana kung hindi ako natorpe.
Sa akin ka sana kung ipinagtapat ko agad sa'yo na mahal kita.
Sa akin ka sana, kaso ako'y naging tanga.

Ako sana ang tumatawag sa'yo ng babe, o 'di kaya ay darling.
Ako sana ang palagi mo'ng kausap sa bawat umaga at gabi'ng dumarating.
Ako sana ang nagpapakilig at nagpapangiti sa'yo.
Ako sana... kaya lang hawak ka na ngayon ng iba.

Masakit na makita ka'ng nasa piling na ng iba,
Kung hindi sana ako naging torpe baka tayo ngayon ang magkasama.
Pinipilit ko na lang na tanggapin at pinipilit na maging maligaya,
Paalam, hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa.

Damdaming Hindi Maisatinig (TULA) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon